Kye POV...
Isang araw pa ang nakalipas at hindi parin namin nakikita si Aira na si Elaine pala, kahit kami nila alex ay nagulat din ng malaman namin ang totoo, Si Aira pala ang nasa katawan ngayon ni Elaine at si Elaine ay ang nasa katawan ni Aira, Pero kahit na kasama man namin Aira ay dapat hindi kami makapante, Si Elaine ay iisa parin sa amin at hindi dapat namin siya pabayaan
At hanggang ngayon din ay wala parin kaming alam kung sino nga ba ang nasa likod nito, may mga ilang pinag-hihinalaan na kami pero mahirap ang mang-bigtang kapag wala kang ebidensiya, Isa pa sinabihan na kami ng kina-uukulan sa paaralan na huwag na kami mangi-alam at sila na ang bahala gumawa ng sulusiyon ukol dito
Pero hanggang sa hindi pa naliligtas ang kasamahan namin walan makakapigil sa amin
Si hope naman ay nasa dorm lang nag-papahinga parin, mas mainam na yung ganoon dahil baka balikan pa siya ng mga nanakit sa kanya
Naririto kaming lahat ngayon sa room, pero wala kaming klase ngayon, hindi tulad ng ibang estyudyante na normal class parin
"Sa tingin ko hanggang ngayon nasa loob parin ng Academy si Elaine, kung sino man ang kumuha sa kanya alam kung hindi siya mailalabas na ito dahil na rin sa higpit ng seguridad sa labasan at papasukan dito sa Academy" Ang sabi ni Ness sa amin
"At sa tingin ko ang mga taong nanakit kay Hope at ang mga kumuha kay Elaine ay iisa lang din" sabi naman ni Gellie
"Nang-galing narin ako sa opisina ni director Shin, pero kahit doon ay wala akong nakuha na sagot" ang sabi naman ni Miss Alyssa
Malulutas paba namin ito, maiiligtas pa kaya namin si Elaine, habang humahaba ang oras namin lalo kaming nauubusan ng pag-asa
"Hindi na natin pa kailangan na umasa sa Council, kailangan ngayon palang makagawa na tayo ng paraan, lumiliit na ang chance natin habang tumatagal pa" ang sabi ulit ni Gellie
Napansin ko naman sa isang sulok ang pagiging tahimik at naka-yukong si Aira na nasa katawan ngayon ni Elaine, Hanggang ngayon ay sinisisi parin niya ang sarili niya, at kahit pa si Alex ay wala din magawa dito
"Kung kailangan nating halug-hugin ang bawat building dito ay gawin natin" ang malakas na pag-kakasabi ni Max
"Pero wala tayong permit, baka lalo lang lumala ang sitwasyon" ang sabi naman ni Kevin
"Ako nang-bahala doon" ang kapanteng sagot ni Max
Oo nga naman! Anak siya ni Director shin, anong laban mo sa isang Max
Boogggshhhh! Sunod na sunod nalang ang pag-sabog na narinig namin mula sa labas ng classroom, may mga hiyawan din kaming naririnig sa iilang estyudyante, mukang may kaguluhan sa labas
"Ano iyun?" Ang tanong ni Alex, at dahil sa wala ang nakaka-alam sa amin kung ano nga ba ang nang-yayari sa labas ay nag-katitigan lang kaming lahat sa isat-isa
Naunang lumabas si Ms. Alyssa kaya napasunod narin kami "Nalintekan na" tanging lumabas sa bibig ko nang makita ko ang sinapit sa labas
Mga nasirang gusali ang naabutan namin at mga estyudyanteng sa tingin ko ay nasugatan at ang iba ay wala ng buhay
Mula sa hinintuan namin ay nakita namin ang limang estyudyante na nasa harapan namin, ang dalawa sa kanila ay nakalutang sa ere, at ang tatlo naman ay nasa lupa lang, at base rin sa mga patches nila, mga senior student sila
"Anong ginagawa niyo!" ang maotoridad na sabi ni Miss Alyssa
"Tanga kaba! Hindi mo ba nakikita!" Ang matapang naman na sagot ng lalaking nakalutang sa ere, at sa tingin ko ay ang lider nila
"Wag ka ngang pilosopo!" Pasigaw naman na sabi ni Alex
Mula sa ere, lumapag naman sa lupa yung lalaki "Tsskk! Hindi na ako mag-paligoy ligoy pa, Hinahanap namin ang lalaking nag-ngangalang Hope, Ibigay niyo na siya sa amin para di na tayo mag-kasakitan pa"
"Anong kailangan niyo kay Hope" sabi naman ni Ness
Isang malaking bula naman ang biglang lumitaw sa tabi ng lalaki at nagulat kami sa nakalagay sa bula na iyun, Si Elaine ay nasa-loob nito at mukang walang malay, kitang kita rin namin ang pag-papahirap sa kanya at ang mga sugat at pasa niya
"Elaine! ILILIGTAS KA NAMIN!" Mangiyak-ngiyak na pag-sigaw ni Aira
"Wag kang mag-alala, Ibigay niyo sa amin si Hope at kapalit nitong kaibigan niyo"
"Anong tingin niyo sa amin" Nagulat nalang kami ang biglaang pag-laki ni Alex, ginamit niya ang ability niya "Hindi pa naming hahayaan na may isa pa sa mga kaibigan namin ang pahamak" kasabay nito ang pag-sugod ni Alex sa kalaban
Lumutang naman sa ere si Kevin at sunod nito ang biglaang pag-dagundong ng malalakas na kulug at kidlat, mukang handa na siyang lumaban
"Kye!" Napukaw ang atensiyon ko nang biglaang pag-lapit ni Max sa akin "Puntahan mo si Hope, gamit ang ability mo alam kung maitatakas mo siya, Maasahan ba kita"
"Oo! Pangako hindi ko hahayaang mapahamak siya" seryoso kung sabi
Bigla namang nabalot na maitim na liwanag ang kaliwang kamay ni Max, handa narin siya
Mabilis ko namang nilisan ang lugar "Hintayin mo ako Hope"
BINABASA MO ANG
SPECIAL 1.0
Fantasy( COMPLETED ) This is BL Fantasy story... If you are a HOMOPHOBIC type of person don't read it