Sabrina (31)

196K 2.5K 707
                                    

Sa wakas.  Nakatapos din ako ng isa pa.

Inilapag ko ang Pencil at sinipat ang kakatapos kong gawang sketch.  Ni-layer ko ito sa naka-save na larawan ng isang bahagi ng Isla de Arena Blanca.  I tried moving the sketch around trying to find the perfect angle pero nairita lang ako sa huli.  Kahit saan kasing anggulo tingnan , this French Riviera villa I designed looks ugly against the white sand.

Humugot ako ng malalim na hininga and swiped the sketch off the picture.  I opened a new pad.  Magsisimula na sana akong muli nang may marinig akong kalampag mula sa kabilang kuwarto.  Natigilan ako.  Nang maulit pa iyon ay nahihintakutan na akong napatingin sa pader na pagitan sa aming kuwarto ni Oliver. Hindi kaya't --

"Sonofabitch!"  Umalingawngaw ang malutong na mura ng housemate ko mula sa kabila.  Nang ang kasunod niyon ay ang mga muffled masculine voices muttering their own curses, I released the breath that I didn't know I was holding. Nang maka-ilang ulit ding binitawan ang pangalan ni Cedric sa tono ding nagmumura, natawa na ako.  I laughed at the colorful expletives and at the absurdity of my initial reaction.  Natatawa ako na may halong inis. 

You, Rodriguez, has a filthy mind. 

But I can't really be that angry with myself.  The relief I felt from being proven wrong is too sharp wala na akong energy to be angry.  For that brief moment in time, I thought the end has finally come at muli na namang nagdala si Oliver ng babae sa bahay.  I totally forgot about his teammates who are staying the night.

Naihilamos ko na lang ang aking mga palad sa aking mukha. At naibaon ang aking mga daliri sa aking buhok and started massaging my head.  Magkaka-migraine yata ako ng wala sa oras.

Judging by my reaction earlier, I'm not ready for the end.  So, so, so not ready.  

Hibang ka, Sabrina.  Hibang! 

Gusto ko pumalahaw ng iyak kahit na wala naman akong dapat iyakan.  Bakit ako nagkakaganito? Is this the start of my going down the road of my family?  Blangko ang utak na napatingin na lang ako sa iPad. Walang sagot na nag-blink doon. 

I inhaled a calming breath and stood up from my desk.  Binuksan ko ang aking pinto at sumilip.  Sakto namang may ibang mga soccer players na kakalabas sa kabila at mukhang pababa nang muli.

I called out to one.  I remember him to be the one na kasama ni Dmitri sa kusina kaninang umaga ng dumating ako.  Theo yata ang pangalan nito.  Siya ang panay kumbinsi sa aking tikman ang dalang alak ni Dmitri nang tapos na kaming maghapunan.  

"She is not drinking that."   Sabay pa kaming napatingin kay Oliver.  Maagap namang kinuha ng housemate ko ang basong ipinipilit sa akin ng teammate niya at inisang lagok ang laman niyon.  Lihim ko iyong ikinapasalamat.  I really don't like drinking with people I don't know.

"Oli naman. Parang isang baso lang, eh.  Ang KJ."

Tumalim ang tingin ni Oliver sa kanya.  "She already said no."

Ang lalim ng buntong-hininga ng lalaki at umatras habang nakataas ang dalawang kamay in the universal sign for surrender. "Fine. Fine," sabay lingon sa akin at tapon ng nanunuksong kindat.  Lasing na yata ito.  Hindi ko maiwasang sagutin din siya ng isang ngisi at pasimpleng umeskapo mula roon.

Bago pa man ako tuluyang makalayo, nakita ko pang umikot ang mata ni Oliver. "Tumigil ka na." At iwinisik nito kay Theo ang natitirang laman ng basong hawak. Iilang patak na rin naman ang natira sa loob kaya hindi naman talaga nabasa ang lalaki. Humagalpak lang ng tawa si Theo sa inakto ni Oliver.

"Pussy, San Martin," pang-aalaska pa nito. 

"As long as you understand that it's mine." Iyon na lang ang narinig ko na sinabi ng housemate ko kasi paakyat na ako ng hagdan.  Hindi ko tuloy maintindihan ang kasunod na reaction ng mga kasama niya.  

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon