Epilogue

249 15 3
                                    

Epilogue

•~•~•

THIRD PERSON's P.O.V

Tahimik na pumasok si Hoseok sa loob ng chapel. Napangiti siya ng mapait sapagkat ang huli niyang punta dito ay burol ng pinaka-matalik niyang kaibigan.

Ngayon, kaibigan niya uli ang nakahiga sa panibagong kabaong.

Kahit napaka-pait at napakasakit ng mga nangyari. Hindi niya mapapagkaila na sa wakas ay tapos na rin lahat.

"Okay na lahat." Sabi ng isang matangkad na lalaki sa tabi ni Hoseok dahilan para mapatingin siya rito.

Sa kaso ni Taehyung, tatay at kapatid niya ang nakasuhan dito dahil na rin sa pag tulong ni Seokjin malaman ang nakaraan niya at maipakita ang maduming sikretong kaso ng natitirang pamilya ni Taehyung. Of course, Seokjin wouldn't know all of it without the help of his cousin..

"Kim Namjoon.. buhay k-ka?" Gulat na tanong ni Hoseok at hindi pa rin makapaniwala kung sino ang nasa tabi niya.

Yes, Seokjin's cousin is Namjoon. Their beloved school president.

Everyone is petrified nang malaman nilang buhay pa ang school president at nagtago ito matapos ang balitang napatay siya. Sa totoo lang, he's wearing a bulletproof vest n hiram niya sa tatay niyang pulis at ang dugo na bumulwak sa katawan niya ay isang food coloring lamang. Kaya pala, kaya pala pinwersa niya umalis si Abby kahit hindi naman niya ito kaibigan o kahit ka-close man lang. That seems so odd right? Pero hindi, gusto niya makumpirma kung lahat ba ng taong pumepwersa kay Abby ay kapalit ay buhay at tumama siya sa hinala niya.

"I really love keep surprising people out." Natatawang sabi ni Namjoon kaya mas lalong nanlaki mata ni Hoseok.

"Maalam ka tumawa?!"

"I'm a human. Of course maalam ako tumawa. It's time for a new change, siguro naging sobrang formal ko sainyo."

"Sorry. Sobrang nakakapanibago lang kasi. Hindi lang sayo, kundi sa lahat ng 'to."

Inakbayan ni Namjoon si Hoseok at ginulo ang buhok nito, "How about makipag usap ka sa kaibigan mo?" Sabay turo sa kabaong na nasa harap nila. Napalunok si Hoseok, kanina niya pa kasi tinititigan ang kabaon pero wala siyang lakas ng loob para lumapit dito. Pero huminga siya ng malalim at pinwersa ang sarili niyang lumapit. At ngayon, nakita niya ang inosenteng mukha ng kaibigan niya na akala mo'y hindi naging demonyo.

"Taehyung." Panimula niya at nagsimula na rin magpatakan ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo nagawa yun. Sana sinabi mo. Sana sinabi mo na hindi ka okay. Sana sinabi mo nang kahit papaano naiwasan natin mangyari lahat at natulungan ka namin. That is what friends for diba? But you took it too far and if buhay ka pa? Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin pa."

Hindi napansin ni Hoseok ang presensyang palapit sakaniya at napapitlag na lang nang maramdaman niyang humawak ito sa balikat niya.

"Totoo mga sinabi ni Hoseok. Dapat sinabi mo pero tanga rin ako kasi alam ko na simula pa lang. Pasensya na kung iniwan ka naming ganito pero alam kong dapat mong pag bayaran lahat ng ginawa mo." At gaya ni Hoseok ay napaiyak na rin si Jungkook.

Habang napupuno ang chapel ng iyak ay dumating si Seokjin na may tulak tulak na wheel chair palapit sa altar kung saan nakapwesto ang kabaong. Nang mapatigil sila ay napatingin sina Jungkook, Hoseok at Namjoon sa dalawa.

"A-abby." Naiiyak na tawag ni Hoseok sa nakaupo sa wheelchair at lumapit para yakapin ito. Yumakap pabalik si Abby at nakiiyak na rin sakanila.

"It's finally finished. Finally!"

"Huwag muna masyadong mahigpit hawak mo, kita mong di pa galing sugat o'." Sabi ni Seokjin kay Hoseok dahilan para mapahiwalay ang binata.

"Haha, pasensya na. Sobrang saya ko lang kasi buhay siya."

Napangiti ng mapait si Abby, "I am also happy too. Dahil buhay rin kayo."

"But I guess our addictions will stop from here?" Natatawang sabi ni Seokjin.

"Yes, addictions leads us to no good." Pag aagree naman ni Namjoon.

"Pero nakatulong sa akin ang isang adiksyon ng isang beses." Sabay napatingin si Abby kay Jungkook at ngumiti ng matamis. Kinuha ni Abby ang sigarilyo na iniwan ni Jungkook sa bulsa niya at inabot ito sakaniya.

"It helped me pero hindi ko alam kung bakit naglagay ka pa ng sigarilyo." Natatawa niyang sabi sa binata.

"Naisama ko lang yun, di ko sinasadya."

Nagtawanan silang lahat at nagkakwentuhan bago uli tumahimik uli.

"Every addiction starts with pain and also ends up with pain. And now, he started it and we ended it."

•~•~•

Addiction • BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon