Copyright © 2012 by heyitsREINing
All right reserved
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Posible bang mahulog ka sa taong hindi mo naman kilala? kung posible edi masasabi ko na bang in love ako sakanya?
“pare baka gusto mong bilisan dyan?! Oras na oh, ayaw mo naman sigurong malate tayo sa flight natin diba?!” narinig kong sigaw ni Peter mula sa baba.
“oo sandali nalang! Chinecheck ko nalang yung mga kulang sa gamit ko!” sigaw ko.
“basta bilisan mo! Sabi ko naman kasi sayo magimpake ka na kagabi! Inuna mo pa kasi yang pangchi-chicks mo!” sigaw nya ulit.
Hindi ko na sya sinagot pa ulit, para tumigil na sya. Natataranta na nga ko dito panay pa ang sigaw nya, daig nya pa ang nanay ko.
“ano pa bang kulang? Andito na ba lahat ng kaylangan ko? underwear? Shorts? Sando? T-shirt? Pants? Shoes? Tsinelas? Toothbrush? Charger? Wallet? iPod?” bulong ko sa sarili ko, “ok na sirugo to.”
Bumaba na ko agad sa sala pagkatapos kong ayusin mga gamit ko. Muntik pa kong madapa sa hagdan kakamadali.
“p*nyemas ka Luke! Napakatagal mo!” singhal agad sakin ni Drew pagkababa ko.
“haha! syempre naman pre nagpapogi pa ko. Siguradong madaming chicks dun sa Bohol.” Sabi ko sabay apir kay Jake. Alam ko namang sangayon to sa sinabi ko eh.
“ul*l! Ang sabihin mo tinanghali ka lang ng gising dahil nalasing ka kagabi. Nagbar-bar ka pa kasi kagabi g*go ka alam mo namang aalis tayo ngayon. Ang hirap mo pang gisingin.” Sabi ni Peter sakin sabay batok.
“you know I can’t resist with those sexy girls mga pre.”
“oh sya! Kung wala na kayong nakalimutan umalis na tayo at baka malate pa tayo sa flight natin.” Sabi ni Glenn habang inaayos yung lens ng camera nya.
“holy sh*t! yung camera ko pala!” sabi ko sabay karipas ng takbo sa kwarto para kunin yung camera ko. Buti nalang nakita ko yung camera ni Glenn kundi wala kong gagamitin sa apat na araw na bakasyon namin sa Bohol.
Pagkababa ko nakita ko nalang na umiiling-iling sila sakin.
“pambihira ka Luke gurang ka na nga, makakalimutin ka na.” sabi agad ni Jake.
“wala ka na bang nakalimutan nyan Luke?” tanong ni Drew sakin.
“wala na, andito na lahat ng kailangan ko kaya tara na.” sabi ko at nagpatiuna na kong lumabas.
Nung nakasakay na kaming lahat sa sasakyan agad na kaming nagpunta sa airport.
Sakto lang ang dating namin sa airport dahil saktong nagsisimula na ang check-in ng flight papuntang Cebu. Sa Bohol ang destination namin pero flight papuntang Cebu ang kinuha namin, sasakay nalang kami ng ferry papuntang Bohol.
Pagkatapos naming magcheck-in agad na kaming dumiretso sa waiting area. Umupo kami sa part ng waiting area na mas madaming bakanteng upuan. Siguradong magkukulitan lang tong mga to kaya dito sila umupo. Puro kalokohan nanaman gagawin nila.
Habang naghihintay, nagkukulitan lang sina Jake, ako naman kumukuha lang ng mga stolen shots hanggang sa may nakita kong babaeng kapapasok lang sa waiting area. Nastock nalang yung mata ko sakanya pagpasok nya.
Ang ganda nya. hindi ko mapigilan sarili kong kuhanan sya ng picture. Buti nalang talaga hindi ko nakalimutan camera ko.
Habang pinapanood ko yung paglalakad nya napansin ko na muka syang malungkot at napansin ko din na mukhang papalapit sya samin.
BINABASA MO ANG
A STRANGER IN MY HEART (one shot story)
Genç KurguPosible bang mahulog ka sa taong hindi mo naman kilala? kung posible edi masasabi ko na bang in love ako sakanya?