8

287 11 1
                                    

"O, HIJO, mabuti naman at naisipan mong dalawin kami," nakangiting bati ng Mama ni Liui sa kanya na si Luina.

Hinalikan niya sa pisngi ang Mama niya at nakangiting iniabot dito ang regalo niya. "Of course, 'Ma. Pwede ko po ba namang palampasin ang birthday niyo? Happy birthday, 'Ma."

"Thank you, hijo," his mother hugged and kissed him back. "Nasaan na ang pinabili kong kaldereta?"

"Andito po," itinaas niya ang hawak niyang paper bag na may tatak ng restaurant ni Bloom.

Pagpasok niya sa komedor ay nasa hapag ang kapatid niyang si Louis at ang ama niyang si Samuel at nagkukwentuhan. Nang maramdaman ng mga ito ang presensya niya ay halos magkapanabay na lumingon ang mga ito at ngumiti sa kanya.

"O, kuya. Naligaw ka yata?" nakangising tanong ni Louis. "May nagtiktik sa 'yo na may kaldereta ngayon dito, no?"

"Sira. Dinalaw ko lang si Mama," umupo siya sa kaibayong upuan nito. "And by the way, I was the one who bought the kaldereta."

"Kumusta ka, hijo? Ilang linggo ka ring hindi nakadalaw, ah," bati sa kanya ng kanyang ama.

"Medyo busy lang po, 'Pa. Marami po kasi kaming hawak na projects ngayon."

"Huwag mong sabihing masyado mong pinapagod ang sarili mo, hijo?" pumalatak ang Mama niya. "Kung may girlfriend ka sana, hindi na namin kailangang mag-alala pa para sa 'yo dahil alam naming may mag-aalaga na sa 'yo."

Biglang pumasok ang magandang mukha ni Bloom sa isip niya. He couldn't help but smile with just the mere thought of her. Mukha naman itong okay nang makita niya ito kanina. But he knew better. Alam niyang kahit hindi nito pinapakita ay lubos itong nasasaktan habang palapit ng palapit ang araw ng kasal nila Rade at Arjane. Idagdag pang inaasahan din ni Rade si Bloom na mag-asikaso ng kasal nito kaya ramdam niya ang sobrang paghihirap ng babae.

Noong una ay wala siyang tiwala kay Bloom dahil sa tingin niya ay gagawa ito ng masama para paghiwalayin ang kaibigan niya at si Rade. Mukha namang wala talagang balak na makigulo si Bloom sa dalawa. Nasabi lang nito ang mga bagay na sinabi nito noong una silang nagkita dahil sa kalasingan at dahil labis pa itong nasasaktan sa mga nangyayari.

He knew that she was a nice person despite her ill-mannered behavior towards him. Napapansin niya iyon at nakikita niya sa tuwing nagtatama ang mga mata nila. Hindi niya lang alam kung bakit pilit nitong nire-reject ang mga tao sa paligid nito bukod kay Rade. If only she would open up to others, sigurado siyang mas magiging masaya ito.

He tilted his head to get Bloom's face off his mind. Hindi niya na gusto ang mga nararamdaman niya pagdating kay Bloom. Mukhang nahuhulog na kasi ang loob niya dito. At alam niyang walang mararating ang nararamdaman niyang iyon. She was in love with his bestfriend Rade. At alam niyang hindi niya basta-basta mababago ang bagay na 'yon. Pwera nalang kung mag-e-effort siya ng husto para sa babae. Napangiti siya sa naisip. It would be nice if Bloom could end up with him. Dahil alam niyang kahit anong mangyari ay mamahalin niya ito at hindi niya ito sasaktan.

Teka... paanong nasama ang salitang 'pagmamahal' sa iniisip niya? Napailing nalang siya.

"Remembered something amusing, hijo?" nakangiting tanong ng Mama niya. He just smiled at his mom.

"Let me guess," singit ni Louis. "You remembered someone... a woman, to be exact."

"She must be someone special for you to notice her," nakangiti ring turan ng Papa niya. "Well, kung hindi mo pa napapansin, hijo, ang taas ng standards mo pagdating sa babaeng mamahalin mo kaya wala ka pang nagugustuhan na kahit sino simula pa noon."

"Sino naman pong may sabi sa inyong wala pa akong nagugustuhan na kahit sino?" nakanunot-noong tanong niya.

"Just a hunch," nakangising sagot ng Papa niya. "Iba kasi ang aura mo ngayon, eh. Ngayon lang kita nakitang parang sira-ulong napapangiti ng walang dahilan."

"So, who's the lucky girl?" excited na tanong ng Mama niya. "At anong ginawa niya para makuha ang atensyon mo?"

"Bloomentrit Zaldoa," napapailing na napapangiting sagot niya nang maalala niya ang unang beses na nagkita sila ni Bloom. "Binato niya ang cellphone na ilang buwan kong pinag-ipunan." Halos magkapanabay na humalakhak si Louis at ang Papa niya. Habang ang Mama niya naman ay kunot ang noong nakatingin sa kanya. "O? Bakit mukha kayong nanalo sa lotto, 'Ma?"

"Wala naman," her mother was smiling wickedly. Naglagay ito ng kaldereta sa plato niya. "You should try this, hijo."

He shrugged and took a bite. "Wow! Ang sarap naman nito! I didn't know Bloom is a great cook."

"Isn't she adorable?," his mother beamed. "And she's really a great cook. I would love to have her as your girlfriend."

"Magkakilala kayo, 'Ma?"

"Volunteer worker siya sa orphanage na inii-sponsor ko. At suki ako ng restaurant niya. Naku, ang bait-bait ng batang 'yon! Ang galing mo talagang pumili, anak. Pero ang alam ko, in love siya sa best friend niyang si Rade."

"Rade is getting married, 'Ma."

"Ay! Bongga! Destiny 'yan! Ano pang hinihintay mo, hijo? Ligawan mo na si Bloom! Kailangang maagaw mo ang atensyon niya kay Rade. Gusto ko siya para sa 'yo."

"Talaga, 'Ma?"

"Oo. Bilisan mo ang kilos, anak, ha? Hindi na ako makapaghintay na magkaroon ng apo sa 'yo."

"Hala ka, Kuya. Nagre-request na ng apo si Mama," natatawang kantiyaw ni Louis sa kanya.

Napailing nalang siya. Mukhang nagkaroon ng panibagong pagkakaabalahan ang pamilya niya---ang love life niya.

The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon