Napaangat ako ng tingin mula sa bread toaster na binabantayan ko when I hear the front door of the apartment close. Mayamaya ay nakikita ko na ang housemate ko na papalapit sa kinaroroonan ko. He is wearing a different T-shirt from the one na suot nito kaninang madaling araw.
"Good morning," nakangiting bati niya sa akin at dumukwang siya para gawaran ako ng mabining halik sa noo. Lola ang peg. Ganito ako sa lola ko.
"Hi," matipid ko ding bati habang nakatingin sa toaster. Nang maramdaman kong nakadungaw pa rin siya sa akin ay tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin. He tapped a finger on his cheek when he caught my eyes. Sinimangutan ko siya but he just tapped his cheek again. Napipilitan, I pecked a kiss on the cheek he kept on tapping.
Ang lapad ng ngiti niya nang maupo sa stool na katapat ng sa akin at irap naman ang isinukli ko. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa dalawang slice ng tinapay na hinihintay kong mag-pop -up from the machine.
"Do you know what day it is today?"
Nakapangalumbaba na siya ngayon sa aking harapan nasa pagitan namin ang breakfast island nook at ang bread toaster at ilang mga paraphernalia para sa simpleng breakfast I had in mind earlier.
"Sabado," tugon ko naman.
Natigilan siya. "And what else?"
Bale-walang kumibit-balikat lang ako.
Bahagyang nanamlay ang kanyang ngiti. "Don't you have anything to say to me?"
Binalikan ko ang paghihintay sa paglabas ng dalawang slices of toasted bread. "Ano ba ang dapat kong sabihin sa'yo?," balik-tanong ko habang nakaharap sa toaster.
Ang lalim ng buntong-hininga niya. "So wala. You have nothing to say to me?," pagbibigay-diin niya pa.
The two slices of bread finally popped out of the toaster. Muli akong naglagay ng isa pang set of sliced bread and waited for another round of toasting. I buttered everything and put jam on them all. Inayos ko sa isang plato ang mga 'yon at nilapag sa gitna namin.
"Ano ba ang gusto mong marinig?," I asked after I'm done with everything.
Napawi na nang tuluyan ang ngiting naglalaro sa kanyang mga labi and stared at me for a second or two. "Forget it. Kung wala kang sasabihin eh 'di wala." Mapakla na ang kanyang ngiti.
He reached for one of the toasted, buttered, and jammed bread and methodically stripped it into thin pieces with his bare hands. He began eating each strip with a concentrated effort to chew. Halatadong napipika ito. Malamang, sa akin. Pero binubuhos ang inis sa mga tinapay. Lihim na lang akong napabuntong-hininga sa pagmamaktol niya. I nibbled on my sliced bread while I watched him silently seething.
Inaamin kong ay ideya ako sa kung ano ang pinupunto nitong housemate ko. I just don't want to say it. Rather, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. How do you wish your housemate-with-benefits landlord good luck in his game na hind ka magmumukhang assuming at feelingera? And I'm like an inch from hurtling into the assuming and feelingera zone.
Paano naman kasi, since that night that I agreed to come home with him for Christmas, malaki ang naging pagkakaiba ng pagtrato niya sa akin bilang kasama sa bahay. Sa sobrang kakaiba ng treatment niya, kung ano-ano nang mga ka-ewan-an ang pumapasok sa utak ko kahit anong pagpipigil ko. Sometimes, I find myself wishing that I am more than a fuck buddy to him. Kahangalan kung iisipin but there you have it.
I can't help it. Tao lang ako. May pakiramdam. And this is my first time to be in this type of situation. I don't know the rules and I'm just winging it.
BINABASA MO ANG
Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]
RomanceGENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish (sprinkled with Akeanon dialogues) DISCLAIMER: This work is for ADULT AUDIENCES ONLY. It contains substantial sexually explicit scenes between two consenting fictional characters of legal age (under P...