Part 5

84 34 1
                                    


"ATE SAAN ka pupunta? Bakit ka nag-eempake kanina?"

Dahil sa sinabing iyon ng kapatid ay nabulunan si Marie sa kinakain. Nasa hapag kainan siya, at kasama niyang naghahapunan ang Mama Imelda niya at ang bunso niyang kapatid na si Jon.

Dali-dali siyang uminom ng tubig at pinandilatan ang kapatid. Sana makuha nito ang senyas niya na manahimik na ito. Bukas pa sana niya sasabihin sa mama niya na aalis siya at ilang araw siyang mawawala. Pero dahil likas sa kapatid niya ang pagiging bully at tsismoso ay naudlot tuloy ang plano niya.

"Ma, o! Baka magtatanan na si ate kaya nag-eempake siya kanina." Nakangising saad ng kapatid niya na ayaw talaga paawat sa kadaldalan. Ganoon naman talaga si Jon bully at napaka-kulit. Lagi silang nagbabangayan ng kapatid at nag-aasaran, pero dahil doon ay mas lalo niya pang minahal ang kapatid. Siguradong mamimiss niya ito sa ilang araw niyang pag-alis sa bahay nila.

First time niyang aalis ng bahay nila kaya alam niyang maho-homesick siya pagkaalis niya. 'Buti na lang at pumayag si Ken na magpaalam muna siya sa pamilya niya bago sila lumarga para hanapin si Dianne.

"Totoo ba 'yon, anak?" Malumanay na saad ng mama niya. "Kung totoo man iyon, anak ay gusto kong malaman mo na sinusuportahan kita, Marie. Ilang taon ka na ding nagsasakripisyo para sa'min ng kapatid mo. Panahon ng atupagin mo ang sarili mo at magkaroon ka ng sarili mong pamilya."

Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Marie. Kahit kailan talaga ay napakabuti ng mama niya. Kahit may sakit ito ay kaligayahan niya pa rin ang iniisip nito.

"Mama naman, naniniwala ka naman diyan kay, Jon! Hindi ako magtatanan, ma! Paano ako makikipagtanan? Eh, wala nga akong jowa." Pagbibiro na lang niya para pigilan ang pagbagsak ng mga luha. Kung maari ay ayaw niyang magpakitang umiiyak sa harap ng pamilya niya. Siya na nga lang ang inaasahan ng mga ito magpapakita pa ba siyang mahina sa mga ito?

"Sayang naman, anak. Handa na sanang magtrabaho nitong si jon sa construction site diyan sa kanto. Tutal naman at ipinagyayabang nito na malaki na ito at may abs na." pagbibiro ng mama niya at kinindatan pa siya.

Natawa naman siya ng malakas habang si Jon ay sumimangot.

"Si mama talaga, hindi naniniwala na meron na akong abs." Nakasimangot na saad ni Jon.

"Bakit meron nga ba? Baka taba lang 'yan napagkamalan mong abs, jon." Pangagatong naman niya at sabay pa silang natawa ng mama niya. Chubby kasi ang kapatid kaya nag-aambisyon itong magkaroon ng abs.

Sumimangot lalo si Jon. "Ku! Ikaw nga diyan, ate, Eh! Kaya hindi ka makikipagtatanan dahil wala naman talagang makikipagtanan sa iyo. Wala kasing nagkakagusto sa'yo. Tatanda ka sigurong dalaga."

Ngiting aso lang ang isinukli niya sa kapatid.

"Mabalik tayo, Marie. Bakit ka nga ba nag-eempake?" Nakakunot-noong tanong ng Mama niya.

Nakagat niya ang ibabang -labi habang nag-iisip siya ng idadahilan sa mga ito. Hindi siya prepared.

"Ah— ano po, team building! Pupunta po kaming lahat ng mga katrabaho ko sa Laguna para mag-team building. Ilang araw lang naman po akong mawawala. Alam niyo na, bonding-bonding po sa mga katrabaho. Pampa-relax na din po dahil masyado na ding stress sa trabaho araw-araw, gano'n." pagdadahilan na lang niya."Iiwan ko nalang po kay Jon, ma, ang gastusin niyo sa pang-araw-araw. Nag-grocery na rin po ako kanina at nag-imbak na ng pagkain sa ref. 'Yong mga gamot niyo, ma. Huwag niyong kalimutan inumin." Bumaling siya sa kapatid. "Jon, si mama, ha! Huwag mong papabayaan. 'Yong mga gamot niya. Painumin mo sa tamang oras at—"

"Anak, huwag mo na kaming masyadong isipin. Mag-enjoy ka doon sa pupuntahan mo, okay?" Putol ng mama niya sa iba pa niyang sasabihin.

Tumango na lang siya at nginitian ang mga ito.

Kahit ang totoo ay nagkakarambola ang kalooban niya. Lalo na at nasa kasunduan nila ni Ken na 'pag hindi nila mahanap si Dianne ay wala na siyang trabahong mababalikan. Kaya kailangan niyang makita si Dianne.

Nasaan ka na ba kasi, Dianne?

RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon