Nakakapagod. Nakakapagod ang magmahal ng isang del Valle at San Martin. Literal na nakakapagod.
I unzipped the gladiator heels I have on, kicked them lose off my feet, at padapang bumagsak sa malambot na kama. This feels like absolute heaven. Sana lamunin na lang ako nitong kama so I don't have to get out there again and face the rest of them.
I wiggled higher up the bed, grabbed one soft pillow and buried my face there. Thank God for waterproof make-up. At kahit mag-smudge man ang make-up ko sa sheets, babayaran naman siguro nina Rachel at Oliver ito, noh? Tutal sila naman ang dahilan ng kapaguran ko.
The hem of the metallic silver sequined dress I'm wearing has ridden up but I'm too tired to push them down. Tutal, wala namang makakakita dahil abala naman silang lahat doon sa main villa. I just need a few minutes to myself to catch my breath and just breathe.
Ang bilis lumipas ng mga araw and the next thing I know, a month has passed already. And that month passed by in a blur of school projects, exams, and parties. Lots of parties. Parang ang hindi ko ipinarty ng tatlong taon, binawi sa isang buwan.
As it turned out, pareho pala ng motto sa buhay ang kapatid at nobyo ko: 'Work hard, play harder.' Emphasis on the 'play harder'. At dahil kasama ko sila, pati ako napapa-play na rin kahit hindi ko gusto.
At least, I discovered that Oliver, compared to Rachel, is much more responsible than other people credit him for. Habang naghahabol ako ng mga drafts ko, focused din siya sa mga plates niya. Usually, sa kanya ang sala at akin naman ang kusina. We would have been more comfortable sa sari-sarili naming mga kuwarto pero ang maarte kong nobyo, ayaw magdala ng mga gawain sa kama. Ako lang daw kasi dapat ang tina-trabaho doon. I just roll my eyes at that. Kahit kailan talaga ang bastos ng bibig.
Pero ayon nga, may oras talaga siyang maki-party at tinatangay niya ako sa lahat ng mga pinupuntahan niya. Naka-ilang balik na kami sa Osiris. Nakilala ko na rin ang iba pang mga kapatid ni Orpheus dahil doon. Napuntahan ko na rin lahat ng apartments ng mga teammates niya. Pati sa mga parties ng mga taga-department namin, dinadala niya rin ako.
Yep. Weird. Ako ang BS Architecture pero siya ang nagdadala sa akin sa mga parties namin. Parties lang ni Rachel ang pinupuntahan ko dati kahit na naiimbitahan naman ako sa iba. Ngayon, natuto na ang mga batchmates ko. Si Oliver ang tinatawagan at iniimbitahan para masigurong makakarating din ako. Ang magaling ko namang nobyo, puro oo ang sagot sa lahat ng imbitasyon.
And now, he decided that it is his turn to return the favor to everyone and host a party in cooperation with Rachel. So here we are, at the same mountain resort na nirentahan ni Rachel months ago. This time, inimbita nilang dalawa ang buong USJ yata. Hindi na halos mahulugan ng karayom ang resort sa dami ng dumalo. The two of them literally rented the whole resort for an overnight stay. Hindi ko lubos maisip kung magkano ang ginastos nilang dalawa at ayaw ko na ring alamin. Baka mas lalo akong masuka.
"Love? Are you there?" Si Oliver, sa labas ng pinto ng kuwartong kinaroroonan ko.
Napaungol ako at bumiling pahiga, yakap-yakap ko pa rin ang unan at nakabaon pa rin doon ang aking mukha.
How did he find me so fast? May tracker ba siyang nilagay sa akin? Hindi ako nag-react ng tuluyan na ngang bumukas ang pinto and nag-click itong muli pasara. Nakakainis din ako, eh. Kung bakit naman kasi hindi ko ni-lock. My only excuse is I'm tired.
I felt the hem of my dress being pulled down gently to fully cover my exposed thigh and the bed dipped softly. Tapos may isang brasong pumatong sa ibabaw ng aking tiyan.
"Ten minutes," I mumbled. "Give me just ten minutes for a power nap."
"Sasakit ang ulo mo niyan paggising."
BINABASA MO ANG
Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]
RomanceGENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish (sprinkled with Akeanon dialogues) DISCLAIMER: This work is for ADULT AUDIENCES ONLY. It contains substantial sexually explicit scenes between two consenting fictional characters of legal age (under P...