Chapter 1

51 0 3
                                    

Chapter 1

Joyce POV

“Okay good morning.” Bati ni Doc Dave pagpasok niya sa room namin, siya ang teacher namin sa Pharmacology.

“Good morning, Doc.” Bati naming sa kanya.

“Sorry I’m ten minutes late because I need to attend one student who got fractured a while ago. Well, he’s fine now. Okay, let’s continue with our topic to be reported by Miss Andrade. And ah, please ask questions after the reports, and if the reporters might not answer your questions you can directly ask it to me. Am I clear?” Doc Dave said it in the class with authoritative tone.

“Yes, Doc.”

“Okay. Miss Andrade, you may apologize to that guy later after our class. And please take the center stage.” Sabi sakin ni Doc.

Ano? Apologize? Kanino? Nakatingin sakin ang mga classmate ko. Hindi na nila nagawang magtanong. Ay bahala ka Doc kung sino yang tinutukoy mo. Wala akong pakialam, mamaya makalimutan ko pa tong sasabihin ko.

“Good morning everyone especially to you Doc. My report is about Sympathetic Drugs. Catecholamines undergoes biosynthesis. First, active uptake of precursor amino acid tyrosine into the presynapse. Second, conversion of tyrosine to DOPA(Dihydroxyphenylalanine) by tyrosine hydroxylase. These second step is inhibited by metyrosine. Then, DOPA is converted into Dopamine by DOPA decarboxylase and inbited by carbidopa. Then rapid storage of catecholamine into presynaptic vesicle to protect it from monoamine oxidase…” I started my report hanggang matapos ang report ko. Mabuti nalang at maayos naman ang pagreport ko. Pero natapos nga at bumalik na naman ang pangugulo nung lalaki na yun sa utak ko. Ganun ba kalakas ang pag-apak ko at nafractured siya? Parang di kapani-paniwala naman. Siguro bading yun, ang OA niya.

“Miss Andrade?”

“Yes, Doc?”

“Come with me sa clinic kasi may atraso ka daw sa pasyente kong yun. Siguro naman, di na natin to gustong umabot sa Dean?” He told me in a cold voice.

Yumuko ako at tumango kay Doc. Kasi naman, bakit pa ba palakihin ang ganitong issue.

Pwede niya naman akong kausapin pagkatapos ng klase ko. Hay nako naman. Sino ba siya? Anak ba siya ng president ng university?

Para masagot lahat ng tanong ko sumunod nalang ako kay Doc Dave na pababa na sa clinic. Pumasok na si Doc sa clinic at sinilip ko muna ang pintuan to make sure nga siya nga yung pasyente ni Doc.

I went froze to realize that it is really the guy I bumped in.

Para yatang nagutom ako sa kaba. Di pa pala ako kumain.

Grabe naman to, sana naman tinanong muna ako ni Doc kung kumain na ako or hindi pa. Maaalog na yata ang utak ko nito.

“Miss Andrade? Pumasok ka nga dito.” Tawag sakin ni Doc.

“Opo Doc.” At pumasok na ako.

“Wooaahh! Siya ang umapak sakin, Doc.” Turo sakin nung lalaki na nakahiga sa hospital bed na merong bandage ang paa?

“Hindi ko naman sinadya yun ah. At maraming tao dun, syempre hindi mo na talaga mamamalayan ang dinadaan mo kung sahig pa ba yun o paa na ng tao. Ilang sorry ba ang kailangan mo?” I defended myself ‘coz it seems that Doc Dave will defend him.

Nakakagago lang kasi di naman yun malaking issue eh, pinapalaki lang ng mokong na to. Apakan ko kaya ulit to. Kaiinis ang kababawan ng unggoy na to!

“Hindi mo nga sinadya pero tingnan mo oh, nafractured ang paa ko at absent po ako sa isang subject ko dahil sa kagagawan mo. Alam mo kung gaano ka importante sakin ang makapasok sa subject na yun? Malamang hindi mo alam, kasi ang alam mo lang ay isipin yang sarili mo kahit na nakasakit ka na sa iba.” Pasigaw niyang sabi sakin. Grabe na to. Parang gusto ko ng tawagin ang Gabriella para ipaglaban ang karapatan ko.

“Pathetic.” Pabulong niyang sabi.

“Sorry nga diba? Kung di mo matanggap ang sorry ko, bahala ka. Doc Dave wanted me to come here to apologize to you and it seems that you can’t accept my sorry, so I better get going. This conversation can’t do well to my life. And by the way, you’re not allowed to call names to me ‘coz I have my real name, and you can ask for my birth certificate. Doc, alis na po ako. Alagaan niyo nalang mabuti yang pasyente niyo.” Pataray na saad ko sa kanya at tiningnan habang nakahiga sa bed at si Doc Dave na nakatingin lang rin sa akin. Tumalikod na ako para umalis ngunit tinawag ako ni Doc.

“Okay guys. I think you two are acting childish for this matter. We can talk this out for it to be settled. So, are you friends?” Doc Dave asked.

“NO!” We shout in chorus. And we looked at each other.

“Okay. Enemies then?” Doc Dave continues to ask with arching eyebrows.

“Doc, we rarely know each other. Ni minsan po di ko po siya nakita dito sa campus. Ngayong araw lang po na ito.” Sagot ko kay Doc.

“Tama siya Doc. Talaga namang may first impression na po ang pagkikita namin.” Pagtataray ng mokong.

“Okay. Pano ba natin aayusin to? Ikaw Joyce, sa tingin mo enough na ang sorry mo?”

“Tingin ko po. Hindi ko naman po kasi sinadya yung nangyari eh.” Sagot ko naman.

“Ikaw? Hindi mo talaga matatanggap ang sorry ni Joyce?” Tanong ni Doc sa lalaking walang pangalan na nakatingin rin kay Doc mula sa bed.

“Siguro po. Since nangyari na to, hintayin niya nalang na tanggapin ko ang sorry niya kung makakalakad na po ako ng maayos.” Tiningnan ako ng mokong at saka tiningnan uli si Doc.

“So, may plano ka bang isumbong pa to sa Dean?” Tanong sa kanya ni Doc.

“Hindi na po. Sabi niyo nga po childish na to, and to inform the Dean maybe it’s too childish to do that.” Buti alam mo, bulong ko sa sarili ko.

“So, Joyce ikaw na ang bahala sa lalaking ito para naman mapatawad ka na niya.”

“Ano? Ako po?!” Ano ako? Caregiver? Pharmacy po ang inaaral ko. Tiningnan ako ng mokong na mukhang natutuwa pa sa sinabi ni Doc.

“Bakit? Di mo pa ba narealize ang nagawa mong pahamak sakin?”

“Bakit ko naman yun marerealize? Eh hindi yata tama na may gagawin ako for your comfort dahil lang sa kasalanan kong kasing liit ng utak mo.”

“Excuse me, Miss ha. Hindi ako nakapasok sa klase ko dahil dito at hindi rin ako makakalakad ng maayos dahil dito. Hindi pa ba sapat yun para maealize mong mali ka? Tama si Doc, ikaw ang bahala sa akin hanggang sa makalakad ako ng maayos.” Seryosong sabi niya.

 A/N: Salamat po sa bumasa ng Prologue. :D

Meet Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon