Chapter 1

433 20 1
                                    

Chapter 1

•~•~•

"Pwede ba? Kung maninigarilyo kayo, pwede ba dun kayo sa malayo at hindi sa tapat ko?" Inis kong sabi sa mga kaibigan kong lalaki. Yes, I'm one of the boys and parang kapatid ko na rin 'tong mga 'to but except from one of them, Taehyung. He is actually my ex-boyfriend but I decided to just cut our ties as a couple kasi nahihirapan daw siya sa relasyon namin but we also decided to stay as friends kasi dun rin naman kami nagumpisa. It's definitely a waste kung itataboy na lang namin ang minsan naming nasimulan.

"Abby, wala kaming sinasabi na langhapin mo ang usok." Natatawang sabi sa akin ni Jungkook sabay hampas ng kaunti kay Taehyung na medyo pumitlag pa dahil sa gulat. Jungkook or other people calls him as "Kook" is an international playboy. When I say international playboy, literal! Nang minsan kong makita phone niya ang daming foreigner na kachat at nilalandi pa, mali mali naman ang grammar ng gunggong. At isa pa, ang hilig manigarilyo, I mean hindi lang naman siya ang naninigarilyo sa mga kaibigan ko pero siya yung pinaka-adik at minsan sinasabihan ko na siya at baka ikapahamak niya pa pero wala. Ayaw makinig.

I always wonder kung bakit ba siya nagkakaganito.

"For your information Mr. Jeon. Hindi ko nilalanghap yan humahalo kasi sa hangin na kinukuhanan ko ng oxygen. Alam mo bang delikado ang second-hand smoking? Tsk! Layo!" Nandidiri kong sabi sakaniya sabay tulak pa palayo kasama si Yoongi na may sigarilyo rin sa bibig niya habang naglalaro ng Mobile Legends sa cellphone niya. Yes, kung si Jungkook adik sa sigarilyo, eto naman sa paglalaro. Kaya kadalasan sinasabi niyang hindi daw siya free pag may gala pero maglalaro lang yan ng online games sa bahay nila.

"Arte naman neto." Inis na singhal sa akin ni Jungkook sabay layo habang kasunod si Yoongi na naglalaro pa rin.

Habang pinapanood ko ang paglayo sa amin ni Jungkook at Yoongi napatingin naman ako kay Hoseok at Taehyung na parehas pawisan. Naglaro kasi sila ng basketball at kasama nila ako para manood kasi wala naman akong ginagawa at may sasabihin rin ako sakanila.

"Guys." Tawag ko sakanila parehas dahilan para mapatingin sila sa akin.

"I have some good news and also bad news." Panimula ko.

"Then tell the bad news first." Sabi ni Taehyung habang nagpupunas ng pawis niya sa ulo at leeg niya.

"Umm, I will leave the country for good." Biglang naibuga ni Hoseok ang iniinom niyang tubig habang nakatingin sa akin ng gulat.

"You are leaving? Why?" Gulat na gulat na tanong niya.

"Oo nga, bakit? Parang sobrang biglaan naman." Sabi ni Taehyung na patuloy pa ring nagpupunas ng pawis niya.

"And that's the good news, I am accepted on a prestigious school in States. Sa totoo lang napilitan ako nung una kasi I really don't want to leave but my parents forced me so I had no choice. But, unexpectedly I passed the exam and I got a certificate!" Masaya kong sabi sakanila. Biglang ngumiti ng malawak sa akin si Taehyung at niyakap ako bigla medyo namula pa mukha ko dahil hindi ko mapapagikala na medyo may nararamdaman pa rin ako sakaniya pero hindi na ganon kalakas di katulad dati.

"Congrats! I'm so happy for you Abby! Sana maging maayos ka dun."

Napataas ang kilay ko sakaniya,"You are not sad?" Takha kong tanong sakaniya.

"Of course! Why would I be? I'm assured naman na babalik ka pa rin dito at hindi mo matitiis ang kagwapuhan namin." Sabay taas baba ng kilay dahilan para mahampas ko siya sa mukha. Napatingin naman ako kay Hoseok na tahimik lang, napabuntong hinga ako at niyakap siya.

"Ah~ wag ka na magtampo. Alam ko naman na parang kapatid na turingan natin pero di ko naman kayo ipagpapalit e'." Sabi ko sakaniya. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Hoseok, he treats me like a real sister kasi simula nung namatay ang ate niya ay ako ang nagcomfort sakaniya. Kaya medyo nasanay na rin siya sa presensya ko at ganoon rin ako sakaniya. He has trust issues at nung una ay napakahirap niyang maging ka-close and seeing him right now na parang nakokonsensya ako.

"I hope you a good luck!" Biglang sigaw niya sabay yakap rin pabalik at tinaas pa ako sa ere. Napatawa pa ako dahil sa bigla niyang reaksyon at bigla rin namang lumapit sa amin sina Jungkook at Yoongi tinatanong kung anong meron at kung bakit ang ingay namin. Kinuwento ko sakanila at natuwa rin sila parehas.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture kami. Nang ibaba ko ang cellphone ko para tignan ang mga shots namin ay napangiti ako dahil sa mga litrato na 'to.

"Ibahin mo yan, ang pangit ko diyan." Reklamo ni Jungkook at sinubukang agawin ang cellphone ko pero hindi ko hinahayaan kaya bigla na lang 'to nahulog at nabasag ang screen. Sinamaan ko siya ng tingin at halata namang bigla siyang nakonsensya.

"Hala! Hala! Sorry! Di ko sinasadya! Babayaran ko na lang!" Taranta niyang sabi sa akin at sinusubukan kunin ang cellphone ko pero inilalayo ko lang 'to sakaniya.

"Please, let me pay for it." Nakangusong sabi ni Jungkook dahilan para mapatawa ako. Kinurot ko ang ilong niya at ngumiti.

"No need, bibili naman akong bago." Sabi ko sakaniya at napailing na lang. Napatingin uli ako sa celllphone ko na basag na ang screen at picture namin. Napangiti na lang ako.

I will definitely miss them.

•~•~•

"Ma? Pa?" Sigaw ko sa buong bahay pagkauwi ko. Walang sumagot sa akin at inulit ko uli ang pagtawag ko sakanila pero wala talaga. Nababalot ng katahimikan ang buong bahay namin. Hindi naman sila aalis ng bahay nang hindi ako sinasabihan. Sinubukan kong hanapin sila sa kusina, kwarto at sa garahe pero wala talaga sila. Bigla akong kinabahan. Ewan ko ba kung bakit.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinubukan tawagan ang cellphone ni Papa pero out of coverage. Sinubukan ko namang tawagan ang kay Mama pero nagulat ako nang biglang may nagring mula sa likod ko. Unti unti akong napatingin dito at nakita ko ang cellphone ni Mama na nakapatong sa coffee table sa salas namin.

Imposible.

Hindi makakalimutin si Mama para iwan na lang niya ang cellphone niya dito kung sakali mang umalis talaga sila.

Napalunok ako bago kuhanin ang cellphone gamit ang nanginginig kong kamay. Pagkabukas ko ay bigla kong naibagsak ang cellphone at napaluha.

Picture ni Mama at Papa na duguan.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at hinigit ang makapal na lubid na nakadigkit sa kisame at hinila 'to pababa. Bumungad sa akin ang hagdan na paakyat sa rooftop namin at kahit kinakabahan ay umakyat pa rin ako.

At parang naubusan ako ng hininga sa nakita ko.

Ang mga litrato sa cellphone ni Mama ay ngayon ay nakikita na mismo ng dalawa kong mata.

Nakatali sila sa silya at pinapaliguan ng sarili nilang dugo.

Sino.. ang.. gumawa nito?

•~•~•

Addiction • BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon