"WHAT A beautiful day!"
Nakangiting sumang-ayon si Marie kay Ken. Naglalakad sila ni Ken sa tabing-dagat. Niyaya siya ni Ken doon para maglakad-lakad. Para ma-exercise na rin ang paa niya. Pumayag na rin siya dahil kaya niya na naman. Medyo namamaga pa rin ang paa niya pero hindi na iyon masyadong kumikirot kapag inilalakad niya.
Tinanggal na rin ang bandage niya sa ulo dahil magaling na ang sugat niya doon.
Magaling kasi ang nurse niya.
Ang pogi pa!
Ang ganda nga ng araw. Ngayon lang siya nakalabas sa cottage room nila kaya ngayon niya lang napagtanto na ang ganda rin ng buong resort. Mahal siguro ang binayad ni Ken sa resort na iyon lalo na at ilang araw na silang naka-check in roon. Nahihiya na talaga siya kay Ken. Hindi na nga nila mahanap si Dianne. Dahil sa kanya ay napagastos pa tuloy ito. Hindi niya tuloy alam kung papaano siya makakabayad rito.
"Ang ganda nga. Ang ganda rin ng resort nila. Ang gaganda pa ng mga view." Nakangiting saad na lang niya.
"Oo nga. Ang ganda."
Napabaling siya bigla kay Ken dahil pakiramdam niya ay napakalapit ng mukha nito sa mukha niya dahil naramdaman niya ang mainit na hininga nitong tumatama sa mukha niya. At tama nga siya sa hinala dahil napakalapit nga ng mukha ni Ken sa kanya. Titig na titig pa ito sa mukha niya na para bang siya ang tinutukoy nitong maganda. O baka assuming lang siya.
"Ang ganda, parang ikaw. Maganda." Saad nito na para bang nababasa ang nasa isip niya.
Huminto siya sa paglalakad at nag-init ang buong mukha ni Marie sa narinig. Hindi siya makapaniwalang deretsahan na siyang pinupuri ni Ken na maganda siya.
Nakakaloka!
Huminto rin si Ken. Napangiti ito. "O! Ba't hindi kana nakaimik diyan? Hindi ka ba sanay na sinasabihan na maganda?" Natatawang saad nito sa kanya na tila ba naaliw sa hitsura niya. "And wait, are you blushing?"
"Hindi, 'no!" Kaila niya. "Mainit lang kaya namumula ang pisngi ko." Nakakahiya. Nakita pa siya nitong nagba-blush. Para siyang high school student na nagba-blush sa simpleng papuri ng crush nito.
"No, you're blushing." Nakangiting giit nito. Nanunudyo.
"Hindi nga!"
Nilagpasan niya na ang binata at nauna na sa paglalakad. Mabilis naman na umagapay sa paglalakad si Ken sa kanya. Sa isang iglap lang ay nasa tabi niya na ulit ito.
"Parang hindi ka yata sanay na sinasabihang maganda ka? Hindi ka ba sinasabihan na maganda ng boyfriend mo? He must be blind, he's—"
"Wala akong boyfriend." Putol niya sa iba pang sasabihin nito. "Hindi pa ako nagkaka-boyfriend sa tanang buhay ko."
"Really? Why?" Hindi makapaniwalang saad ni Ken. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang pero may nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata nito.
"Walang nagkakagusto sa'kin." Pagsisinungaling niya. Dahil ang totoo ay hindi naman sa pagmamayabang ay maraming nagpapalipad-hangin sa kanya. Kahit nga sa Rendezvous ay meron nang nagtapat sa kanya na katrabaho niyang lalaki na may gusto ito sa kanya pero hindi niya na in-entertain. Masyado kasi siyang pokus sa pagta-trabaho para makapag-ipon kaya wala siyang time sa lovelife-lovelife na 'yan.
"I don't believe you. Choosy ka siguro." Halatang hindi kumbinsido na saad nito.
"Hindi, ah! Wala ngang nagkakagusto sa akin."
"Hindi ako naniniwala."
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Baka Ikaw nga diyan, eh! Palibhasa kasi napakarami mong babae sa Amerika. Ang playboy mo yata doon. Ang dami mo sigurong naging jowa."
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomanceBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...