KANINA pa nakaupo si Bloom sa sala niya habang hinihintay ang pagdating ni Liui. Ngayong gabi sila nakatakdang mag-date at sinabi nitong susunduin siya nito ng alas siyete pero mag-a-alas otso na ay wala pa rin ito. Hinubad niya na ang suot niyang sapatos at nahiga siya sa sofa. Hindi niya na alintana kung magusot man ang bestida na suot niya. Kapag hindi pa dumating si Liui sa loob ng limang minuto, matutulog na talaga siya.
How dare he make her wait? Ito na nga ang pinagbigyan niya na makipag-date dito pero heto at nagawa pa siya nitong paghintayin. Akmang pipikit na ang mga mata niya nang marinig niya ang pagkatok sa pinto niya. Pupungas-pungas na bumangon siya at binuksan ang pinto. He was greeted by Liui's harassed face.
Gusto niyang matawa sa itsura nito dahil gulo-gulo ang buhok nitong laging nasa ayos. Medyo gusot rin ang suot nitong polo na nakarolyo ang manggas hanggang sa siko nito. Despite the fact that he looked like a mess, he still looked undeniably gorgeous. Bago siya makapagsalita ay inunahan na siya nito.
"I know, I'm late and I'm teribbly sorry. Sobrang traffic dahil nagkaroon ng aksidente. Naghanap ako ng shortcut pero lalo lang akong naipit sa traffic kaya ngayon lang ako nakarating. Tapos nakalimutan kong hindi ko nga pala alam ang bahay mo kaya nagtanong-tanong pa ako sa labasan. Then a bunch of gays hasseled me. Pinagkaguluhan nila ako at hindi nila ako tinantanan hanggat hindi ko binibigay ang number ko sa kanila. Mabuti nalang at nakita ako ng security guard ng gate niyo at siya ang nagturo sa akin kung nasaan ang bahay mo."
Nang mapansin nitong wala siyang pakialam sa sinasabi nito at nakatitig lang siya dito habang pinipigil ang sarili niyang matawa ay tumigil na rin ito sa pagsasalita. He stared at her for a few seconds and for the first time since he got there, he finally smiled. Mukhang nakalimutan na nito ang pangha-harass ng mga tambay na bakla sa labasan dahil maganda na ang ngiti nito ngayon. Mukhang gumanda na rin ang mood nito.
"You look like a mess," nakangiting turan nito. "Messy but very beautiful."
"You yourself is a mess," aniya habang pilit na sinusupil ang pagngiti. "Messy pero pwede ng pagtiyagaan."
Hindi niya alam kung anong pumasok sa kukote niya dahil maging siya ay napangiti na rin. Napansin niyang natigilan ito nang ngumiti siya. He must have been surprised to see her smile. Simula kasi nang makilala niya ito ay puro parungit lang ang nakikita at naririnig nito sa kanya. That was the first time she smiled at him.
"You're way prettier when you smile," nakangiting turan nito. His eyes were sparkling for some unknown reason and she just couldn't help herself to notice how handsome he was. "Smile often, will you? And loosen up a bit whenever you're with me. Tuwing kasama mo kasi ako, lagi ka nalang high blood."
"Well, you can't blame me," nakangiting turan niya."You just irritate the hell out of me."
"Bakit ba? Ano bang ginagawa kong masama sa 'yo?"
"You're trying to steal my heart."
"Is that a bad thing?"
"Maybe," or maybe not. "Pasok ka muna. Mag-aayos lang uli ako dahil humulas na ang make up ko sa paghihintay sa 'yo."
"YOU'RE not mad, are you?" nananantiyang tanong uli ni Liui habang nagmamaneho ito.
"Utang na loob, Liui. Sampung beses mo na tinanong sa 'kin 'yan at kapag hindi mo pa tinigilan 'yan, promise! Tatalon na talaga ako palabas sa kotse mo," asar na sagot niya.
Kanina pa nito paulit-ulit tinatanong sa kanya kung galit daw ba siya at kanina niya pa rin paulit-ulit na sinagot dito na hindi siya galit. Pagkatapos niya itong makitang harassed na harassed na kanina ay hindi niya na magawang magalit dito. She knew he wasn't the type who would show up late kung hindi lang talaga nagkaroon ng aberya so she decided to give the man a break. She knew Liui was good guy so she wanted to give him a chance. Baka maging magkaibigan sila nito at hindi araw-araw ay nagkakaroon siya ng kaibigan.
Sa edad niya kasing beinte kwatro, si Rade lang ang tanging kaibigan niya. Few days ago, she became friends with Jecca, Khym and Sazsa. Naisip niyang may potensyal na maging kaibigan si Liui. Kung babawasan lang nito ng konti ang kakulitan nito, may pag-asa na maging magkaibigan sila.
"I'm really sorry, Bloom," narinig niyang turan nito. "I'll make it up to you, I promise."
"You don't have to, Liui."
"But I want to," nakakunot ang noong turan nito. "Nagsisimula palang nga akong dumiga, palpak agad."
Nilingon niya ito at dahil nasa kalsada ang atensyon nito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasadan ito. He was really handsome. Lalo na ngayong naka-side view ito kaya kitang-kita niya kung gaano katangos ang ilong nito. His side profile was perfect. No wonder napansin niya pa rin kung gaano ito kagwapo kahit lango siya alak. His eyes were chinky and alluring. His lips were tempting and inviting. Parang ang sarap nitong halikan.
"Gusto mo ba ang nakikita mo?" narinig niyang tanong nito na nakapagpabalik sa utak niyang biglang nawala sa tamang katinuan. "Did I pass to your criteria of ideal man?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," patay malisyang turan niya.
"Next time, don't look at me like that."
"Like what?"
"Like you wanted to kiss me," he turned to her and flashed a smile that could make any girl go gaga over him. At hindi siya exempted doon dahil maging siya ay gusto ng magpaka-gaga dito. "Never look at me like that again because I might take advantage of you."
"Drop dead, Liui." Asar na turan niya dito para pagtakpan ang kakaibang nararamdaman niya.
Ano bang nangyayari sa kanya? Pakiramdam niya ay may nagbago sa kanya pagdating kay Liui simula nang araw na aksidenteng magkita sila sa restaurant niya. Her crazy heart was also beating abnormally. Pakiramdam niya ay nagha-hyperventilate ang buong pagkatao niya. At wala siyang magawa para pigilan iyon kaya hinayaan niya nalang. Baka mawala lang iyon mamaya-maya.
Pagdating nila sa restaurant kung saan nagpa-reserve si Liui para sa dinner nila ay hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Pinagbukas siya nito ng pinto at inalalayan siya nito sa siko. Naramdaman niya ang tila boltahe ng koryente na dumaloy sa bawat himaymay niya nang magdikit ang mga balat nila. What the hell was that about?
Ang akala niya ay imbento lang ng mga sira-ulong romance writers ang gano'ng damdamin pero hindi niya alam na siya mismo ay mararamdaman iyon. At kay Liui pa! Hindi niya naman iyon naramdaman kay Rade noon. What was with Liui anyway? Bakit ito ang pumupukaw ng mga damdamin na sa mga romance novel niya lang nakakatagpo?
She was in love with Rade, right? Then, why was she feeling this way towards Liui? Nababaliw na nga yata talaga siya dahil sa shock na natamo niya sa nalalapit na kasal ni Rade. Siguro naman ay lilipas din ang kabaliwan niyang iyon sa mga susunod na araw.
BINABASA MO ANG
The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)
ChickLitSi Bloom na yata ang pinaka bitchesang heroine na nagawa ko. Haha! Sana magustuhan niyo pa rin siya kahit maitim ang budhi niya. Lol. Published under Precious Hearts Romances year 2013. Unedited bersion (again, sira po yung b as in bictory sa laptop...