*riiiiing* *riiiiing*
After nung speech ni Zhien, biglang tumunog yung bell, meaning lunch time na namin. Nagpaalam na sakin yung dalawang lalaki na sina Nicks at Alvin. Si Zhien, biglang nawala sa eksena matapos sabihin yung speech niya kanina. Halos lahat na ng mga kaklase namin ay nagsisi-labasan na, except kay Lanz. Nanatili siyang nakaupo sa upuan niya.
"Uy! Lunch time na natin oh. Di ka ba kakain? Bakit di ka pa sumabay dun sa tatlo?" nagtatakang tanong ko kay Lanz at sabay tawag na rin sa dalawa kong bestfriend.
"Uh eh.. diba transferee kayo dito? so ibig sabihin, di nyo pa kabisado tong school?"
"Huh? oo naman. alangan namang kabisado agad namin to, eh first day pa lang namin diba?"
"Sabi ko nga. Soo..... samahan ko na lang kayong mag lunch? para di kayo maligaw and at the same time, may mag tour naman sa inyo dito sa loob ng campus. Ano? Ayos lang ba sayo?"
"Hmmm.. sure! great idea! pakikilala na rin kita sa besties ko ahihi"
At ayun na nga po ang nangyari.. sinamahan kami ni Lanz sa cafeteria ng school. grabe! ngayon ko lang na realize na ang laki pala talaga ng ERA?! haha, napagod nga ako sa paglalakad namin papunta dito sa cafeteria eh. :3
Naupo kami dun sa isang table na nasa bandang dulo, malapit sa windows.
" So, bili muna kami ng pagkain namin ni Kae ah, dyan muna kayo ni…. ahhmm?" sabi sa akin ni Blythe.
"ay, oo nga pala! Blythe, this is Lanz and Lanz this is Blythe. Tapos ito naman si Kaelyn" pagpapakilala ko sa kanila. Hindi ko na nga pala sila napakilala sa isa't isa habang papunta kami dito sa cafeteria. Busy kasi ako sa paggagala ng tingin ko sa paligid ng school. ^O^
“oh nice meeting you Lanz. Sige, bili muna kaming foods namen. Kaw na muna bahala sa aming bespren ha.” paalam ni Blythe kay Lanz. Hay nako kung alam ko lang! haha nagpapa-cute ka lang kay Lanz eh.
“Haha. Oh sige, don’t worry I’ll keep an eye on her. Take your time ladies” sabay smile ni Lanz sa dalawa kong bestfriend. Haaay isa pa ‘to oh.. tsk pa-cute rin! Sige ka baka mainlove sayo nyan agad si Blythe. Haha.
At ayun na nga, umalis na sina Bythe at Kaelyn at naiwan naman ako dito sa table namin kasama si Lanz. Ano kayang gagawin ko para maputol ang awkward atmosphere haha.
“Uhmm, soo.. bakit nga ba sumama ka sa amin ng mga bestfriends ko at di dun sa mga kabarkada mo?”panimula ko para may topic kaming mapag-usapan.
“Didn’t you hear me a while ago? I said I want to accompany you ‘coz this is your 1st day in this school right? Haha. And I also wanna get to know you better.” Sabi ni Lanz pero di ko narinig yung huling sinabi nya.
“Ah, sabi ko nga hehe. Pasensya kung makulit ako. Ano nga yung huli mong sinabi kanina? Di ko narinig eh” basag ako dun ah >__<
“Ha? Wala.. ang sabi ko nagugutom na rin ako. Ikaw ba? Di ka pa ba nagugutom?” nakangiwing sabi niya.
“Aah, yun ba yun? Haha sorry bingi eh. Syempre naman, gutom na rin ako. Hintayin na lang natin sina Kae at Blythe. O kung gusto mo mauna ka nang bumili ng pagkain mo? Okay lang naman kung maiwan ako dito.” then I gave him a reassuring smile.
“Ah, hindi! Sabay na lang tayo bumili ng lunch naten. Samahan na lang kita dito.” Sabay iwas niya ng tingin sakin. Okay?.. Bakit parang namumula yung mukha niya? Baka mamaya gutom na gutom na to, pinipilit lang sarili niya na manatili dito at samahan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/2020575-288-k829954.jpg)
BINABASA MO ANG
He Who Stole My Heart
Fiksi RemajaIs it really true that nothing is permanent in this world? Even your feelings? This is a story about a girl that faces reality in her life. She fell in love with a guy that really stole her heart away. But will her feelings change as she discovers m...