P18

1.1K 17 11
                                    

Nicx's P.O.V

Magisa akong naglalakad sa hallway patungong classroom.

Nag cr ako kaya wag kayo heh

"*sigh* Ang boring ni life"- bulong ko sa sarili ko tsaka pinagpatuloy ang paglalakad.

Napatigil naman sa kakalakad nang biglang may tumunog nang kung ano sa likuran ko.

Sino naman kaya yun?

Pag tumingin ako sa likod, wala namang tao. Pag haharap ulit ako parang may nagmamatyag saken.

Hmmm....

Third Person View

Habang naglalakad si Nicx sa gitna ng hallway ay di na niiyang maiwasang kabahan dahil naramdaman niyang may presensya lang kung saan.

Mas binilisan pa na niyang maglakad nang may narinig siyang tunog ng apak ng paa.

Marami sila..

Napatigil naman siya sa kakalakad kasabay doon ang pagtama nang matigas na bagay sa likuran niya.

Unti unti siyang nahihilo sabay bagsak sa sahig tsaka nilamon nang kadiliman.

Therese's P.O.V

" Oi, nakita mo ba si Nicx?"

"May nakita ka bang babae na batman ang bracelet na may batman na hairpin?"

"Nakita mo ba tong babae na'to?"

"May nakita ka bang babae ditong dumaan kanina?"

Tae! Asan ka na ba Nicx!?

Kanina pa naming hinahanap si Nicx sa buong skwelahan pero ni-isa walang alam.

Bw*sit!

Wala akong pakealam na nagmura ako basta ang mahalaga ay makita naming maayos si Nicx.

Pag may mangayring masama sa kaibigan namin, oh I swear...magiging legal ang patayan dito!

Third Person View

Habang hinahanap ang dalagang si Nicx, ay walang sawang binugbog ang dalaga sa isang abandonadong kwarto kasama ang isang grupo ng kababaihan.

T-tulong....t-tulungan niyo ko...

Pilit paring tumayo ni Nicx kahit gustong gusto na niyang sumuko ay magpapabugbog na lang.

T-therese...Mai Mai..K-keith, tulungan niyo ko...

Tumulo ang munting luha sa kaniyang mata kasabay ang pagtulo nang sarili niyang dugo sa sahig.

Nakakatakot, sobrang madilim...parang gusto na niyang sumuko na lang.

Tila isang magandang pelekula lang para sa mga kakabaihan habang binubugbog si Nicx na walang kalaban laban.

Kalmot dito, sampal doon, sapak dito, suntok doon, sipa dito, sakal doon....

Tama na....tulungan niyo na ako..

Tila mawawalan na nang malay si Nicx ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang binata habang gulat napatingin kay Nicx.

Baby don't Curse! It's badTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon