"Good morning class, sorry for being late..."
Dumating na yung teacher namin tiningnan ko sina Kaelyn, nag-ok sign lang sila sa akin. Nasa may dulo kasi ako na row. Katabi ko nga yung dalawang lalaking to, sina Lanz at Zhien.
"My name is Ms. Freja Hidalgo, and I guess everyone here knows me since I am your English teacher last school year." pagpapakilala ni ma'am infront of us. She's nice ah. Hindi mukhang masungit or whatever.
"Ay, oo nga pala. Where are the three new students here? Can you introduce yourselves infront of the class since kayo lang ang hindi pa namin kilala."
Etong ayoko kapag transferee ka eh.. Hayss! Magawa na nga nang matapos na..
Pumunta na ako sa unahan, kasama yung mga bestfriend ko. Unang nag-salita si Blythe.
"Hi, my name is Blythe Perez, 16 years old, and I am good in singing and dancing. You can always count on me. ^__^ kung may mga kelangan tayong plays sa iba't ibang subjects naten. ahihi"
"Ako naman po si Kaelyn Tuazon, I'm friendly but also bad as enemy so please, don't judge the book by its cover... wag nyo muna kong husgahan, kilalanin nyo muna ko nang maiigi bago kayo bumanat ng kung ano."
then, a complete silence filled the room.
"haha, just kidding. friendly po talaga kong tao, minsan maloko lang talaga" tss. eto kasing si Kaelyn eh, andami pang sinasabi. tsk tsk.
Magpapakilala lang sila eh, andami nang sinabi ng dalawang ito! ako na pala next... *gulp*
okay.. here I go.....
"Ohayou gozaimasu! I'm Satsuki Fontanilla. Half filipino and half japanese. Please be kind to me and hope that we'll all be able to become friends before this school year ends. Hajimemashite!" yun na lang sinabi ko. hehe, walang maisip eh. [good morning] [nice to meet you] po yan in japanese ^___^
"Whooaaahhh!!!" ayan yung narinig ko sa kanila.. haha.. di naman halatang elibs sila masyado ah...
Naupo na kami sa mga upuan namin. Wala namang pinagawa si ma'am Freja since first day pa lang naman daw. She just gave us the time to get to know each other. Pero haaay! nakakaboring naman dito sa upuan ko. Buti pa sina Blythe at Kaelyn, nakikipag-daldalan na dun sa mga girls.
"Uy, galaw galaw naman dyan oh. Para kang tuod ahh." nakangiting sabi sakin ni Lanz.
"Sus, pano ba naman, walang makausap eh.. Pwede ka ba??"
"Sure. Actually kanina pa eh, di ka nga lang nagsasalita. haha."
"Ok, gusto ko sanang makilala pa kayong magbabarkada eh. Kung pwede lang naman. kwento ka naman tungkol sa inyo oh. Please? " sabi ko kay Lanz.
"Pssst! kayong dalawa, lapit nga muna kayo dito." sigaw niya kina Alvin at Nicks. Nakita ko namang agad din silang lumapit samin.
"Oh bakit dre? What's the problem?" tanong ni Nicks na sabay hatak ng upuan at naupo na rin sa harapan namin.
"Wala naman, gusto lang tayong makilala ni Ms. Satsuki." natatawang sabi ni Lanz. Hay naku baka kung anong isipin ng mga yan noh! Baka sabihin pa nilang may crush ako sa kanila. lumaki pa ulo ng mga yan -____-"
"Tsk,tsk,tsk.. Iba na talaga kapag gwapo." sabi ni Alvin, then he grinned.
"Uy, hindi naman ayun yung dahilan ko eh. Nakaka-curious lang kasi eh. Bakit masama bang makipagkilala sa inyo? Edi wag na lang. SALAMAT ha." nakasimangot kong sabi. kala nyo ba di ko kayang mag taray? haha. kala nyo lang yun :P
"Pssh. eto naman oh, jinojoke lang eh. Antaray mo naman. Tampo kagad oh."
"Haha. Syempre joke lang din noh. Di ako nagtatampo, sige na, go na! Kwentuhan na tayo."
"Sandali lang. Oy! Sumali ka dito Zhien!"
"Oo na. Alam ko namang di kayo makukompleto kapag wala yung leader nyong gwapo. :3" haha. Ngayon ko lang narinig tong magsalita ah. Bumanat pa! Astiiiig!!
"Gusto namin ikaw mauna. Sige na. Kwento ka tungkol sa sarili mo, tapos promise, kami naman magkukwento." sabi ni Alvin sakin. Psh. Sige na nga, pagbibigyan ko na tong mga to. Since ako naman ang nagyayang magkipagkilala.
"Ok, fine. Alam nyo nanaman na yung name ko diba?! My bestfriends call me Suki-chan, short for Satsuki and I call them naman Blythe-chan and Kae-chan. That's what we call each other. 'Endearment' kumbaga. We were from a.... hmmmm.., WORTHLESS school. Wag niyo ng itanong yung name, basta ampanget dun sa school na yun. mga mukhang pera mga teachers and even the principal! My God! Naaalala ko nanaman yun. Pero wag na nating balikan yung past namen sa school na yun. Marami kaming.. uuhhh.. bad memories dun. Anyway, bestfriends na kami ng mga yan since elementary... and we are REALLY GOOD FRIENDS.. Knight in Shining Armor ang bawat isa. hihi. So how about you guys? Anong meron sa inyo?" ok, ayoko ng magbigay ng other informations. hehe.
"Hmmm, I'm Alvin Rei Pascual, and i am admitting na i'm ONE of those guys na gwapo dito sa ERA. I am proud to say that I have lots of suitors.. Maraming girls ang nagkakandarapa sa akin noh! mehehe. oo nga pala, Bestfriends na kaming apat since 4 years old kami, dahil mga kababata ko yang mga yan. Sobrang close kami sa isa't isa at kapatid na ang turingan namin." pagkukwento ni Alvin. WOW ah, so close pala talaga silang apat ah. Hmmm... Ano pa kayang malalaman ko tungkol sa kanila?? O.o pero may kayabangan din pala tong si Alvin. hehe.
"Ok, my turn. I'm Nicks Oflaria, the son of the greatest car company owner here in the Philippines. Well, kung i-dedefine ko sarili ko.. hmmmm.... syempre gwapo, cute, maputi, matalino, matangkad, mayaman at campus heartthrob. :3" naks Nicks. Hmm.. Baligtarin natin. Nicks naks.. haha. joke lang po. Grabe pala tong mga lalakeng to. Mahahangin. Super.
"Pshh. Wala ka talagang pinagbago Nicks. Anyway, nasabi ko na name ko sayo diba. Lanz Loren Comienzo, remember that and do not ever try to forget it. I'm just a simple man. Gentle man ako pero iba na nagiging attitude ko pag ako'y umibig. I'll fight for that girl and will always protect her." sincere na sabi niya. Bakit naman ayun yung sinabi nun. Andami daming pwedeng sabihin para ipakilala yung sarili eh. Tsss.
"Ohhh-kaaay.. Then how about you Zhien?" pagtatanong ko sa kanya. Sana sumagot siya ng maayos.
Tinitignan niya lang ako and take note, straight through my eyes. Naku naman. Bumibilis tuloy heart beat ko. Bakit kaya? Maybe I'm just nervous by the way he looks at me.
"As for me, my name is Zhien dela Rosa. I won't give any other information about my personality, attitude or whatever. Just judge me for who i am to you and slowly discover the answers to the questions you have in your mind. I will let you know me better anytime as long as we are still friends and together in this section." at ayan po ang kanyang sinabi sakin.Wow ha. Hindi ko expected yan.
Lahat kami ay napa-nganga sa speech ni Zhien.
_____________________________
please vote, comment and be a fan po kung nagustuhan nyo po :)
Thank you so much po! :)) Godbless <3
:***
BINABASA MO ANG
He Who Stole My Heart
Genç KurguIs it really true that nothing is permanent in this world? Even your feelings? This is a story about a girl that faces reality in her life. She fell in love with a guy that really stole her heart away. But will her feelings change as she discovers m...