"Andito ka pala talaga. I thought you were just part of my drunken hallucinations." Still groggy from sleep, Rachel slowly approached.
"Good morning," masigla ko namang bati sa kanya, raising my cup of coffee to her with a smile. Kumportable akong nakaupo sa isa sa mga stool malapit sa coffee machine niya. "Pinakialaman ko na coffee machine mo."
Tumango-tango lang siya na wala sa sarili bago dumiretso sa kanyang cupboard kung saan nakalagay ang kanyang mga mug. Doon din ako kumuha ng tasang iniinuman ko ngayon. Mukhang hindi niya pa nare-recover ang mga motor skills niya mula sa ilang gallon ng alak na ininom kagabi. Kahit isang baso ay wala kasi siyang nakuha.
"Maupo ka na nga dito at ako na diyan," natatawa kong wika saka tumayo. Agad naman siyang tumalima and successfully seated herself on one of the stools na katapat ng sa akin.
"You're so annoying," nayayamot niyang reklamo habang pinapanood akong kinukuhaan siya ng kape. "Ke-aga-aga ang perky-perky mo."
"Para sa kaalaman po ninyo mahal na prinsesa, mag-alas diyes na po ng umaga." Nilapag ko ang baso ng kape sa kanyang tapat bago ako muling bumalik sa sarili kong stall.
Hinila niya papalapit ang kape at humugot ng malalim na hininga, inhaling the aroma deep into her lungs. She moaned with satisfaction. "My God, I needed that. My head is killing me."
"Inubos mo naman kasi yata ang alak sa Osiris kagabi."
Kumibit-balikat siya, or at least tried to while blinking up at me blearily. "It was a good night to get drunk."
Natigilan ako sa narinig. Contrary to what most people think, Rachel does not get roaring drunk just for the heck of it. No. She drinks to oblivion so she could stop feeling for a while.
I stared at her trying to think of a reason sa kanyang paglalasing. Napakunot-noo ako. "He's not really attending the Christmas Ball?"
Nakapikit habang hinihilot ang sentido, tumango siya. "How did you even know? Kahapon ko lang nalaman mula kay mommy."
"Tinawagan ako ni Mama kagabi habang nasa Osiris tayo," pagpapaliwanag ko. "Pupunta daw silang Arena Blanca. Akala ko one of his many, many lies. Totoo pala talaga."
"Sila?" Nagmulat siya ng mata at tumingin sa akin. "Hindi ka kasama?"
Muling nalukot ang mukha ko at the memory of my mother's invitation. "Niyaya ako ni Mama pero tumanggi ako."
"Buti pumayag si Tita."
It was my turn to shrug. "I lied. Sabi ko hindi ako makakauwi kasi ang dami nating projects. I'll be home in time for New Year na lang."
Rachel stared at me. "Eh, 'di you will be caught in your lie kapag umuwi ako tapos ikaw hindi."
Napangiwi ako. True. Kagabi ko lang naisipan ang kasinungalingang iyon kaya hindi polido. I just comforted myself with the thought that Mama must know na nagdadahilan lang ako para hindi makasama. I had that impression last night, anyway.
"Eh kung hindi rin kaya ako umuwi." Bigla nitong sinabi.
Pinandilatan ko siya. "Hahayaan mo si Titang mag-isang maghost ng ball? Buti kung hindi ka sakalin noon."
Napabutonghininga siya bago inihilig ang ulo sa mesa. "At this rate, baka mauna ko siyang masakal. She's making me crazy. Bakit ba naman kasi pinagpipilitan pa ang mga Christmas Ball at New Year's Ball na 'yan. What a farce!"
"It is good for business," malumanay ko namang paalala. "Alam mo namang ang success ng family business ay nakasalalay sa lawak ng connection. And these balls are networking opportunities for the family."
BINABASA MO ANG
Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]
RomanceGENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish (sprinkled with Akeanon dialogues) DISCLAIMER: This work is for ADULT AUDIENCES ONLY. It contains substantial sexually explicit scenes between two consenting fictional characters of legal age (under P...