Chapter = 8

1.8K 71 0
                                    


The special #3

Kevin, POV...

Nang matapos ang unang araw namin bilang estyudyante dito sa Arcadian Academy ay kaagad akong dumiresto sa silid ko nag-kayayaan kasi ang iba na mag-lilibut dito sa Academy pero hindi na ako sumama wala akong oras para sa mga ganyang gawain kailangan kong matapos na ang totoong pakay ko dito




Mula ako sa mayaman na pamilya kaya walang kahirap hirap sa akin na makapasok sa Arcadian Academy, Mula nang tumuntong ako ng high school ay dito na ako pinag-aral ng mga magulang ko dahil ang ate ko ay dito rin nag-aaral, pero isang pangyayari ang bumago sa buhay namin ng pamilya ko at yun ang pag-kawala ng ate ko four years ago





Pinag-butihan ko talaga at pinag-husayan ang paggamit ng ability ko, I have a ability of weather manipulation or weather control, at dahil sa gusto ko malaman kung bakit at kung papaano nawala ang ate ko nag-sumikap ako, ginalingan ko sa bawat klase namin

Author notes;
(may araw po or subject na hiwalay po ang normal na tao at ang mga tao na may ability, at ang star program po ay open lang po para sa mga may ability)




Kaya ng nalaman ko na bubuksan ulit ng paaralan ang star program hindi na ako nag-dalawang isip pa na hindi sumali dahil alam ko dito nag simula ang lahat, kabilang rin ang ate ko sa star program four years ago





Mabuti nalang at napasama ako sa top five na makakasama at magiging kabilang sa star program, pero ang kinagulat ko ang biglaang pagpasok ng limang kabataan sa Arcadian Academy, hindi kagaya naming lima na sumabak muna sa paligsahan bago nakapasok sa star program, pero silang mahihirap na kabataan ay kaagad nakapasok ng walang kahirap hirap, pero ang mas lalong nakaagaw ng pansin ko ay si Gellie





Nang gabing lumbas si Gellie at pumunta sa poltar building ay sinundan ko siya noon, kasalukuyang nasa roof top ako ng Oregon building kaya tanaw ko ang nasa baba, sa pagkaka-alam ko ay mahigpit ng ipinagbabawal ang paglabas ng gabi sa Dorm kaya kaagad ko siyang sinundan





Nagulat ako sa inasal at ginawa niya, ginamit niya ang ability niya para sa mga babae na nasa front desk kaya nabigla ako, kailangan kong malaman ang totoong pakay niya, pero ang mas kinagulat ko ang malaman kung ano batalaga at sino si hope






Gusto kong makausap si Gellie gusto ko makakuha ng sagot sa kanya, kung hindi ako nag-kamali alam ko na paraho kami ng hinahanap, pareho kaming nag hahanap ng kasagutan, dahil ng marinig ko nangtanong siya kay Miss Alyssa tungkol sa adviser ng star section four years ago, kinutuban na ako





Mas magiging madali para sa akin ang lahat kung magtutulungan kami, mas magiging madali sa aming dalawa ang lahat, kaya dapat ay makausap ko na siya kaagad





Ngayon ay hinihintay ko nalang ang pagtulog ng iba kopang kasamahan upang makapunta na ako sa room ni Gellie, natatakot ako sa sagot na makukuha tungkol sa pagkawala ng ate ko, at hanggang maari ay ayaw kong may madamay na iba dito





Dahil kung totoo man ang hinala ko, kailangan na naming umalis sa paaralan na ito






SPECIAL 1.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon