Sabrina (16)

215K 2.6K 514
                                    

"One more chance pa please," pagsusumamo ni Trisha sa kanyang nobyong nakangiting-aso.

"Sorry, hon. Rules are rules. You are getting in." And the guy rubbed his palms together in glee.

Naningkit ang mga mata ni Trisha, her face warping from damsel in distress to evil hag. "Don't you dare push me, Archibald! Don't you dare!" Pointing fingers were thrown in for good measure.

Humalakhak lang si Archie at humakbang papalapit sa nagpa-panic na nobya. Umatras naman ng umatras ang babae hanggang sa isa pang hakbang at mahuhulog na siya sa pool. Nagtatawanan naman ang ilan pang mga kasama naming nandoon din sa pool area at pinapanood ang byplay ng magkasintahan.

"I'm not going down on my own!," tili ni Trisha sabay kapit sa braso ng nobyo nang itulak siya nito at sabay silang bumagsak sa tubig, making a big splash.

Naghiyawan naman ang audience ng dalawa habang ina-attempt ni Trisha na lunurin si Archie.  Tatawa-tawa lang ang lalaki habang pinipigilan ang nobya. Ang ibang audience ay tumalon na rin sa pool and joined in the fun.

Naiiling sa antics ng magkasintahang coursemates ko, muli kong ibinalik ang aking atensyon sa pinapaypayan kong pork barbeque. I appointed myself as the barbecue girl.  Hindi pa ako nangangalahati at magtatanghalian na. At the rate those people at the pool area is going, tiyak na gutom na gutom ang mga iyon pagka-ahon. I have to finish this fast.

May biglang kamay na nang-agaw ng cardboard na ginagamit ko pamaypay. Pag-angat ko ng tingin, tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Jacob, isa pang architecture student at blocmate ko. Isa ito sa mga tumalon sa pool and he is dripping water unto the floor tiles sa lugar ko. Nakaramdam ako ng bahagyang inis pero kinitil ko din agad. What do I expect? Nasa poolside ang grill area. Getting my feet wet is to be expected.

"Ako na dito. Doon ka na sa pool."

Mabilis akong umiling at binawi ang pamaypay. "Huwag na. Bumalik ka na doon. Matatapos na rin naman 'to."

Aapela pa sana siya ulit pero inunahan ko na. "Jake, go. I can handle this. Besides, I'm not dressed for the pool."

I'm in an oversized T-shirt and denim shorts at wala akong planong magpalit into the bathing suit that I brought any time soon. At nang maalala ko na naman kung bakit I can't change into the two-piece string bikini, namula ako sa kombinasyon ng inis, hiya, at, sige na, arousal. That Oliver San Martin has a lot to answer for! Pagbalik niya from training camp, we are going to have ground rules about marking me.  I have damn hickeys all over!  Some are already fading pero ang tatlong halatado pa ay nasa maseselang bahagi ng aking katawan na kapag tinanong ako kung paano ko nakuha, iisa lang ang konklusyon:  I became a slut for someone. Argggh.

"Are you sure?," alinlangang tanong ni Jacob na nagpabalik ng utak ko sa kasalukuyan.

Mabilis na tango ang tugon ko. "Yup. Very sure. Go."

He stared at me some more bago kumibit-balikat at bumalik sa pool.

"Gosh. Ang kulit," I muttered under my breath habang binabaliktad ang barbecue strips para ma-grill din ang kabila.

"Ang kulit niya kasi he likes you. A lot." Kamuntikan kong matusok ng hawak kong stick ang bagong salta na si Rachel dahil sa gulat.

"Girl naman! Walang gulatan! I could have skewered you!," singhal ko sa host ng weekend party na ito na napilitan kong puntahan. Rachel is another architecture student like me at prima ng org body namin. Born with a silverspoon, ang main niya yatang dahilan kung bakit nag-uni ay para magpa-party. She often hosts parties and outings to which everyone and his brother is invited to. But she's very nice to me. A little spoiled but never mean.

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon