"SO WHERE are we heading?" tanong agad ni Ken sa kanya hindi paman siya tuluyang nakakapasok sa loob ng kotse nito.
Ang walanghiya ay hindi man lang siya tinulungan buhatin ang maleta niya. Pagod na pagod nga siyang mag-commute patungo sa condo nito habang hila-hila ang maletang iyon dahil ayaw siya nitong sunduin sa bahay nila. Ang gusto pa ay sa condo unit sila nito magkita.
Malaking maleta na ang dala niya para dala niya ang lahat ng kinakailangan niyang gamit sa biyahe nila. Wala kasi siyang pambili ng damit kung sakaling maubusan siya ng pamalit kaya nagdala na siya ng sandamakmak na damit pati paborito niyang unan at kumot ay dala niya rin. First time niyang umalis sa bahay nila kaya dinala niya na ang mga iyon para hindi siya mamahay at makatulog siya ng mahimbing kahit sa ibang bahay siya matulog.
Bakit ba? At least prepared siya at dala niya lahat ng kakailanganin niya sa loob ng maleta niya.
"Napaka-ungentleman mo naman, ni hindi mo nga ako tinulungang buhatin itong maleta ko papasok sa kotse mo!" Nakasimangot na saad niya at pasalampak na isinara ang pinto ng kotse nito.
"Why would I? I know you can carry that thing all by yourself. At sino ba naman kasing nagsabi sa'yo na magdala ka ng napakalaking maleta? Ano bang laman niyan? Ba't ganyan kalaking maleta ang dala mo? Hindi naman tayo mag-a-abroad."
"Huwag ka na nga lang mangialam. Mag-drive ka na lang!" Naasar nang saad niya. Kung ganoon sila sa buong biyahe niya ay kailangan niya pa yatang magbaon ng mahabang pasensiya.
"Wow! Yes maam! Yes, maam!" sarkastikong saad nito. Ibinaling na nito ang tingin sa windshield ng kotse. Mayamaya ay sumilip ito sa rearview mirror at tumingin sa kanya. "Where are we heading?" ulit nito sa tanong nito kanina.
"Sa Laguna." tipid na saad niya.
Kung makakasama niya ito ng matagal sa biyahe ay dapat siguro iwasan niyang kausapin ito para matagalan niya ang presensiya nito habang nasa biyahe sila.
Sa Laguna niya naisipang unang hanapin si Dianne dahil doon ang probinsiya nito. Minsan na nitong na-ikuwento sa kanya na sa San Pedro Laguna nakatira ang pamilya nito. Pero hindi siya siguradong doon pa rin nakatira si Dianne at ang pamilya nito hanggang sa kasalukuyan. Sana naman ay doon pa rin nakatira ang mga ito at hindi ito lumipat.
"Saan?" Tanong ulit ni Ken habang nakatingin sa rearview mirror.
"Sa Laguna nga. Bingi ka ba?"
"I heard you. Ang ibig kong sabihin ay saan tayo dadaan? Hindi ko alam ang dadaanan papuntang Laguna."
Napaismid naman siya. "Hello! Lalo nako! Hindi pa ako nakapuntang Laguna, laking Quezon City kaya ako."
Napapalatak si Ken. "Either me. I've never been to that place. Galing akong States, 'di ba? Papaano tayo makakarating ng Laguna niyan?"
Sa rearview mirror ay pinandilatan niya ang binata. "Seryoso? Hindi ka ba nag-iisip? Gamitin mo ang GPS, o mag-waze ka o kung anumang app diyan sa cellphone mo na puwedeng magbigay sa'tin ng dereksiyon patungong Laguna. Akala ko ba magtutulungan tayong hanapin si Dianne. Paganahin mo rin 'yang utak mo, Mr. Samaniego. Galing States ka pa naman pero ganyan ka mag-isip."
Tumaas lang ang sulok ng labi nito. Hindi niya alam kung nainis ba ito sa sinabi niya. O baka nanadya lang ito para asarin siya.
Nakita niyang kinuha ni Ken ang Cellphone nito at tumalima sa utos niya. Kitang-kita niya ang pagngisi nito, at hindi niya nagustuhan ang pagkakangisi nito. Para bang may maitim itong binabalak.
Mukhang may binabalak si Ken na inisin at pahirapan siya sa buong biyahe nila para makaganti ito sa kanya. Puwes! Hindi ito magtatagumpay. Kung iniisip nitong susuko siya sa paghahanap kay Dianne. No way! Nakasalalay doon ang trabaho niya at ang pagpapagamot niya sa mata ng mama niya.
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomanceBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...