7

290 11 1
                                    

ABALA si Bloom sa pagbibilang ng kinita ng Bloom's Kitchen ng araw na iyon. Alas nuebe na ng gabi at maya-maya lang ay magsasara na sila. Hinihintay nalang nila na umalis ang mangilan-ngilang customer nila na kasalukuyan pang kumakain.

Narinig niya ang pagtunog ng wind chime sa pinto kaya nag-angat siya ng tingin. Saglit siyang natigilan nang mapagsino niya ang bagong dating. Liui was dashing in his three piece suit. Hindi na tuloy siya nagtataka kung bakit natutok dito ang atensyon ng mga customer nila. Pati ang mga waitress niya ay hindi na rin maitago ang paghanga sa lalaki. Well, she couldn't blame them. Maging siya kasi ay nagwapuhan dito.

Did I just compliment him?

Ipinilig niya ang ulo niya para luminaw ang medyo inaagiw niyang utak. Mukhang hindi pa siya napapansin ni Liui dahil abala ito sa pagbibigay ng order nito sa waitress na sumalubong dito. Nang matapos itong makipag-usap sa waitress ay saka lang nito inilibot ang tingin sa paligid. Nagtama ang mga mata nila at naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang ngitian siya nito.

Teka! Teka! Teka! Bakit ganito nalang ang reaksyon niya sa lalaking ito? She hated his guts, right? Now, why was she feeling this way just because he smiled at her? Focus, Bloom! Focus! Si Liui lang 'yan.

Imbes na umupo sa isa sa mga bakanteng table ay naglakad ito papunta sa pwesto niya. He leaned on the counter and smiled at her again. Narinig niya pa ang impit na tilian ng mga waitress niya nang ngumiti ito.

"Hi," bati nito sa kanya. "Fancy meeting you here. Dito ka pala nagtatrabaho."

"I own this place," aniya at ibinalik sa kahera ang tingin niya kahit nakalimutan niya na kung anong dapat niyang gawin. "Ikaw? Paano ka napadpad dito?"

"Inutusan ako ni Mama na bumili ng paborito naming kaldereta at sabi niya, masarap daw ang kaldereta dito kaya dito niya ako inutusang bumili," muli nitong inilibot ng tingin ang restaurant niya. "Nice place, by the way."

"Thanks."

"Oo nga pala," maya-maya ay sabi nito. "Sa isang araw na pipili ng menu sina Rade dito para sa kasal diba? Ready ka na ba?"

"Yes. Ako mismo ang magluluto para siguradong wala silang maire-reklamo."

"So... how's your heart?"

Saglit siyang natigilan sa tanong nito. Hindi niya inaasahan ang tanong nito kaya hindi niya napaghandaan ang magiging rekasyon niya. Tumikhim muna siya bago siya sumagot. "Wala ka ng pakialam doon."

"I see," tumango-tango pa ito. "Someday, makakakita ka rin ng lalaki na magmamahal sa 'yo at mamahalin mo rin. 'Wag mo sanang isara ang puso mo sa mga darating pang pag-ibig, Bloom."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," pagpapatay-malisya niya.

Maya-maya ay dumating na ang in-order nitong kaldereta. Nagbayad na ito at kinuha ang in-order nito. Bago ito tuluyang umalis ay nag-iwan pa ito ng words of wisdom sa kanya kahit hindi niya naman hinihingi.

"You're a great girl, Bloom. Marami pang magmamahal sa 'yo kaya 'wag mong isipin na katapusan na ng mundo mo dahil lang ikakasal na si Rade sa iba. Hindi porke ibang babae ang pinili ni Rade na pakasalan, ibig sabihin 'non ay hindi ka pa sapat. You're perfect just the way you are," tinanggal nito ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa pisngi niya saka inipit sa tengga niya. "You just have to wait for the right man to come and see how perfect you are."

Nasa may pinto na ito nang muli itong lumingon. "By the way, can I ask you out? Friendly date lang naman. 'Wag kang mag-alala. Wala akong masamang intensyon sa panyayaya ko sa 'yo. I just want to spend some time with you."

Narinig niya ang halos sabay-sabay na pagsinghap ng mga nakakarinig sa kanila. Halos lahat ng nasa loob ng restaurant ay sa kanya nakatingin na tila maging ang mga ito ay naghihintay ng sagot niya.

"Pumayag ka na, bossing," undyok ng janitor niyang si Dave. "Manok na ang lumalapit sa 'yo, oh! Magpatuka ka na!"

"Oo nga, bossing!" singit naman ng waitress niyang si Caryl. "Ang gwapo niya pa naman, oh! Kung ako ang yayayain niyang makipag-date, hindi na siya magdadalawang salita!"

Pati ang iba ay nakisali na rin sa pang-be-brainwash sa kanya na pumayag makipag-date kay Liui. Ibang klase talaga ang lalaking ito. Hindi naman nito kilala ng mga tao doon pero nang magsalita ito ay tila automatic na pinapanigan ito ng lahat. Now, he had the whole crowd to back him up.

"So?" nakangiting untag nito sa kanya.

"Alright," pagpayag niya. "Pero ngayon lang 'to. Okay?"

Kasabay ng pag-ngiti ni Liui ang pagningnig ng mga mata nito. Tumango ito. "Okay. This Satuday, I'll pick you up at seven."

Pagkatapos siyang gawaran ng isang napakagandang ngiti ay tumalikod na ito. Naiwan siyang nakasunod lang ang tingin sa lalaki habang palabas ito. Somehow, his words touched her heart. Hindi niya inakala na dito pa siya makakarinig ng comforting words dahil hindi naman sila close. Mukhang totoo rin ang concern na pinapakita nito sa kanya kaya naman pakiramdam niya ay unti-unti ng natatanggal ang pader na iniharang niya sa pagitan nila.

"I just have to wait for the right man, huh?" napangiti na rin siya. "Well, nasaan na ba ang lalaking iyon at nang mabatukan? Masyado na siyang late."

"Good luck sa date, bossing!"

The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon