Chapter = 22

1K 42 0
                                    

Aira POV...



Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang huli ko makita ang babae na iyun, bukod kay Alex na gumugulo ngayon sa isip ko dumagdag din ang babae na iyun, hanggang ngayon hindi ko parin maalis sa isip ko ang pag-tatagpo naming iyun, sa tingin ko kasi may nang-yayaring hindi tama


"Aira!!!" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang pag-tawag ko sa pangalan ko


Si Hope pala "Sabay na tayo" bungad niya sa akin


Nag-umpisa na kaming mag-lakad ngayon papunta sa classroom namin "Teka, akala ko ba nauna na kayo sa akin" sabi ko dito



"Ahm, ano kasi, nag-aya si Max na sabay kaming mag-breakfast kaya ayun nahuli na ako" sabi niya pansin ko naman ang malawak na ngiti nito


"Teka, teka, at kailan pa kayo naging close ni Max parang kailan lang sungit na sungit ka sa kanya ha!" Sabi ko dito


"Wag mo ngang bigyan ng issue yun, baka naging mabait lang talaga ngayon si Max" sagot naman niya


"Hayss, paano na si Kye" hala, wait ano itong nasabi ko


Napahinto sa pag-lalakad si Hope at tumingin sa akin "Anong, paano na si Kye" nag-tatakang tanong niya


"Ahh, wala" sagot ko kaagad "tara na baka ma-late pa tayo" habol ko dito, nauna naman akong mag-lakad sa kanya

Nako ang daldal ko!


...

Nakarating na kami sa room at pansin ko kaagad ang kakaibang atmosphere na bumabalot ngayon sa loob, ano kayang problema nila

"Anong problema" tanong ko sa katabi kong si kevin, at gaya ng inaasahan binigyan na naman niya ako ng isang boring ng tingin

Paano kaya ito nakaka-usap ni Gellie


Kaya naman minabuti kong puntahan sa table niya si Elaine "May problema ba!" Tanong ko dito


Napatingin naman siya sa akin "ahh, sunod sunod kasi yung reports na natatanggap namin sa office nitong mga nag-daang araw" sabi niya at ipinakita niya ang folder na hawak niya



"Reports, tungkol saan" nag-tatakang tanong ko



"Tungkol iyun sa mga babaeng nag dropouts" napalingon ako sa nag-salitang si Ness "Sunod-sunod kasi ang mga estyudyanteng babaeng nag dro-dropouts dito sa Academy" dagdag pa niya



"At hindi pa iyun, may mga reports din tungkol sa tatlong estyudyanteng babae na nag-suicide" napalingon ulit ako kay Elaine

Naalala ko na naman yung babae sa C.R

"May mga lead naba kayo tungkol dito" tanong ko

"Hanggang ngayon wala pa" sagot ni Elaine

Bigla namang dumating si Adele "Sa tingin niyo, iisa lang kaya ang dahilan kung bakit nang-yayari ito ngayon" sabi niya

"Isa din yan sa anggulo na tinitingnan namin" sagot naman ni Elaine "At halos lahat ng babae na nabanggit ay magaganda daw, kaya kayo mag-iingat kayo, lalong lalo kana Aira"

"Ha! Ako" gulat na tanong ko

"Oo, ikaw, ikaw lang naman yung pinaka-maganda dito sa star section, kaya kung ang pinupunterya ng suspect ay ang mga kagaya mong magaganda dapat simula ngayon ay mag-ingat kana" seryosong sabi ni Elaine


"Ano kaba, walang nang-yayaring masama sa akin no" sagot ko dito

Pero sa totoo lang, kinakabahan ako

...

Dumating na ang oras ng lunch namin, kakaalis lang din ng teacher namin at ngayon hinihintay nalang namin si Ness na matapos niya ang lecture niya dahil sabay sabay kaming mag-lunch habang ang mga lalaki naman ay nauna na sa labas

"Ayan, tapos na" masayang sabi ni Ness, habang nililigpit niya ang gamit niya


"Hayss, salamat gutom na ako" sabi naman ni hope, yes kasama namin siya kahit di siya babae, pusong babae naman siya at nererespeto namin iyun


"Ikaw ka-liit liit mo, pero ang takaw mong kumain" pang-aasar naman sa kanya ni Ness

"Ehh bakit ba" natawa naman kami dahil sa inasal niya

Knock knock knock!!! Napatingin kami sa pinto ng makarinig kami ng katok

"Ahm, gusto ko sanang yayain ka ng lunch Aira" aniya "ahm, pambawe ko lang sa nagawa ko sayo" dagdag pa niya

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nakatingin narin sa akin "Sige, sumama kana" biglang sabi ni Ness

"Oo nga" sabi naman ni Hope

...

"

Ito na" sabi ni Gab sabay lapag sa harap ko ng tray na may laman ng pag-kain

"Diba sabi ko naman sa iyo na okay lang naman ako" sabi ko dito

"Alam ko naman yun, pero ako kasi yung nakokonsensiya" sagot naman niya

Andito na kami sa canteen ngayon at inuumpisahan na ang lunch, nilibre niya ako bilang pambawi daw noong nabunggo niya ako

"Teka, bakit ba nakatingin sa atin ang mga estyudyante" napatigil ako sa pag-subo ko ng dahil sa sanabi ni Gab

Napalingon naman ako sa paligid ko, Majority nga ng estyudyante sa amin naka-tingin "Hindi kasi normal sa kanila na kasama mo ang isa sa mga taga star section" sabi ko dito


Pataka naman niya akong tiningnan "huh! Bakit naman, may pinag-kaiba ba ang mga taga star section at kaming hindi kabilang sa star section" sabi niya


Sa totoo lang wala talaga, kaya nga hanggang ngayon nag-tataka parin ako kung bakit naiilang parin ang mga estyudyante sa amin, ilang buwan narin kaming namamalagi dito, hindi parin sila nasasanay


"Ayyy! Nako" gulat ko ng biglang may bumagsak nalang na tray sa gilid ko



"Kung hindi niyo mararapatin makiki-upo sana ako dito, wala na kasing bakanting upuan" napalingon ako kay Alex

Ano bang ginagawa nito, ehh ang dami pa kayang bakanting upuan sa ibang lamesa






SPECIAL 1.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon