Chapter 10

118 9 2
                                    

Chapter 10

•~•~•

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang kisame ng kwarto ni Jimin. Lumingon ako sa kabilang banda ko at nakita si Taehyung na nakatabi sa akin at sa kabila rin ay si Hoseok. Napabuntong hinga ako at tsaka umupo. Tinitigan ko sila na mahimbing na natutulog.

"Hindi ko na alam gagawin ko pag isa pa sainyo ang madamay." Sabi ko sakanila na kala mo'y makikinig nila.

Dahan dahan akong tumayo at dumiretso sa kusina para sana magluto kaso naalala ko na wala nga pala akong stock ng pagkain dito at puro instant foods ang kinakain ko ngayong buwan. Kaya siguro medyo ang sama rin ng pakiramdam ko lagi dahil sa katamaran at kawalan ko ng gana kumain at magluto.

"You are up?" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Hoseok na nagkukusot kusot pa ng mata. Ngumiti ako ng tipid sakaniya at tumalikod para maghugas ng kamay sa lababo. Napapitlag ako nang bigla niyang ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ako at tila napahinto ako dahil dito.

"Don't ever think about committing suicide again, okay?" Bigla akong kinilabutan nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa likod ng tainga ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa ginawa niya at hinayaang nakasahod ang mga kamay ko sa lababo. Hindi ko alam kung paano ba ako magrereact sa ginawa niya. At mas lalong hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman.

Bumitaw na siya sa akin at ngumiti ng matamis.

"L-lalabas lang ako." Utal kong sabi sakaniya at sinubukan na lampasan siya pero hinigit niya ako sa pulso ng marahan.

"Where are you going?"

"C-convenience s-store."

"Alright!" Nakangiti niyang tugon at agad na pumuntang salas. Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo siya sa akin dahil binabaliw niya masyado ang isip ko at hindi ko rin alam kung bakit. Ewan ko ba, natatakot ako na ewan.

Nang pumunta akong kusina ay bumungad sa akin si Hoseok na nakasuot na ng jacket niya at bahagya pang sinisilip si Taehyung.

"Tulog pa. Tara na." Aya niya at tsaka unang lumabas. Sinuot ko na rin ang jacket ko at sumama sakaniya sa labas. Tahimik kaming pumunta sa convenience store at bumili na lang ng mga de lata.

Habang nagbabayad ay napansin kong napatingin siya sa akin kaya napatingin na rin ako sakaniya.

"Wala ka na bang balak pumasok?"

"Pumasok? Sa school? Ah, pinagiisipan ko pa."

"Alam naman ng mga teacher at school staff ang pinagdadaanan mo pero hanggang this month ka lang pwedeng umabsent."

Napayuko ako. Hindi ko kasi alam kung ready na ba talaga ako humarap sa mga tao. Hindi ko alam kung may lakas na ko ng loob para ngumiti sa harap ng mga tao at sabihing okay lang ako. Hindi ko alam kung paano pa ipagpapatuloy ang buhay ko. At hindi ko rin alam kung paano ko pa sisimulan uli ang paghahanap ng hustisya sa mga taong namatay dahil sa akin.

"Pati malapit na kasi ang school festival. Gusto ko sana na tayong dalawa ang magka-partner para sa dance performance. Alam kong magaling ka sumayaw at nakita na kita dati magperform rin. Pati, think of it as a distraction from all of the things that happened in your life."

Hoseok has a point. I could use that to distract myself and my thoughts but I really don't think I am ready. I think I should get myself back first before getting back on track.

"Hoseok, I will but I am not still ready."

"But Abby, the festival will start in—" tinigil ko ang pagsasalita niya sa pamamagitan ng pag lalagay ng hintuturo ko sa bibig niya.

"Don't force me Hoseok. I am accepting your offer but please, don't rush me." Sabi ko sakaniya at tsaka tinanggal ang daliri ko. Hindi siya nakapagsalita at nagbayad na ng mga binili namin.

Pagkabalik namin ay naabutan namin si Taehyung na nanonood ng telebisyon. Napatingin siya sa amin at ngumiti,"Okay ka na ba Abby? Bigla ka na lang natumba kagabi." Sabi niya sa akin at lumapit pa.

"I'm fine. Dahil lang yun sa sleeping pills." Sabi ko sakaniya at bigla siyang napahinto.

"You are not thinking of overdosing yourself, right?"

Napahagikgik ako sa sinabi niya at pinisil ang pisngi niya,"Why are you so paranoid? Chill ka lang. I won't do it again, okay?" Sabay ngiti rin.

"Now, that's the Abby I want to see."

"Maghahain na ko." Biglang sabat ni Hoseok at tahimik na dumiretso sa kusina. Nagkatinginan kami ni Taehyung at parehas kaming nagkibit-balikat dahil sa pagtatakha sa pag akto ni Hoseok.

•~•~•

Addiction • BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon