Reel (KathNiel)

47 0 0
                                    

"I can't believe na ako na naman ang mag-aayos ng gusot niya." Iritang sabi ni Kathryn saka pinatay ang cellphone. Tinawagan siya ng kanyang manager tungkol sa kumalat na issue kay Daniel at Jasmine. Naiinis na siya kay Daniel sa pagiging careless nito.

"Kathryn. Last take na!" Tawag ng kanyang Direktor. Ito ang last take sa araw na ito para sa incoming show niya sa Wansapanataym. Tatlong scenes ang kinuhanan nila ngayon.

Makaraan ang ilang oras, natapos din sila, at nagpack up na.

Babyahe na siya pauwi sakay sa van ng abs cbn. Nagbukas muna siya ng twitter at tulad ng ineexpect niya, trending kaagad ang issue sa social media. Showbiz nga naman. Napailing nalang siya sa sari saring kumento na nabasa.

Tulad ng inutos sa kanya ng kanyang Manager, oras na para ayusin ang ginawang gulo ni Daniel. Nagpost siya sa ig ng picture nila ni Daniel na kinuhanan noong taping ng 'Be Careful with my Heart' saka nilagyan ng caption na 'Best Guy Ever' kahit taliwas sa kagustuhan niya.

Pinatay niya ang cellphone at bumuntong hininga. 'So pinopormahan ni Daniel si Jasmine? Sa dinami-dami ng babae diyan, sa may boyfriend pa siya nagkagusto? Tsk. Tsk.' sa isip niya.

Bumuntong hininga ulit siya, 'Bakit kasi hindi nalang ako?'

______________________

Fiction lang po ito. Malayo sa katotohanan.. kinda. Baka isipin niyo po hater ako ng kathniel dahil lang isinama ko sa storya ang nakaraang issue ni Daniel, Kath and Jasmine. Naisipan ko lang po siya gawan ng kwento. First POV po ang gagamitin ko sa susunod na mga chapters. :)

REEL (KATHNIEL)

2014

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reel (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon