Max POV...
After ng conversion namin ni Alex kaagad narin akong bumalik sa room ko dahil gumagabi narin, mainam narin kahit papaano na may pag-sasabihan ako ng mga hinaing ko sa buhay at least kahit papaano nakakagaan ng pakiramdam
Nang pipihitin kona ang doorknob ng room ko kapansin-pansin na hindi ito naka lock, pero hindi ako umaalis ng hindi naglo-lock ng room, hindi maganda ang pakiramdam ko dito, alam kung may mali, may pumasok dito
"Ang tagal mo naman umuwi" bungad ng isang babae nang makapasok na ako
Naka-upo siya sa kama ko at sout pa nito ang uniform namin ibig sabihin Pag-katapos ng klase namin dumiresto na siya kaagad dito, wais talaga tong babae na ito, hindi na nakakapag-duda na siya ang nanalong student council president
"Paano ka naka-pasok dito" tanong ko dito
"I have my ways Max" naka-ngisi niyang sabi "by the way bakit ang tagal mong umuwi, ahh hulaan ko siguro sunod ka ng sunod kay Hope no, Wow dakilang taga-sunod kana pala ngayon"
Teka, papa-ano " Hindi ko alam ang pinag-sasabi mo" pag-tatanggi ko dito
Tumawa naman ito na parang ng aasar "Max, max, max, you think you can fool me, like what I said earlier I have my ways"
Nalintikan na mukang hindi ako makaka-tanggi sa babae na ito
Mukang may kailangan ito sa akinMukang kailangan ko tong barahin ha "Oo nga naman you have your ways, eh sino ba naman kasi ang makaka-tanggi sa isang Puppeteer" kasabay ng pakawala ko ng ngisi ko pandagdag lang ng pang-asar sa kanya
"Hahahaha!!! Hahaha!" Pero nag-kamali ako lalo pa itong tumawa ng malakas "Grabe ka talaga, akala ko pa naman kasing talino ka ng Papa, akala ko pa naman mag-katulad kayo ng director"
Mukang ang dami ng alam ni Elaine tungkol sa akin, ano kaya ang plano nito, bakit hindi ko mabasa ang mga galaw niya, papaano ko kaya siya malulusutan
"Ano ba talaga ang kailangan mo, sabihin mona" direstong sabi ko dito
"Well, kung yan talaga ang guto mo gagawin kona" sabi niya at tumayo sa harapan ko
Teka ano gagawin "anong ibig mong sabihin, anong gagaw-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ang kakaibang bagay sa katawan ko, Anong nang-yayari bakit ganito ang nararamdaman ko "teka! ano bang ginagawa mo" napatakip kaagad ako sa bibig ko, naging maliit na boses ang lumabas sa bibig ko parang pambabae
Tumingin ako sa taong nasa harap ko pero ang mas nakakagulat nakatayo ang isang lalaki na nasa harapan ko, kamukang kamuka ko siya at pareho rin kami ng damit
"Nagulat kaba" pati sa boses niya gayang gaya ng sa akin
"Sino ka" katulad kanina boses ng babae parin ang lumalabas sa bibig ko, ano ba talaga ang nang-yayari
"Ako to max, si Elaine"
Mula sa pag-kasabi niya napatakbo kaagad ako sa harapan ng salamin, kaya pala, ito pala ang ability niya, tiningnan ko ang katawan na kaharap ko ngayon sa salamin, mula sa pambabaeng kasuutan, sa mahabang buhok at malaking dib-dib, nasa katawan nga ako ngayon ni Elaine
"Ang ability ko ay switching body" napatingin ako kay Elaine na nasa katawan ko ngayon " Hihiramin ko muna ang katawan mo Max, at binabalaan kita wala dapat o kahit sino ang pwedeng maka-alam nito" pag-katapos noon ang biglaang pag-alis niya
Ano ng gagawin ko
BINABASA MO ANG
SPECIAL 1.0
Fantasy( COMPLETED ) This is BL Fantasy story... If you are a HOMOPHOBIC type of person don't read it