NAKASIMANGOT na nakaupo si Bloom sa couch ng bridal gown shop kung saan magpapagawa ng gown si Arjane. Kahit labag sa loob niya ay hindi siya makahindi kay Rade nang puntahan siya nito sa bahay nila kanina at yayain na pumunta doon.
Malayo sa pwesto niya sina Rade at Arjane na ngayon ay nagsusukat ng kung ano-anong gowns at tuxedo. Sana talaga ay matapos na agad ang lakad nilang iyon at nang makaalis na siya. Mas gusto niya pang tumambay sa restaurant niya kesa panuorin sina Rade at Arjane. Baka mamatay lang siya sa inggit.
"Miss, talaga bang hindi ikaw ang bride ni Sir Rade?" tanong sa kanya ng isa sa mga babaeng nag-a-assist doon sa boutique na iyon.
"Hindi. Kung ako ang bride niya, edi sana ako ang nagsusukat ng gowns kasama niya. Obvious naman na 'yung babaeng 'yon ang bride niya, diba?" asar na sagot niya. Nananadya ba ang lintik na sales lady na 'to? Kapag hindi siya nakapag-tiis, sasapakin niya talaga ito.
"Naku, Ma'am! Hindi naman po sila bagay ni Sir Rade," singit ng isa pang sales lady. "Mas mukha pa nga po kayong bride ni Sir Rade kaysa sa kanya. Kapag pinagtabi po kayo, magmumukha siyang aliping sagigilid."
She changed her mind. She liked this bunch of nosy sales lady. Mabuti pa ang mga ito, nakikita na mas nararapat siya kay Rade kaysa sa Arjane na 'yon. Hindi kagaya ni Rade, masyadong nabulag sa pagmamahal nito sa babae.
"Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ni Rade sa babaeng 'yan," hindi niya napigilang mag-komento. "Iniisip ko nga din na ginayuma lang ng babaeng 'yan si Rade, eh."
"Oo nga, Ma'am! Baka naman ho ginayuma lang ng bruhang 'yan si Sir Rade kaya siya ang pakakasalan! Jusko, Ma'am! Sayang ang genes ni Sir Rade kung siya lang ang makikinabang!"
"I know, right?" dagdag pa niya. "Minsan nga, naiisip ko na sana hindi na matuloy ang kasal nila ni Rade, eh. Rade deserves someone better that her."
Nagulat siya nang may bigla nalang may bumagsak na kung ano sa likod niya. Nang lumingon siya ay ang nakakairitang mukha ni Arjane ang nakita niya. Tumingin siya sa lapag at nalaman niyang baso pala ang nabitawan ng babae. Nang magtaas siya ng tingin ay napakunot-noo siya nang makita niyang mangiyak-ngiyak si Arjane.
Ano nanaman kayang drama ng bruhang'to? Ang OA, ha? Kapag nakabasag ng baso, kailangan umiyak agad? Hindi ba pwedeng imisin niya muna ang kinalat niya?
"What's wrong?" tanong ng kalalapit lang na si Rade. Bakas ang pag-aalala sa gwapong mukha nito. Ininspeksyon nito ang katawan ni Arjane kung may sugat ang babae. "Are you hurt?"
"N-no," humihikbing sagot ni Arjane.
"Then, why are you crying?"
"N-narinig ko kasi ang mga s-sales lady na pinag-uusapan ako," umiiyak na sumbong ni Arjane kay Rade. Napairap nalang siya dahil sobrang nakakasuka ang mga pangyayari sa harap niya. Hindi niya ma-take ang pagka-OA ni Arjane. "Sinabi nilang hindi daw tayo bagay. Ginayuma lang daw kita. Sinabi din nilang mukha daw akong katulong at fake daw ako. S-sinabi rin nila n-na sana hindi matuloy ang kasal natin."
"What?!" madilim ang mukhang binalingan ni Rade ang mga namumutla ng sales lady. "Totoo ba ang sinabi ni Arjane?"
"S-sir! Si Miss Bloom po ang may sabi ng mga 'yon!" natatarantang paliwanag ng isa sa mga sales lady na kanina lang ay todo side comment pa tapos ngayon ay nilalaglag na siya.
"Oo nga po, Sir Rade! Si Miss Bloom po talaga ang may sabi ng mga bagay na 'yon kay Miss Arjane. Swear!"
Aba't---! Eh, kung pagsasakalin niya kaya ang mga biased na sales lady na 'to?
Dahil sa sinabi ng mga ito ay sa kanya nanabaling ang atensyon ni Rade. Hindi niya mapigilan ang sariling kabahan dahilngayon niya lang nakitang gano'n ang ekspresyon ng mukha ni Rade. He neverlooked at her with such hostile expression on his face. Not even once. Ngayonlang.
"What?" nakataas ang kilay na tanong niya kay Rade nang hindi niya na matagalan ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya. "Gusto mong malaman kung totoo na sinabi ko ang mga bagay na 'yon? Oo, sinabi ko nga ang mga 'yon. And I really think that you deserve someone better. Bakit ba kasi gusto mong pakasalan 'yang babaeng 'yan?"
Natigalgal silang lahat nang bigla nalang siyang sampalin ni Rade. Napapantastikuhang tiningnan niya ang lalaki na tila nagulat din sa nagawa nito. Hawak ang namumulang pisngi niya, tiningnan niya ito ng masama. She knew she deserved it because went overboard pero hindi naman na siya kailangang sampalin ni Rade. Pwede naman siyang pagsabihan nito. Hindi na siya nito kailangang saktan.
Kahit na gusto niya ng umiyak ng mga oras na iyon ay pinigilan niya ang sarili niya. Hindi siya pwedeng umiyak sa harap ni Rade at Arjane. That only means one thing---Arjane defeated her in their death match. Kaya hinding-hindi siya iiyak sa harap ng mga ito kahit na anong mangyari.
"Really, Rade?" mahinahon pero puno ng diin na turan niya. "Sinampal mo ako ng dahil lang sa babaeng 'yan?"
"I-I'm sorry, B-Bloom..."
"Shut up, Rade," pigil niya sa anumang sasabihin pa nito. "I quit! I quit being your friend, your maid-of-honor, and I quit being in love with you! You might be the only one I have pero kaya kong mabuhay ng wala ka."
"B-Bloom---"
"Go to hell. Magsama kayo ng impaktita mong fiancée. Tutal, siya nalang naman ang mahalaga sa 'yo, diba? Good bye and thank you for everything up until now."
Bago pa makahuma ang mga tao sa boutique ay nagmamadali na siyang lumabas ng establishment. Pumara siya ng taxi at doon niya hinayaang bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. She couldn't believe that Rade actually slap her just because of that bitch.
Oo nga pala, best friend lang siya ni Rade samantalang ang impaktitang 'yon, fiancée nito. Natural lang na ang babaeng iyon ang kampihan ni Rade. Now, she was all alone. Again. Dumating na ang oras na kinakatakot niya, ang mag-isa nanaman siya sa mundo at wala ng magmamahal sa kanya. She survived the past few years because Rade was there by her side. Ngayong wala na si Rade, ano nang mangyayari sa kanya?
"Manong, sa Under Zone po."
XXX
Pinapahapyawan ko lang ng basa pero ang bitchesa pala ni Bloom. Ngayon ko lang nag-sink in sakin. Hahaha!
BINABASA MO ANG
The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)
ChickLitSi Bloom na yata ang pinaka bitchesang heroine na nagawa ko. Haha! Sana magustuhan niyo pa rin siya kahit maitim ang budhi niya. Lol. Published under Precious Hearts Romances year 2013. Unedited bersion (again, sira po yung b as in bictory sa laptop...