15

314 12 1
                                    

"LIUI, wait!" pigil ni Bloom kay Liui. Tumugil ito sa paglalakad pero hindi siya nito nilingon. "It's not what you think."

"Ano sa tingin mo ang nasa isip ko, Bloom?" narinig niya ang walang buhay na pagtawa nito. "I already got the answer that I've been waiting for. Hindi mo na ako kailangang sagutin pa. Pasensya ka na sa mga paggugulo ko sa 'yo nitong mga nakaraang linggo," nagsimula na uli itong maglakad palayo sa kanya.

"Liui, sandali lang! Hindi mo naiintindihan! Pwede bang makinig ka muna sa 'kin? Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa!" nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. "Damn it, Bloom! Gano'n ba talaga ako kahirap mahalin? Ginawa ko na ang lahat para sa 'yo, hindi pa rin ba sapat 'yon para mahalin mo rin ako kahit konti lang? Why couldn't you care for my feelings for just one second? Alam kong binalaan mo na ako noon na wala akong mapapala kapag pinatuloy ko ang panunuyo ko sa 'yo. For a moment, I actually believed that you love me. Hindi ko mapigilang umasa kasi nitong mga nakaraang araw, nakikita at nararamdaman kong mahal mo rin ako. Pero mali pala ako. Nag-assume lang ako na mahal mo ako when in fact, si Rade pa rin talaga ang mahal mo. Mas mahal kita kesa kay Rade, Bloom. Bakit ba hindi mo makita 'yon? Bakit ba hindi mo magawang kalimutan si Rade at bigyan ako kahit konting puwang diyan sa puso mo?"

"I do care for you!" sigaw niya. "Liui, I love you!"

"No. You don't love me. At hindi wala ka ring pakialam sa akin. All you care about is Rade."

"Mali ang iniisip mo!"

"Kung mali ang iniisip ko, hindi sana ganyan ka-guilty ang expresyon ng mukha mo nang makita mo akong nakatayo kanina sa tapat ng bintana mo."

Hindi niya na mapigilan ang sarili niyang umiyak dahil kahit anong paliwanag ang gawin niya, pakiramdam niya ay wala ng balak makinig sa kanya si Liui. Kahit isang dipa lang ang layo nila sa isa't-isa, tila napakalayo na nito sa kanya. Pakiramdam niya ay ibang tao na ang kaharap niya ngayon. Hindi na ito ang Liui na laging may nakahandang ngiti para sa kanya.

"You don't have to worry about me, Bloom. I'll be fine. Salamat sa pagtitiis mo na makasama ako nitong mga nakaraang araw. At salamat din sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na mapalapit sa 'yo," nagkibit-balikat ito. "Wala akong magagawa kung hindi pa rin ako sapat para sa 'yo. Sa tingin ko, si Rade lang talaga ang kayang kilalanin ng puso mo. Huwag kang mag-alala. Ito na ang huling beses na makikita mo ako. I'll make sure na hindi ako makakasagabal sa inyo ni Rade. Good bye, Bloom. And thank you for making me feel special, too, even just for a little while."

"Liui, sandali lang! Liui! Liui!"

Sinubukan niyang habulin ito pero sumakay na ito sa kotse nito at pinaharurot na nito iyon palayo. Napaupo nalang siya sa gilid ng kalsada at doon nalang niya ibinuhos ang lahat ng frustration niya. Patuloy siya sa pag-iyak habang nakatalungko sa mga tuhod niya. Bakit ba hindi muna siya nito pinakinggan? Bakit nag-assume agad ito na hindi niya ito mahal?

"That idiot!" umiiyak na turan niya. "He didn't even let me say anything."

Pakiramdam niya ay sinaksak ng ilang daang ulit ang puso niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon. That idiot Liui gave up on her without even waiting for her to say herself that she didn't love him.

"Ang tanga-tanga mo, Liui!" humihikbing sambit niya. "You didn't even believe me when I said that I love you."

Naramdaman niya ang paghaplos ni Rade sa buhok niya para aluin siya. Umupo ito sa tabi niya. Nag-angat siya ng tingin at nang magtama ang mga mata nila ni Rade ay malungkot itong ngumiti.

"I'm too late," Rade stated. "That lucky bastard already stole your heart."

Malungkot siyang tumango. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Rade saka siya nito niyakap ng mahigpit. Naramdaman niya rin ang magaang na paghalik nito sa ulo niya.

The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon