YOURS.
Limang mga letrang umantala ng limang segundo kong paghinga. Are the lights of this room playing a trick on me? Or may weird mushroom ba akong nasinghot along the way at nagha-hallucinate na ako ngayon?
Muli kong pinakatitigan ang pangalang tinipa ni Oliver kasama ng kanyang numero.
Y-O-U-R-S.
Iyon talaga. All caps pa. Shet naman!
Joke ba 'to? Kung oo, he better be dead right now kung saan man siya! Kasi. Gustong-gusto ko na talaga. Gusto ko nang maging malisyosa. Gusto ko na mag-assume. Kahit mag-mukhang tanga. Kaya, kung prank lang ito, you're the worst, Oliver San Martin!
Napapikit ako at dinala ang aking palad sa aking dibdib. I massaged the area where I can feel my heart racing a hundred miles an hour. I need to calm myself down bago pa ako tuluyang mabaliw sa kakaisip dito. Sa limang buwisit na letrang ito.
Tapos ang labas, wala naman pala akong dapat isipin. Eh 'di ang saya-saya. Na may lohikal na dahilan kung bakit iyon ang tinipang pangalan ni Oliver para sa sarili niya sa cellphone ko. And that reason is NOT that he fell head over heels in love with me!
Muntik na akong mapabunghalit ng tawa with that crazy idea. At least, nabawasan ng konti ang pagkabalisa ko.
In love. Ha!
Love has nothing to do with us. San Martin do not do love. Not right now. Not with me, anwyay. Kakalimutan ko na lang ba ang sinabi niya sa resort na gusto niya lang ako pag-practice-an dahil lang sa nagtipa siya ng limang mga letrang ito? Wala pang isang buwan ang nakalipas since he declared that tapos heto ako at gustong tumalon sa bangin over this.
Sabrina! Get real, girl.
And I do. I do get real with myself. I got family history on my side para pigilan akong maging ilusyonada. I know that fairytales are not for me pero I can't help but let the seeds of hope to bury in my mind. Hope is the hardest evil to kill in this world. At dahil taong marupok lang ako, hindi ako immune. What I can do is just bury it. Bury it so deep baka sakaling makalimutan ko. Makalimutan kong umasa na maybe, just maybe, kahit gahibla lang, may posibilidad that Oliver meant it.
Naiinis ako sa sarili ko. Ngayon lang naman ako sumubok na maghabol ng kakarampot na maliligayang pagkakataon, hinahaluan ko pa ng kumplikasyon. Me and my overthinking brain. Asar. I should just be like other university girls. Sin in peace and enjoy lang. Hiram lang ang mga sandaling ito. Someday, all of this will just become a memory. I better make it a fun one and just chill. Magpatianod sa agos and just see kung hanggang saan aabot ang lahat ng ito. And be ready for the eventual fallout.
Heaving a sigh, I threw the moment of lapsed in judgment at the back of my mind at lumabas na ng kuwartong pinagdalhan sa akin ni Oliver kanina.
Nagkagulatan pa kami ni Jacob na saktong nasa tapat ng pintong binuksan ko. Saglit pa itong natigilan bago awtomatikong inabot sa akin ang isa sa mga bote ng beer na hawak nito. Wala sa sariling tinanggap ko iyon.
"I thought you're not coming," wika niya bilang bati sa akin.
"I said I was," pagsasalungat ko.
"No. You didn't say you're coming. Someone else said you will."
I just stared at him while he waited for my response. Puno ng mga katanungan at pagdududa ang kanyang mga. He can wait forever kung gusto niya dahil wala akong balak tumugon. I dare him to call me out.
Nasa ganoon kaming tagpo ng biglang dumating si Trisha. Una nitong napansin si Jacob. "Nasaan na ang mga inumin?"
"Na-order ko na. Ibababa na lang daw nila sa atin."
BINABASA MO ANG
Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]
RomanceGENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish (sprinkled with Akeanon dialogues) DISCLAIMER: This work is for ADULT AUDIENCES ONLY. It contains substantial sexually explicit scenes between two consenting fictional characters of legal age (under P...