"SHUT UP, shut up, shut up, shut up!" isa-isang turo ni Bloom sa mga katabi niya sa bar counter ng Under Zone, isang sikat na bar sa Ortigas na madalas tambayan ng mga young professionals na kagaya niya tuwing gustong magkapag-relax. Pero hindi kagaya ng ibang nandoon, malayong-malayo sa pagre-relax ang dahilan kung bakit nasa bar siyang iyon.
She was broken hearted and all she wanted to do that night was to drown in liquor so she could forget her misery even for that night only. Narinig niya ang pagrereklamo ng mga katabi niya na naging instant buddy niya na yata dahil pare-pareho silang problemado at ang isa't-isa ang nahanap nilang karamay sa kamiserablehang nararamdaman nila ngayon.
"I really hate it when someone tells me to shut up," reklamo ni Jecca. Ayon sa kwento nito nito kanina, naghiwalay ito at ang boyfriend nito dahil hindi matagalan ng lalaki ang pagiging bratinella nito. The guy asked her to change but she refused to do so. She said that she was all or nothing. "'Wag kang mag-inarte dahil hindi bagay sayo."
"Bakit ba hindi mo nalang sundin ang payo namin?" asar na tanong ni Sazsa. Ito naman ay binigyan ng ultimatum ng mga magulang nito na kapag hindi ito nagtino ay puputulin ng mga ito ang lahat ng credit cards nito at hindi na susuportahan ang mga luho nito. Lagi daw kasi itong napapaaway dahil sa ugali nito. Sazsa was a bitch. 'Bitch' was just an understatement. Sa nakikita niya kasi, mas malala pa yata ito sa ordinaryong bitchy rich girl. "If you want to get the man you love, then find a way to ditch the bitch. Case closed."
"I can't. My best friend will hate me," mariing tanggi niya. "Kapag nalaman niyang ginawa ko 'yang mga pinagsasa-suggest niyo sa akin, kakamuhian niya ako habang buhay. And that was the last thing that I want as of this moment."
"Lunurin mo nalang ng pera 'yong fiancée ng lalaking mahal mo," suhestiyon naman ni Khym. Si Khym yata ang pinakamayaman sa tatlo dahil ang pamilya nito ang may-ari ng lima sa mga pinakamalalaking bangko sa Pilipinas. At dahil sa sobrang yaman nito, may ugali itong matapobre. "Kung 'yung babaeng 'yon na ang kusang lalayo sa best friend mong mahal mo, edi masaya, diba? Tapos kapag broken hearted na siya, saka ka umentra. Ang alam ko kasi mas madaling ma-fall ang mga lalaki sa mga babae tuwing weakest hours nila. That's the chance you've been waiting for all your life."
Sarkastiko niya itong nginitian. "Hindi ako mayaman tulad mo kaya wala akong perang ipanlulunod sa babaeng 'yon." Napasimangot siya at tinungga ang alak sa baso niya. "Sapat lang ang kinikita ng restaurant ko para sa mga gastusin ko. Hindi ko kayang pag-aksayahan ng pera ang babaeng 'yon."
"Edi, pauutangin muna kita. Ilan bang gusto mo? Isa? Dalawa? Tatlo? O apat na milyon? Just name your price." Pumalatak pa ito. "Bakit ba kasi ang hirap mo? Mabuti nalang, mayaman ako kaya kong bilhin ang kahit na sino kung gugustuhin ko."
Napailing nalang siya sa pinagsasasabi ng tatlong babaeng iyon na kasama niya sa pagdadalamhati. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa mga ito dahil sa binibigay ng mga itong suporta sa kanya o sasapakin niya ang mga ito isa-isa. The three girls were obviously from a well-off family. Hindi naman sa sobrang hirap niya. In fact, may pag-aari siyang restaurant pero kumpara sa mga ito, mahirap pa rin siya. Hindi niya nga alam kung bakit kinakausap siya ng mga ito at kung bakit sila nagkasundong apat.
Siguro dahil pare-pareho silang topakin. Magkaka-iba nga lang ang level at sa kanilang apat, siya yata ang pinakamatino. Mayayaman kasi ang mga babae kaya walang inhibitions ang mga ito kung may masaktan o matapakan man itong mga tao. Ang katuwiran ng mga ito, they could do all they wanted because they were all filthy rich.
Halos tatlong oras na yata silang nagdi-diskusyon tungkol sa mga problema nila sa buhay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tapos. Sa kanya nagtagal ang diskusyon dahil walang matinong mai-suggest ang mga ito tungkol sa sitwasyon niya. Her best friend, Rade, whom she had loved ever since she was twelve years old, had finally found the woman he wanted to marry.
BINABASA MO ANG
The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)
ChickLitSi Bloom na yata ang pinaka bitchesang heroine na nagawa ko. Haha! Sana magustuhan niyo pa rin siya kahit maitim ang budhi niya. Lol. Published under Precious Hearts Romances year 2013. Unedited bersion (again, sira po yung b as in bictory sa laptop...