Elaine POV..."Kung ako sa iyo, bumalik kana sa katawan mo" bulong halos sa akin ni Adele
"Gusto ko mang-gawin hindi ko magawa, hindi ko pa nakikita si Max" bulong ko ring sagot dito
Apat na araw na kasi simula noong naki-pagpalit ako ng katawan kay Max at simula noon ay hindi ko pa ito nakikita, natatakot ako ngayon kung ano na lagay ng katawan ko bakit ba kasi humantong pa ako sa ganito
Naka-usap ko narin sina Gellie at Kevin at alam ko narin ang mga sides nila, kaya nakipag-kasundo na ako sa kanila na mag-tutulungan kami para mahanap ang mga sagot na hinahanap namin, at nangako narin ako sa kanila na magiging mabuting kaibigan narin ako sa kanila, tama narin yung minsang nag-kamali ako
"Kailan pa kayo naging close" napatingin naman kami ni Adele sa nag-salitang si Alex na nasa harapan naman at halos lahat pala ng kaklase namin ay nakatingin sa amin
Hindi nga pala sila sanay na makita ang ganitong side ni Max "Shut up" tanging sabi ko lang sa Alex na ito
Nandito kami sa room para umattend ng class namin, technically half hour na kaming naka-tingga dito at hindi parin dumadating ang first subject teacher namin, andami ko naring napapabayaan na activity ng student council dahil nga nasa katawan ako ni Max at pinag-sisihan ko narin ito, ni hindi ko nga matingnan ang gitnang parte ng katawan ni Max kapag naliligo ako, arrghh! Di ko ma imagine kung papaano paliguan ni Max ang katawan ko, Humanda talaga siya sa akin
Maya maya pa, narinig ko na ang pag-bukas ng pinto, hays salamat dumating narin yung teacher namin "Good morning Class! I'm sorry kung late ako pinaayos ko pa kasi ang field na gaganapan ng first activity niyo" bungad sa amin ni Sir, Arnold teacher namin sa abilities es capabilities at kagaya namin ay may ability rin
"Anong activity sir" tanong ni Ness
"Good question Ness, ngayon gaganapin ang activity niyo sa pag-gamit ng ability niyo, kaya lahat ng academic subjects niyo na morning shift ay ililipat na ng afternoon shift, every morning mag-kakaroon tayo ng practices about sa tamang pag-gamit nang mga ability niyo" aniya "Sa ngayon bumalik muna kayo sa mga dorm niyo at mag-bihis and then pumunta kayo ng activity area, are we clear"
"Yes! Sir" chorus naming sabi, Nauna nang lumabas si Sir at sumunod na kami
"So, ano nang gagawin mo" tanong ng kasabay kung si Kevin
I rolled my eyes "Isn't be obvious" binilisan ko naman ang lakad ko, ngayon ang laki-laki na ng problema ko ang activity namin ay ang pag-gamit ng ability namin paano ko magagamit ang ability ni Max
"Hey! I'm just trying to be nice here" rinig kung sigaw ni Kevin
Di porket nag-kasundo kami at nag-kaayos kami eh ga-ganyan na siya, aasarin pa niya talaga ako, nasaan naba si Max
"You look upset, tell me what happen" bungad naman sa akin ni Alex nang-pagliko ko sa hallway
"Mind your own business" tanging sabi ko dito at nilagpasan ko lang ito
"Hard-Headed ka talaga, as always" hindi ko nalang ito pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pag-lalakad ko
Paano ko ba ito malulusutan, I need my body now, nasaan naba kasi si Max " Mag-pakita kana please" sabi ko sa sarili ko "Nga pala hindi pala ito ang kwarto ko" sabi ko ulit ng mapansin ko na nakatayo ako sa mismong pintuan ng dorm ko at dahil nasa katawan ako ni Max dapat sa dorm niya ako tumuloy
Nag-lakad pa ako ng kaunti at nasa harap na ako ng dorm ni Max, pipihitin ko sana ang doorknob pero hindi na ito naka-lock tandang-tanda ko na ni-lock ko ito kanina
"Let's talk"
Pag-pasok ko si Max kaagad ang nakita, si Max na nasa katawan ko "Where have you been" sabi ko kaagad dito
Tumingin tingin muna ito sa paligid bago nag-salita "Nagustuhan ko yung pag-aayos mo ng kwarto ko" sabi niya
Well natuwa naman ako at maayos lang pala yung katawan ko sa kamay niya kahit papaano ay iningatan naman niya ito, akala ko kung ano-ano ang mga pinag-gagawa niya
"Mag-palit na tayo" sabi ko at kaagad ko ginamit ang ability ko, again nararamdaman ko na naman itong weird na bagay na ito kapag nakikipag-palit ng katawan
Mabuti nalang at nakabalik na ako sa katawan ko ang sarap ng pakiramdam "I'm sorry" sabi ko kay Max na ngayon ay nasa sarili niya na ring katawan, ako rin naman ang may kasalan kung bakit kami humantong sa ganito
"You don't need to apologize, ako nga itong dapat humingi ng sorry, I'm sorry for what happen to your father" para naman ako kinabahan sa sinabi ni Max, paano niya nalaman "kaya ako nawala kasi pumunta ako sa inyo at doon ko nalaman ang totoo, don't you worry Elaine, itutuwid ko na ang kamalian ng pamilya ko" hindi ko na maiwasan pang umiyak
Pinunasan ko na ang luha ko "Thank you, Max" sabi ko dito sabay ngiti, at least marami na silang nakaka-alam ng sitwasyon ko, at least marami na akong makakapitan
"Max, Elaine" napatingin naman kami sa taong nasa pintuan "We need your help, Alex is in trouble" sabi ni Gellie
"What" gulat na sabi ni Max
Ano na naman kaya ang ka-gaguhang ginawa ng playboy na iyun, pasakit talaga siya sa ulo
BINABASA MO ANG
SPECIAL 1.0
Fantasy( COMPLETED ) This is BL Fantasy story... If you are a HOMOPHOBIC type of person don't read it