Chapter 15

115 8 2
                                    

Chapter 15

•~•~•

"I'm so tired. I'm so tired. I'm so tired." Paulit ulit na banggit ko ng mahina habang patuloy pa rin sa pag-iyak sa harap ng kabaong ni Yoongi. Kasalukuyan akong nasa chapel at nandito halos lahat ng kaklase ko, teachers, pamilya niya at mga kaibigan ko. Pinanggigitnaan ako nina Hoseok at Taehyung at rinig na rinig ko rin ang paghikbi nila at pagluluksa nila sa pagkawala ng isa pa naming kaibigan.

Silang dalawa na lang ang nasa tabi ko.

At hindi ko na alam ang gagawin ko pag parehas pa sila nawala.

"I'm just gonna go outside." Paalam ni Taehyung sa amin dahilan para mapatingin kami sakaniya. Hindi na kami nagsalita at tumango na lamang. Paglipas ng oras ay tahimik pa rin kami at tanging mga hikbi at mahihinang paguusap ang maririnig sa paligid namin.

Nagpaalam na rin ako kay Hoseok at nagdesisyon munang lumabas para kumuha ng hangin. Pagkalabas ko ay sakto namang papasok uli si Taehyung. Nagkatinginan kami at nagkangitian ng peke. Lumapit siya sa akin at tumabi.

"I can't believe someone did that. Not just once, but a multiple times already." Paninimula niya.

"I know you told me na huwag kong kitilin buhay ko pero ang hirap kasi. The killer is after me at lahat ng nasa paligid ko ay pinapatay niya dahil sa pagiging adik sa akin. What if I will just get rid of myself? Para matapos na lahat 'to?"

Narinig kong napahagikgik siya ng kaunti kaya nagtakha ako sa reaksyon niya, "Don't think so stupid. Sa tingin mo matatapos agad yun? For sure sisisihin ng killer na yun lalo ang mga nasa paligid mo dahil iisipin nun ay nagpakamatay ka para sakanila, para iligtas sila. I guess the best way you should do is to keep your distance from them."

Napakagat ako ng labi at lumakad palayo sakaniya.

"What are you doing and where are you going?" Takhang tanong niya sa akin.

"You said I should keep my distance from everyone. So I should do the same to you."

Hindi siya nakapagsalita at napatitig ng ilang segundo sa akin.

Napabuntong hinga siya at napayuko bago naglakad palapit sa akin, "Pero hindi ko kaya lumayo sayo, Abby. Takot na kong mawalan pa ng tao sa paligid—" bago pa niya mahawakan ang pulso ko ay inilayo ko na agad 'to sakaniya.

"Don't say that. Ganiyan rin sinabi ni Yoongi sa akin at tignan mo sitwasyon niya ngayon." Malungkot kong sabi sakaniya.

"I'm willing to sacrifice my life.. and even.. the others are willing to sacrifice themselves for you."

Napapikit ako ng mariin at umiling sakaniya.

"No Taehyung. Lumayo ka na hangga't kaya mo."

Pagkatalikod ko sakaniya ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Seokjin. Seryoso siyang napatingin kay Taehyung bago uli siya tumingin sa akin. Katulad namin ay nakasuot siya ng kulay itim na damit at nakaayos rin ang buhok niya. Pero napansin ko ang shoulder bag na medyo malaki na nakasabit sa balikat niya.

Pero ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng isang matamis na ngiti.

"Pwede ka bang mahiram saglit?" Tanong niya sabay tingin kay Taehyung na parang humihingi ng permisyon.

"Balik lang ako sa loob. Talk to you later." Halata sa tono ng boses niya ang pagiging malungkot at narinig ko na lang ang mga yabag niya papasok ng chapel.

"Bakit?" Diretso kong tanong kay Seokjin. Napalingon siya sa paligid namin bago hinawakan ang pulso ko at kinaladkad ako papunta sa garden na malapit lang sa chapel.

Umupo kami sa isang bench at tsaka siya uli tumingin sa paligid namin para makita kung may tao ba o wala bago kinuha ang laman ng shoulder bag niya.

"What the hell is this?" Takha kong tanong sakaniya habang isa isa niyang nilalapag ang laman ng shoulder bag. Pagkakita ko ay yung dyaryo na nakita kong binabasa niya dati sa library. The day when I first met him.

"I will answer your question that you asked that day. Yes, yung limang estudyante na namatay noon ay sa school naganap lahat ng yun. Alam mo kung ano ang dahilan?"

Umiling ako bilang sagot.

"Dahil ang kaibigan ng limang estudyante na yun ay naging isang adiksyon ng isa pang tao."

Kinilabutan ako sa narinig ko mula sakaniya.

"Abby, if my theory is correct. Nauulit na naman ang nakaraan at saktong sakto sa mga nangyayari. We can't fall into the same place again. I can't."

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya, "You can't? What do you mean?"

"Because I'm one of those five students and no one knows that I survived."

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat ko.

"S-seokjin, bakit? Paano mo nasabi? Sobrang naguguluhan ako."

"I have an amnesia and my face went under the knife dahil sa nangyari sa mukha ko. Dahil sa nangyari sa mukha ko kaya wala akong nagawa kundi palitan ang ilang parte ng mukha ko at baguhin ito. Ngayon lang naging malinaw sa akin lahat kung bakit laging masakit ang ulo ko at.. may naalala akong nakakatakot. Lahat pinagtagpi tagpi ko at ngayon malapit ko na makuha ang sagot."

"Pero sino naman? Sino naman ang makakagawa non?"

"It is one of your friends. It must be."

Napailing ako sakaniya at nagsimula na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi Seokjin. H-hindi a-ako naniniwala s-sayo." Hinawakan ni Seokjin ang magkabila kong braso at tinitigan ako ng seryoso sa mukha.

"Abby, you should believe me. This is only the way you can save your remaining friends. Think about your parents. About Namjoon. And about Jimin and Yoongi."

Napayuko ako. Sabi ko sa sarili ko magiging matapang na ako. Na tatangapin ko na lahat. Pero ang hirap pa rin pala.

"Abby, isa lang yung sa tatlo mo pang kaibigan. Isa lang dun. Alin man kay Jungkook, Taehyung at Hoseok."

"B-but Jungkook is missing—"

"And the killer in the past went missing suddenly too."

•~•~•

Addiction • BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon