Aira POV...
Nasundan pa ng ilang araw ang pag-aaya sa akin ni Gab ng lunch, kung minsan hinahatid-sundo pa niya ako, kapag maaga naman ang tapos ng klase namin at minsan kung sabay pa ang oras namin pareho ay tumatambay muna kami sa school garden para mag-kwentuhan
Ang resulta
Tampuhan tuloy kami ng tukso sa boung Academy, Pati mga kaklase ko pinag-kakaisahan na tuloy ako, pero may good thing naman ang nangyari, sa ngayon hindi na ilang sa akin ang ibang mga estyudyante, hindi lang sa akin pati narin sa mga kaklase ko, nagagawa na nila kaming batiin o kaya naman kausapin, looking forward narin ako para sumali sa mga groups
"Kamusta yung ginagawa niyong imbestigasyon" tanong ko kay Elaine, andito kami ngayon sa room ko
Saturday ngayon at walang pasok, kapag mga ganitong araw gumagala lang kami sa Academy o kaya naman nag-lilinis kami ng room namin dahil sa hindi din naman kami pwedeng lumabas
Nahiga naman siya at saka huminga ng malalim "Iwan! Isa pa yung na pinapasakit ang ulo ko" Aniya "Hanggang ngayon wala pa kaming nakukuhang clue" sabi pa niya
Tumabi naman ako sa kanya "Diba! Marami naman kayo sa student council hindi ba kayo nag-tutulungan" sabi ko dito
"Syempre! Nag-kakaisa kami, nag-tutulungan" sabi niya
"Ehh yung school ba, hindi sila gumagawa ng solusyon ukol dito" sabi ko
"May mga sariling imbestigasyon ang mga iyun" sabi niya sa kawalan
Hanggang ngayon ina-alala ko parin ang babae na nakita ko sa C.R ilang araw na ang nakakalipas sa tingin ko kasi biktima rin siya, pero sino, sino ang nasa likod na ito
Si Gab!
Siya yung huling tao na nakita ko malapit doon sa C.R, Siya kaya yung may gawa doon sa babae
"Hoy! May nakikinig kaba"
Nagulat naman ako sa biglaang nagsalita na si Elaine "ha! Oo naman" sabi ko dito
Umupo siya at humarap sa akin "Ina-alala mo parin ba yung sinabi ni Adele kahapon" aniya, umiling naman ako dito "Alam mo hindi ako mag-tataka kung hanggang ngayon ay ginugulo ka parin non, pero yung sa akin lang kasi, hindi pa nag-kakamali si Adele, kahit pa nasa malayo yung panganib ramdam na ramdam niya yun, hindi pa siya nag-kakamali sa pag-gamit ng ability niya" dagdag pa nito
Kahapon kasi bago mag-uwian, sinabihan ako ni Adele na layuan ko na si gab dahil daw panganib lang daw ang dala nito, pero hindi ko naman masisi ang sarili ko naging mabait at tapat sa akin si Gab kaya alam kung totoo siya
"Alam mo, samahan mo nalang ako sa office" pag-yaya sa akin ni Elaine
"Sige, tara" sabi ko
°°°
Andito na kami ngayon sa office ng student council at sa totoo lang ngayon lang ako nakapunta dito, pero ibang iba ito sa inaasahan ko, ang gaganda ng gamit dito halatang mamahalin
"Welcome sa office namin" sabi ni Elaine, umupo siya sa table niya, habang ako naman sa sofa
"Hindi ba pupunta dito ang mga kasamahan mo" sabi ko
"Hindi, di naman kasi required na pumunta sila dito kapag weekends, pero maliban lang kapag may urgent meeting" sagot niya habang tinitingnan ang mga folders sa harap niya
Napatingin bigla ako sa bumukas na pinto, mula dito pumasok ang isang lalaki na matangkad at naka-salamin, isa siyang senior "ikaw pala Daniel, naparito ka" bungad sa kanya ni Elaine
"Naiwan ko kasi yung lecture notebook ko sa table ko" sagot naman nung Daniel
"Nga pala si Aira, kaibigan ko" pakilala sa akin ni Elaine
Tumayo naman ako "hi" sabi ko dito, tinanguan naman ako nito at pumunta na sa table niya
°°°
"Ano ba iyung gusto mong pag-usapan" sabi ko sa kaharap kong si Gab
Habang papauwi kami kanina ni Elaine nakasalubong namin si Gab, siNabihan naman ako nito na gusto ako nito maka-usap, kaya pina-una ko muna si Elaine bumalik sa dorm
"Aira, kasi" putol niya sa sasabihan niya
"Kasi, ano"
"Kasi gusto kita" biglaang sabi niya na siya namang kinagulat "wala ka bang sasabihin" dagdag pa niya
"Kasi Gab" panimula ko, paano ko ba sasabihin "kasi, kaibigan lang ang tingin ko sayo" sabi ko nang nakayuko dito
"Pero, alam kung may nararamdaman ka na diyan diba" napatingin ako sa kanya dahil sa inasal niya
"Sorry" tanging sabi ko
Hinawakan naman ako nito sa braso ko nang mahigpit "Gab, ano ba" nasasaktan na ako, ibang iba siya sa Gab na nakilala ko
Hindi kaya siya, siya!
"I'm sorry Aira, pareho lang tayong biktima dito" sabi niya at nakita kopa ang pagtulo ng luha niya
Anong ibig sabihin mo Gab, hihilain ko sana pabalik ang braso ko ng biglang makaramdam ako ng sakit sa ulo ko
At unti unti akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
SPECIAL 1.0
Fantasy( COMPLETED ) This is BL Fantasy story... If you are a HOMOPHOBIC type of person don't read it