"LIUI? ANONG problema? May nangyari ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Bloom kay Liui. Pinipilit niyang makawala sa pagkakayakap nito pero mukhang wala itong balak na pakawalan siya. Just like the first time he hugged her in the middle of that side walk, he didn't let her go.
"I'm sorry," bulong nito na hindi halos umabot sa pandinig niya. "I'm sorry kung ngayon lang ako. You needed someone to be with you, right? Patawarin mo ako kung ngayon lang ako dumating."
She felt a lump on her throat. Alam na ba ni Liui ang nangyari sa boutique? Iyon lang naman ang pwedeng maging dahilan para bigla nalang sumugod doon si Liui na gano'n nalang ang pag-aalala sa kanya. Namalayan niya nalang na bumagsak na ang mga luha na ilang araw niya ring pinigilang tumulo.
Binuhos niya ang lahat ng oras niya nitong mga nakaraang araw sa restaurant niya para lang hindi niya maramdaman na mag-isa siya. Her employees kept her company that was why she didn't feel so alone. Pero nang dumating si Liui, ngayon niya lang napagtantong iba pa rin pala talaga kapag may taong nag-aalala para sa kanya. God, she was so thankful that Liui came to see her. She was so glad that he came to save her wounded heart.
Natagpuan nila nalang ang sarili niyang gumaganti ng yakap kay Liui. "It's okay. Sanay akong mag-isa. I'll manage somehow."
"Hindi maganda sa isang tao na masanay mag-isa," narinig niyang reklamo ni Liui. "Pwede ka namang hindi mag-isa. If only you'll open your heart to those who wants to be with you, hindi ka na mag-iisa uli."
"Tapos ano? Kapag hinayaan ko silang makalapit sa akin, sasabihin nilang hindi nila ako iiwan at hindi na nila ako papabayaang mag-isa uli at sa huli, iiwan din nila ako? Pagod na akong masaktan at umasa, Liui. Tatlong beses ko ng naramdaman ang nawala sa akin ang mga taong nagsabi sa aking hindi nila ako iiwan. Sina Mama at Papa, si Tita at si Rade, lahat sila, sinabing hindi nila ako iiwan at hahayaang mag-isa. Pero ano? Iniwan pa rin nila ako. Mas okay nga sigurong mag-isa nalang ako dahil ayoko na uling maranasan na masaktan dahil iniwan nanaman ako ng taong mahal ko."
"Hindi naman ginusto ng mga magulang mo at ng Tita mo na iwan ka. Pati si Rade, alam kong hindi niya iniisip na iwan kang mag-isa."
"Pero ang labas pa rin, mag-isa nanaman ako. Alangan namang umepal ako kina Rade at Arjane kapag mag-asawa na sila? Hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko."
"Simple lang naman ang solusyon sa lahat ng kinatatakutan mo, eh," nilingon niya si Liui. Sakto namang nilingon din siya nito kaya nagtama ang mga mata nila. "Be my girlfriend, Bloom."
Hindi alam ni Bloom kung ano ang isasagot niya sa tanong ni Liui. Ibinuka niya ang bibig niya para magsalita pero muli niya rin iyong itinikom nang hindi niya maapuhap ang mga salitang gusto niyang sabihin. Lalo niya nalang sinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Liui. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Liui at kasunod niyon ay marahan siyang inihiwalay ni Liui sa pagkakayakap dito. Maingat na hinawakan nito ang balikat niya at gamit ang isang kamay nito ay masuyo nitong kinapitan ang baba niya para magtama ang mga mata nila. He looked straight into her eyes.
"Alam ko naman na hindi mo ako kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo kay Rade," mahinang turan nito. He smiled but his smile didn't reach his eyes. In fact, it was a sad smile. "Kahit anong klaseng pagmamahal ang kaya mong ibigay sa 'kin, Bloom, tatanggapin ko. Kahit na katiting lang ang ibigay mo. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para maparami 'yon. Just... just learn not to ignore me anymore and act like you're all alone when in fact, I am always here for you.
"Lagi akong nandito para sa 'yo, Bloom. Sabihin mo lang na 'wag kitang iwan, gagawin ko. I'm willing to do everything for you to learn to love me. I love you so much, so much that if you'd let me take all your burdens, I'll do."
BINABASA MO ANG
The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)
ChickLitSi Bloom na yata ang pinaka bitchesang heroine na nagawa ko. Haha! Sana magustuhan niyo pa rin siya kahit maitim ang budhi niya. Lol. Published under Precious Hearts Romances year 2013. Unedited bersion (again, sira po yung b as in bictory sa laptop...