Chapter 6

132 10 1
                                    

Chapter 6

•~•~•

Pumasok na ko sa mga after-break classes ko at pinagtitinginan na naman ako ng mga kaklase ko.

Oh wait.

Hindi pala ako ang pinagtitinginan.

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Seokjin na kasunod ko. Ngumiti siya sa akin at kumaway pa bahagya.

"Seriously?"

"We are on the same class." Masayang sabi niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Dire-diretso ako sa pwesto ko sa may bandang likod kung saan pinanggigitnaan ako ni Taehyung at Jungkook. Nakita ko ang paglingon sa akin ni Jungkook at tumitig pa 'to. Napalingon na rin ako sakaniya dahil sa naiilang ako sa pagtitig niya.

"What do you want?" Mataray kong tanong sakaniya.

Binugahan niya ako ng hangin sa mukha at amoy na amoy ko pa ang sigarilyo galing sa bibig niya. Napalayo ako ng mukha at napatakip ng ilong.

"Hindi mabaho hininga ko ha." Inis niyang sabi sa akin.

"I prefer your bad breath rather than the smell of your cigarette."

"Arte talaga." Sabi nito at hindi na ako pinansin pa.

Since naging magkaibigan kami ni Jungkook, parang kami yung aso't pusa sa grupo. Hindi ko kasi talaga gusto paninigarilyo niya at laging ang init ng ulo sa akin. Hindi ko rin naman alam kung bakit kaya umiinit na rin ulo ko sakaniya sa bawat pagkita ko sakaniya but you can see how we treasure each other as pals.

"Hi Abby!" Napapitlag ako sa gulat nang biglang may magsalita sa harap ko at nakita ko si Seokjin na nakapwesto sa unahan ko. Napatingin siya kay Jungkook pero ibinaling na lang uli ang tingin niya sa akin.

"Umay na umay na ako sa pagmumukha mo ngayong araw." Pag-amin ko sakaniya pero imbes na mainis ay tinawanan niya lang ang sinabi ko at tumalikod sa akin.

Bigla namang lumapit sa akin si Taehyung at seryosong nakatingin sa akin.

"Let's talk."

"Wala tayong dapat pag usapan Taehyung." Madiin kong sabi sakaniya. At sa sobrang inis niya ay napamasahe siya sa sentido niya. Hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng classroom namin pero tila bigla akong nanlambot at tinulak siya palayo sa akin sa abot ng makakaya ko nang may eksenang pumasok sa isip ko.

At ang pagkaladkad rin ni Jimin sa akin at ikinapahamak niya lang yun.

"I-i'm sorry Taehyung." Paghingi ko ng paunmanhin sakaniya at tsaka napasandal na lang sa pader bilang suporta.

"I-i just c-can't afford to lose you too." Sabi ko at naramdaman ang pag babadya ng mga luha sa mata ko. It hurts me to see him suffer just because iniiwasan ko siya. But I just feel like that it is necessary to do it because everyone who forces me gets their death in an instant.

That's the clue I noticed.

Lahat ay pinwersa ako.

Magulang ko, pinwersa akong magtake ng exam at wala akong nagawa.

And Jimin forced me to leave the place and come with him on the city where he lived in.

Then the payment is their lives.

"Stop forcing me, Taehyung. Just let me ignore.. you."

"And ignoring us will help you solve this crime?"

"Hindi ko sinasabing ganiyan. I just felt like it. The more the people who is involved around me, the more the people gets killed. And I don't want that."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang parehas kong kamay. Tumingin siya ng diretso sa mata ko at hindi ko maiwasang hindi mapatitig rin dito. I used to stare at those eyes with love in my eyes and now, parang ang awkward lang.

"Abby, I am willing to risk my life for you and even the others also." Sabi niya gamit ang malalim na boses at hinila ako ng mahinhin para sa isang yakap. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak once na nasa mga bisig niya ako. I suddenly feel comfort and secured. Feelings that I haven't received since Jimin and parents died.

Napalayo kami parehas bigla sa isa't isa nang may marinig akong tumikhim. Pagkakita namin ay si Namjoon lang pala na may seryosong ekspresyon na naman na nakapagkit sa mukha niya. Never ko pa talaga 'tong nakikita na ngumiti.

Bigla siyang nagbow sa harap namin bago nagsalita,"It is already P.E class and we are required to go to the gym right now for our activity. Kindly get your items and go there." Sabi niya sabay dire-diretso kaming nilampasan. Pero tumigil pa siya bahagya at nilingon kami.

"And I'm sorry for interrupting. As the rules say, we are not allowed to do PDA things inside the campus area. Thank you."

Biglang nag akyatan ata sa mukha ko ang dugo ko at pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa sinabi niya. Pagkaalis ni Namjoon ay nagkatinginan uli kami ni Taehyung at napangiti na lang sa isa't isa. Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ang noo ko ng matagal bago niya napagpasyahang pumasok na sa classroom.

•~•~•

Ang mga lalaki ay nakapila isa isa para sa pagshoot ng bola sa ring. And yes, basketball ang activity ngayon sa P.E class namin. Nauna na kaming mga babae mag-shoot ng bola and I didn't even have the strength to throw the ball up to the ring. So instead, ang natamaan ko ay ang aming instructor sa P.E. Ang galing diba? Ayan, napadala tuloy siya sa clinic dahil sa akin at si Namjoon ngayon ang nagrerecord ng mga shootings ng mga boys.

Kinuha ko ang towel mula sa bag ko at pinunasan ko ang leeg ko. Hindi naman ako masyadong nagpaka-kilos pero pawisan na agad ako siguro dahil rin sa init ng panahon at medyo kulong ang gym namin. Ipinatong ko muna ang towel ko sa bag ko at tsaka tumayo para bumili ng tubig sa vending machine. Naglabas ako ng barya mula sa bulsa ko at naghulog dito, pagkalabas ng tubig ay agad ko itong uminom at napagpasyahang bumalik na agad sa bench na pwesto namin kanina. Naistatwa ako nang makita kong nawawala ang towel ko. Hinanap ko 'to sa ilalim ng bench pati na rin sa loob ng bag ko pero wala talaga.

"Who the hell stole—"

"Anong hinahanap mo?" Napatayo agad ako nang bumungad sa akin si Seokjin sa likod ko.

"Nawawala towel ko."

"Towel mo?"

Tumango ako at naghahanap pa rin. Pero hindi ko talaga makita. Nakakaano naman kung hahanapin ko sa mga bag ng kaklase ko diba? Like, towel lang yun bakit naman yun nanakawin diba? Pero hindi naman mawawala yun kung walang kumukuha e'!

"I'll find it for you. For now, pumunta ka na muna sa shower room at magpalit ng damit."

"Are you sure?"

"Yes, wait for me outside. At magshoshower rin lang ako. Ang bantot ko na e'." Natatawa niyang sabi sa akin habang inaamoy niya ang sarili niya. Ngumiti ako sakaniya at nagsenyas ng "thank you" at dali daling dumiretso ng shower room.

•~•~•

Addiction • BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon