Reigne's POV
Natapos na kaming lahat sumayaw kaya agad kaming pinatipon sa gitna ni Mrs. Ocampo upang bigyan ng instructions.
Unang nagpaalam sa akin si Glace dahil pinatawag siya ng kanyang ina sa kanilang bahay.
Pumunta ako sa gitna kong saan marami na ang mga estudyanteng nakaupo doon.
Wala ako ngayong kasama kaya mas pinili kong makinig nalang sa babaeng nasa aming harapan.
Nakaramdam ako presensya ng isang tao sa aking tabi kaya ako napatingin.
Binungad ako ni Ashly ng isang magandang ngiti kaya agad akong ngumiti pabalik.
Una hindi ko pa nakita si Cassy na nasa kanyang tabi pero ng humarap ito sa akin agad kong nasilayan ang kanyang mala-anghel na ngiti.
I felt myself blushing pero hindi ko ito pinahalata dahil nasa tabi ko si Ashly.Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at umupo sa aking tabi.
Nasa kanan ko ngayon si Ashly at sa kaliwa naman si Cassy.
Ayaw kong maging ganito kalapit sa kanya pero taksil ang aking katawan.
Tumingin ako sa kanya na medyo kinakabahan samantalang tinaasan niya lang ako ng kilay.
I rolled my eyes to distract myself and to avoid looking at her.
Napansin ko rin kinindatan siya ni Ashly sa kanyang ginawa.
Bakit iba yung ipinapakita ni Ashly? Dapat nga magselos pa siya because her girlfriend was flirting with me in front of her.Hindi ko sila pinansin dahil nakaramdam ako ng inis.
Pinaglalaruan ba nila ako?
Binuhos ko ang aking atensyon kay Mrs. Ocampo na nagsasalita sa gitna." Okay! Bukas namin ilalagay sa Bulletin Board ang listahan ng mga estudyanteng nakapasa sa audition. Sa lahat ng mga nakapasa congratulations at sa mga wala better luck next time. Thank you!" pagtatapos ni Mrs. Ocampo.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumakad palayo mula kina Ashly at Cassy.
Tumungo ako sa main gate upang humanap ng taxi.I texted Glace that the audition was finally over and I was waiting for taxi.
I pressed the sent button and a moment later nakatanggap na ako ng reply mula sa kanya.
Binasa ko ito at napangiti.
"Pen psensya nauna ako umuwi
Nndito nko sa bhay,ingatt bb :* luv yah"" Ok lng, ingat ka rn ^_^" I replied.
Tinago ko ang phone sa aking bag at naghintay ng taxi.
It was almost 30 minutes since naghihintay ako dito. Wala pa rin akong mahanap. Punong puno na rin ang mga jeeps kaya hindi ako makasakay.Napansin kong may tumawag sa akin kaya nilibot ko ang aking mga mata.
Nakita ko ang isang itim na sasaktan kung saan nakaupo si Cassy at Ashly sa backsit." Reigne gusto mongggg sumabay?' tanong sa akin ni Ashly.
" Okay lang ako,salamat sa alok" sagot ko.
I crossed my arms ng umihip ang malamig na hangin.
Nakita ni Cassy ang sitwasyon ko pero hindi siya umimik." Pwede ka namang sumama" pagsesegurado ni Ashly .
" Okay lang talaga salamattt" nakangiting sambit upang hindi sila mag-alala.
Agad umandar ang kanilang sinasakyan at kumaway sa akin si Ashly bilang paalam samantalang si Cassy naman ay hindi na nakatingin na nagpadismaya sa akin.
Kanila she was flirting with me tapos ngayon she acted as a cold girl?
Anong problema niya sa akin.Muling umihip ang malamig na hangin kaya tumingin ako sa langit.
Konti lang ang mga bituin na senyales na may paparating na ulan. Kakaunti na lang rin ang mga estudyanteng naghihintay sa main gate tapos hindi ko pa mga kilala.
Giniginaw na ako sa aking kinatatayuan. Nagsisi din ako sa suot ko ngayon. My outfit wasn't helping me.May dumaang taxi kaya agad akong pumara pero huli na ang lahat naunahan ako ng dalawang estudyante.
Kaming dalawa nalang ng estudyanteng nasa tabi ko ang natitirang naghihintay ng masasakyan.
BINABASA MO ANG
SHIVER(girlxgirl)
Roman d'amourShe had lost her mother and never wanted to live through that pain again.It took her few years until she totally moved on and ended taking new path for her senior years. Reign was in total shocked when she met Cassy. A young and lovely girl who was...