Chapter = 24

1K 40 0
                                    


Special #9

Adele POV...

"Di muna kayo sa room niyo, wala mo nang lalabas, pupunta lang ako sa office para mag-report" announced sa amin ni Miss.Alyssa bago lumabas ng classroom namin

"Kasalanan ko to eh, dapat di ko siya iniwan" napalingon naman kami sa nag-salitang si Elaine


Lumapit naman sa kanya si Ness "Elaine walang may gustong mang-yari ito okay! Walang may kasalanan, hindi natin alam na mangyayari ito" sabi ni Ness kay Elaine habang hinihimas nito ang likod


Hanggang ngayon simula kahapon hindi parin nakaka-uwi sa dorm niya si Aira at ang sabi ni Elaine nag-paalam raw ito para makipag-kita kay Gab


Sinasabi ko na nga ba, iyung lalaki na iyun alam kung may gagawin siyang hindi tama, sinabihan kona si Aira na layuan na niya ang lalaki na iyun, pero hindi parin siya sa akin nakinig isa akong healer at seeker, kaya alam ko kung tama ang hinanala ko at kahit Kailan hindi pa ako nag-kakamali



"Humanda talaga sa akin ang gago na iyun" galit na sabi ni Alex,kasabay pa noon ang pag-hampas niya ng malakas sa desk niya "I will kill him" sabi niya sabay tayo



"Wait! Where are you going" pag-pigil sa kanya ni Kevin



Napatingin naman siya dito "To find out what happen to Aira" sagot ni Alex



"Look, alam ko naman na lahat tayo nag-aalala dito, pero sinabihan na tayo ni Miss Alyssa na huwag maki-alam" sabi naman ni Gellie "lalo mo lang papalalain ang sitwasyon baka may mang-yari din sayo"



"I don't care! Si Aira ang importante ngayon, kayo ba na mga kaibigan niya na mas matagal niyang kasama hahayaan niyo nalang ba na ngayon ay may mang-yari nang masama sa kanya, pwes! Ako hindi" aniya "and don't you dare to stop me" banta pa ni Alex sabay labas ng classroom namin



Ngayon napa-tunayan ko na na mahal na talaga ni Alex si Aira, iba talaga ang magagawa mo kapag ang taong mahal mo na ang sinaktan, iba talaga ang kapangyarihan ng pagmamahal


"Wag niyo na siyang pigilan, intindihin nalang natin siya" sabi naman ni Max



"Hahanapin ko rin si Aira, hindi ako papayag na wala lang akong gawin dito" napatingin ako sa nag-salitang si Hope "Wag niyo akong pipigilan" sabi niya sabay takbo rin sa labas


Bakas na bakas sa amin ang pag-alala ngayon kay Aira, mukang ang bawat isa sa amin ngayon ay iisa na, kung mag-samasama kami siguradong walang makaka-talo sa amin


Teka! Hope hindi, ano tong masamang nararamdaman ko may panganib na naman ba


Si hope, sana di ako huli

"Susundan ko si hope" sabi ko nang hindi ko sila ni lilingon

Sana di pa ako huli

...


"Hope, hindi" bungad ko nang makita ko na naka-handusay sa sahig si hope, puno ito ng pasa at mga sugat


Kaya gamit ang ability ko, binigya ko na siyang paunang lunas

"Anong nang-yari" napatingin ako sa nag-salita na si Max

"Iwan, hindi ko alam, dapat hindi ko na siya hinayaan na lumabas" sabi ko

"Tara dalhin na natin siya sa clinic" sabi naman ni Max at binuhat si hope

Sino ba ang gumagawa sa amin nito, anong kailangan nila





















SPECIAL 1.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon