TAHIMIK na nakaupo si Bloom sa bar counter ng Under Zone habang iniinom ang in-order niyang drinks sa bartender. Nilulunod niya nanaman ang sarili niya sa alak. Hindi niya gustong ang alak ang maging takbuhan niya sa mga pagkakataong ganito pero wala na siyang alam na iba pang gawin para panandaliang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya.
Akmang lalagok siya sa baso niya nang may pumigil sa kamay niya. Nakakunot ang noo na nilingon niya kung sino ang pumigil sa kamay niya. Lalo lang napakunot ang noo niya nang mapagtantong hindi niya naman kilala ang lalaking ito.
"Excuse me. Kilala ba kita?" mataray na tanong niya dito.
"Hindi," nakangiting sagot nito. He was handsome alright. Pero walang appeal sa kanya ang kagwapuhan nito. "Napansin ko kasi na napaparami na ang inom mo kaya nilapitan na kita. Baka gusto mo ng makakausap?"
"No. I'm fine. You can leave me alone," malamig ang boses na sagot niya.
"Sigurado ka ba? Mukha kasing hindi ka okay---"
"Kapag sinabi ni Bloom na okay siya, okay siya," sabay silang napalingon ng makulit na lalaki sa nagsalita. He was greeted by Liui's handsome face. "And you can leave her. Nandito na ako."
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni Bloom kay Liui nang makaalis na ang makulit na lalaki. "You can leave me alone too."
"Do you really think na hahayaan kitang mag-isa dito ng ganyang lasing ka na?" nakakunot-noong tanong ni Liui. Nang tingnan niya ito ay mababakas ang pag-aalala sa mukha nito para sa kanya. "Baka mamaya, masagasaan ka na ng tuluyan kapag umuwi kang mag-isa na lasing," asar na inilibot nito ang tingin sa paligid. "Nagyaya ang kliyente ko na mag-bar hopping at napadpad kami dito sa Under Zone. Mabuti nalang pala at pumayag ako. Kung hindi ay hindi pa kita makikita at hindi ko malalamang dito ka nagkakampo kapag trip mong magpakalasing. Ano nanaman bang nangyari at naglalasing ka nanaman?"
She turned to him and studied his face. Mukhang asar ito sa kanya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito. Ngayon niya lang lang napansin pero na-miss niya pala ito. Isang linggo na rin kasi ang nakakaraan mula nang mag-date sila at simula noon ay hindi na uli sila nagkita. Ngayon lang uli.
Now, that's funny. Bakit naman niya mami-miss ang lalaking ito?
"Why do you care, Liui?" tanong niya dito. Nangalumbaba siya sa bar counter at tinitigan ang lalaki. Ngayon niya lang din napansin, gustong-gusto niyang tingnan ang mukha nito. Ano bang meron sa lalaking ito at sa tuwing nakikita niya ito ay biglang lumiliko ang puso niya at pumupunta sa direksyon kung nasaan ito? Ang daan lang na dapat tahakin niya ay ang diretsong daan papunta kay Rade. Bakit suma-side line pa ang puso niyang makulit kay Liui? "We're not even friends."
"Because I care about you, damn it!" nanggigigil na turan nito.
"We're back to that again?" she smiled lazily. "Ano ba talagang motibo mo sa paglapit sa 'kin, Liui? Hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan ng isang kagaya mo. I'm a bitch and I'm ill mannered. Pati best friend ko, sinusuka na rin ako. Anong nagustuhan mo sa isang tulad ko?"
Nakita niyang bumuntong-hininga ito bago sumagot. "Don't underestimate yourself, Bloom. Hindi ka naman masamang tao. Oo, medyo nabubulagan ka lang dahil sa naging kabiguan mo kay Rade pero bukod doon, wala na akong makitang masama tungkol sa 'yo. That is not even a bad thing to begin with. Normal lang naman sa babaeng kagaya mo na in love ang maging luka-luka kapag nagkaroon ng kaagaw sa lalaking mahal niyo. I understand what you're feeling that was why I understand your actions, too.
BINABASA MO ANG
The Guy That I Can't Ignore (COMPLETED)
Chick-LitSi Bloom na yata ang pinaka bitchesang heroine na nagawa ko. Haha! Sana magustuhan niyo pa rin siya kahit maitim ang budhi niya. Lol. Published under Precious Hearts Romances year 2013. Unedited bersion (again, sira po yung b as in bictory sa laptop...