"BLOOM, gising!" pangungulit ni Liui sa kanya.
"Bakit ba?" patamad na tanong niya. Antok na antok pa siya at gusto niya pang matulog ng matulog. "Liui, alas sais palang."
"May pad ka?"
"Anong pad?"
"Tange! Hindi 'yon ang sagot! Dapat ang isasagot mo sa 'kin, "sure". 'Yung parang sagot ni Kim Chui sa commercial ng napkin."
"Ewan ko sa 'yo, Liui. Magbigti ka nalang! Bumili ka nalang ng kausap mo!" nagtalukbong siya ng kumot. "'Wag kang istorbo."
She felt him hug her. "Sungit naman ng sweetheart ko. Naglalambing lang, eh," tinanggal ni Liui ang nakatalukbong na kumot sa mukha niya. "Happy first wedding anniversary."
Saglit siyang napakunot-noo at natigilan. "Ngayon na ba 'yon? Nakalimutan ko."
"Ang sama talaga ng ugali mo, Bloom. Pati wedding anniversary natin, kinalimutan mo," tila naghihinampong turan ni Liui. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
Napahalakhak siya dahil sa ginawa ni Liui. Ang cute talagang magtampo ng asawa niya. Sa pagkakataong iyon ay siya na mismo ang yumakap dito. "Happy first anniversary, Liui. I love you. Siyempre, hindi ko makakalimutan 'to, no!"
"Talaga?"
"Oo nga po," binuksan niya ang drawer ng bedside table nila at ibinigay dito ang regalo niya. "O, regalo ko sa 'yo."
Kinuha ni Liui sa kanya ang naka-gift wrap na regalo. Binuksan nito iyon and the next thing she knew, he was already jumping and shouting.
"Yehey! Magiging tatay na ako! Wuuu! Magkakaroon na ako ng Liui Jr.," tuwang-tuwang sigaw ni Liui. Niyakap siya nito ng mahigpit at pinupog ng halik sa mukha. "Thank you, Bloom! This is the best gift that I ever received!"
"You're welcome," she smiled at him.
One year ago, they got married after surviving their roller coaster love story. Bago niya nakilala si Liui, hindi niya naisip na matutupag ang munting pangarap niyang magkaroon ng pamilya. But destiny gave her this lovable man and she was willing to spend the rest of her life with him by her side. She was glad that destiny made the right choice. It gave her perfect match.
The man that she couldn't possibly ignore no matter how hard she resist.
xxx
Kung nakaabot ka rito, thank you sa pagbabasa. Pasensya na kung maraming typos at grammars. I'm still going through my jeje days when I wrote this. Haha!
Anyways, sana nag-enjoy kayo kahit beri beri lyt lang sa pagbabasa.
I would appreciate your botes(hindi gumagana ang letter b as in bictory sa lappy ko. hahaha) and comments!
This was published under Precious Hearts Romances year 2013-ish, I think?
Sana makakuha kayo ng physical copies tho hindi ko sure kung meron pa ba dahil antigo na 'to. Haha.
Salamat uli!
BINABASA MO ANG
The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)
ChickLitSi Bloom na yata ang pinaka bitchesang heroine na nagawa ko. Haha! Sana magustuhan niyo pa rin siya kahit maitim ang budhi niya. Lol. Published under Precious Hearts Romances year 2013. Unedited bersion (again, sira po yung b as in bictory sa laptop...