part 1- the G-4

228 9 2
                                    

(A.N: picture ng G-4 asa right side ------------>>>>>>>>)


“JYRA!!! Bangon na!!! malalate ka na unang klase mo late ka?!” sabi ni mama habang kinakalampag ang pinto ng kwarto ko,, nag takip ako ng unan, haist nakakabanas na paminsan ang talak ng mama ko.

“JYRITA!!! Anu ba?! Ang mahal mahal ng tuition fee mu dun tapos ma lalate ka!! Bangon na!!”


“ayan na po babangon na!!” tsk, sino ba naman kasi may sabi sa kanila na dun nila ako pag aralin,, ehhh puro mayayaman ang nag aaral dun,, kung hindi mga artista anak ng mga sikat na pulitiko o kaya naman CEO ng isang malaking kumpanya!!

“magbihis ka ng maganda ha,, un sexy!!” talak pa rin ng mama ko,,, papasok lang sa  school kailngan sexy? Nu bayan!!

Daig ko pa binubugaw sa mayayaman nito eh,,

Pero hindi nga ba?

Yun naman talaga ang purpose nila kung bakit nila ako pinag aral sa mamahaling paaralan na yun,, para makapag asawa ng mayaman!!! Para makaahon kami sa kahirapan

 "mama alis na po ako pahinging baon,, 500 pesos" sabi ko sa mama ko

"anu 400? bakit 300? anung gagawin mo sa 200? alam mo bang mahirap kitain ang 100? 50 nga wala ako eh 20 pa kaya? oh meron akong 10 dito oh eto ang 5 piso" wahhhhhh!!!! >.<

(A.N: nyahaha nakita ko lng sa FB yan natuwa ako kaya nilagay ko rin dito ^_^)

"akin na nga po yan 5 piso pwede na yan pambili ng gulaman!! baka maging piso pa yan,,. bubblegum na lng ang mabili ko. tsk!!" napaka kuripot ng mama ko pinipilit nila akong mag aral sa ganung kagarang paaralan wala pala silang pera tsk.

kailangan kong mag hanap ng trabaho,, hindi kakasya ang 5 piso sa araw araw na pasok,..,

Napaka laking skwelahan naman nito!!

At ang mga studyante mga bigatin talaga

Ang mga sasakyan nila pa bonggahan,,, nakakahiyang itabi ang pipitsugin kong motorsiklo!! Tsk.

Bakit ba kasi pumayag pa ako na dito ako mag aral siguradong wala naman ako magiging kaibigan dito

“naku SORRY sir ALEC!!! Sorry po talaga hindi ko sinasadya  na mabangga kayo sorry ” sabi ng isang lalaking studyante grabe humingi ng sorry wagas!!


“kung tinatanggap ang sorry aanhin pa ang parak!! Tabi nga dyan!! ” at hinawi nya ang naka bangga sa kanya!!

i HATE and LOVE uTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon