INISANG LAGOK ni Ken ang basong may laman na alak. Nasa mini-bar siya ng resort. Doon siya dumiretso ng lumabas siya ng cottage room nila ni Marie kanina.
Hindi pa siya nakuntento at tinungga niya na ang bote ng alak at ibinuhos sa sarili ang laman niyon para mahimasmasan siya sa init ng nararamdaman niya. Habang pilit na binubura sa isip ang imahe ni Marie na halos hubo't-hubad na. He bet his life that even in a million years ay hindi niya makakalimutan ang nakakaakit na alindog ni Marie kanina.
He was aroused, He was very turned on. Kung hindi nga lang siya nakapagpigil kanina ay baka naangkin niya na ang dalaga ng paulit-ulit. Mabuti na lang at nakapag-isip isip pa siya ng maayos at nakalabas na siya ng kuwarto bago mahuli ang lahat.
He coud swear he can make love to Marie until they're both sore and can't barely move, but he has to stop himself from doing it. Ayaw niyang maging unfair sa dalaga.
Of course He can make Love out of love dahil sanay siya sa mga babae sa Amerika na naka one night stand niya pero iba si Marie. Hindi niya iyon magagawa sa dalaga. Marie is special. Hindi ito katulad ng kung sino-sinumang babae.
He wants to make love with Marie with a clean slate. Nang mga nakaraang araw ay naguguluhan na rin siya sa nararamdaman niya. Dahil ng ilang mga araw na nakasama niya si Marie ay ni hindi na sumagi sa isip niya si Dianne. Kung sa Amerika ay lagi niyang naikokompara ang mga babae doon na nakakarelasyon niya pero kay Marie ay ni isang beses ay hindi niya naikumpara kay Dianne ang ugali nito.
Dianne was his first love kaya hindi niya ito makalimutan. But when it comes to Marie it was different. Kakaiba ang personality ni Marie na tumatak na din sa isip niya. Sa araw-araw na kasama niya ito ay mas lalong sumsiidhi ang kagustuhan niyang mas lalo pang kilalanin ito. Na mas lalong maintindihan ang pagkatao nito, to be closer to her. And God knows how much he's trying to make her smile and laugh all the time. Kasi ayaw niyang nakikita itong nalulungkot. And if it isn't love then He doesn't know what it is.
But He wants to be sure, gusto niya munang makita si Dianne para makasiguro. Baka kailangan niya lang makita si Dianne para magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan sa isip niya.
At sana nga makita niya na ito. Para makapagsimula na siya ng panibagong buhay kasama si Marie.
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomanceBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...