PROLOGUE

6.3K 147 13
                                    


Hope, POV...

Mula sa kinatatayuan ko nakita ko kung paano tumagos sa pader ang kaibigan kong si kye, He has "phasing" ability or "Intangibility" kaya niyang tumagos sa kahit man na anong bagay, and besides he also a good-looking guy that's why he makes special

"Trabaho mo naman Hope" aniya sabay abot sa akin ng maliit na box na isa sa pinaglalagyan ng light rings "Bilisan mo lang ang kilos mo dahil may nakahuli sa aking guards, alam kong nasundan nila ako" sabi pa niya at tumalikod na

"Teka saan ka pupunta" tanong ko dito


Humarap siya sa akin at ngumiti "Babalikan ko lang yung iba nating kasama, Baka mahuli sila" sabi niya at Ngumiti tumakbo na siya at naiwan na ako mag-isa


Tiningnan ko naman ang hawak ko ngayong maliit na box, labag man sa loob ko na gawin ang pag-nanakaw na ito wala na akong ibang maiisip na paraan upang matustusan ko ang pangangailangan namin ni lolo, Malaki ang binayad sa amin para sa misyon na ito kaya hindi dapat kami mabigo


Kaya mula sa kinatatayuan ko inipon ko ang pressure ng hangin at pinalibut sa katawan ko at mabilis na lumipad


"Teka bakit, arghhh!!!" Daing ko ng bigla nalang bumagsak ang katawan ko sa lupa, parang may komontrol sa akin


Dahan dahan ako tumayo at hinawakan ang kanang braso ko na siyang napuruhan dahil ginamit ko pangsanggala, Kaagad naman napukaw ang atensyon ko sa limang taong nakatayo sa harap ko, dalawang babae at tatlong lalaki



At base sa mga suot nilang uniform mukang galing sila sa loob, kung gayon sila ang inutosan upang hulihin kami, Mga estyudyanteng nag-aaral sa Arcadian Academy


"Ibalik mona ang ninakaw niyo" sabi ng lalaki na nasa gitna na sa tingin ko ay ang leader nila


Tumingin naman ako sa paligid at luminga linga kung may matatakbuhan ba ako pero wala andito kami ngayon sa likod ng Arcadian Academy at tanging mga puno lang ang naka-palibot sa amin idagdag mopa ang ilaw na tanging sa buwan lang nag-mumula, kaya alam kong mahihirapan akong makahanap ng malalabasan dito sa gubat na ito, hindi ko kabisado ang pasikut sikut dito


"Wag mo nang tangkaing tumakas pa, ibalik mona ang light ring at sumuko na" sabi ulit ng lalaki at naglakad ng dahan dahan papunta sa kinatatayuan ko



Napa-atras naman ako "Wag kang lalapit" sigaw ko dito na siya namang kina ngisi niya, nakaka inis siya


"Ang lakas naman ng loob niyo para pag nakawan ang eskwelahan namin" sabi pa niya


Kailangan kong makaisip ng paraan, kung hindi yari ako nito at alam kung huhulihin nila ako ay ikukulong sa loob, nasaan naba ang mga kasama ko, kailangan ko ng tulong niyo


Itinaas niya ang kanang kamay niya at iniharap ito sa akin "Sinasayang mo ang oras ko bata, kung puruhan na kaya kita" sabi niya at bigla nalang nabalot ng puting liwanag ang kanang braso niya at mula sa palad niya namumuo naman dito ang isang enerhiya



"Arghh!!" Daing kong ng sinubukan kong mag-lakad pero ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko, paano na ito


Napatingin ako ngayon sa harapan ko na kahit anong oras ay kaya akong patayin "katapusan mona bata" ang sabi niya at isang mabilis na pagbulusok ng energy ball papunta sa akin


Tanging nakakasilaw lang na liwanag ang nakita ko, ito naba ang katapusan ko, napapikit nalang ako


"Pasensiya kana at pinaghintay ka namin"


Napadilat ako dahil sa salitang narinig ko, alam kong boses iyun ni kye, ibig sabihin hindi pa ako patay, Pero papaano anong nangyari, tiningnan ko ang nasa gilid ko at nakita ko si na nakahawak sa balikat ko, ngayon alam kona gamit ang ability ni kye tumagos lang sa akin ang energy ball na iyun


Tumingin naman ako sa iba ko pang kasamahan at andito na sila, sina Aira, Ness at Gellie na nakatingin sa akin at ngumiti binaling naman nila ang tingin nila sa limang mga taga Arcadian Academy sinamaan lang nila ito ng tingin, ngayon magiging patas na ang laban lima laban sa lima


"Elaine, Kevin, Adele at Alex humanda kayo" rinig kong sabi ng lalaki na siyang umatake sa akin kanina kaya napatingin ako sa kanya

"Salamat kye" sabi ko dito


"Staka ka na mag-pasalamat kapag natalo na natin sila" sabi niya at Ngumiti staka ginulo ang buhok ko


Ngayon mukang mapapasabak kami sa isang matinding laban, hindi ko hahayaang matalo kami dito, para to sa lolo ko at para to sa mga kaibigan ko


"Sugod na"

SPECIAL 1.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon