NAGISING si Marie dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya na nagmumula sa nakabukas na bintana sa kuwarto ng cottage room nila.
Papungas-pungas na bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Hindi siya makatayo dahil nakapulupot ang mga kamay ni Ken sa baywang niya. Kahit tulog si Ken ay ayaw pa rin nitong maghiwalay sila.
Napangiti si Marie habang sinasariwa sa isip ang matamis na gabing pinagsaluhan nila ni Ken. Madaling araw na silang natulog ni Ken dahil buong madamag silang nagniig ng binata. Inangkin siya ni Ken ng paulit-ulit. Pinaramdam ni Ken sa kanya kung gaano siya kaespesyal para rito dahil dahan-dahan at puno ng pagsuyo ang pag-angkin nito sa kanya ng paulit-paulit din.
Wala siyang makapa ni konting pagsisi sa nangyari sa pagitan nila. Dahil ang tanging nakakapa niya lang sa puso niya ay kasiyahan dahil isinuko niya ang pagkababae sa taong mahal niya.
Maikli man ang pinagsamahan nila ni Ken ay natutunan niya agad mahalin ang binata. Hindi naman kasi ito mahirap mahalin lalo na at puro kabaitan ang ipinakita nito sa kanya sa araw-araw na magkasama sila.
'Yon nga lang at hindi siya sigurado kung parehas sila ng nararamdaman ni Ken gayong hindi pa rin ito nakaka-move on kay Dianne. Pero may chance pa rin naman siya para palitan si Dianne sa puso nito dahil sila naman ang laging magkasama. Gagawin niya ang lahat para ibigin din siya ni Ken. Mali man pero hinihiling niya na sana huwag ng mahanap pa nito si Dianne.
Bahagya siyang napapitlag ng mag-vibrate ang cellphone ni Ken na nakapatong sa side table ng kama. May nag-text yata sa binata. Nag-vibrate pa ulit iyon kaya hindi niya na napigilan ang sariling damputin ang celphone nito para tingnan kung sino ang nag-text sa binata ng ganoon ka-aga.
Biglang tumahip ang kaba sa dibdib ni Marie ng makita niyang private investigator ang contact na rumehistro sa screen ng nag-text kay Ken. Tumatambol na sa kaba ang dibdib niya habang binabasa niya ang mensahe.
Ken, I found, Dianne. She doesn't live in San Rafael. They're family moved to Calamba, Laguna. Last month. I'll text you the full address.
Hindi na binasa ni Marie ang sumunod pang text ng private investigator. Nanginginig ang mga daliri na pinagbubura na ni Marie ang text nito. Pagkatapos ay inilapag niya na ulit ang cellphone ni Ken sa side table.
Nahiga ulit si Marie sa tabi ni Ken at niyakap niya ng mahigpit ang tulog na tulog na binata. Nakokonsensiya siya sa ginawa. Pero alam niya naman na kahit binura niya ang text ng private invistigator ay malalaman pa din ni Ken kung nasaan si Dianne at hindi rin magtatagal ay magtatagpo din ang dalawa. Handa naman siyang magparaya at papalayain niya si Ken kung si Dianne ang pipiliin nito.
Pero sa ngayon ay magiging makasarili muna siya. Sa kanya muna si Ken. Susulitin niya na lang muna ang masasayang araw sa piling ni Ken kahit sa nalalabing araw lang na magkasama sila.
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomansaBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...