Chapter 3

35 0 0
                                    

Chapter 3

Joyce POV

“Sige, bro. Kita nalang tayo bukas sa ARCH 301. Salamat ha.” Narinig kong may kausap si unggoy sa cellphone bago ako bumaba ng tuluyan sa hagdan.

Nang tumingin siya sa hagdan nakita niya akong pababa na.

“Sige bro. Bye.” Binaba niya ang phone niya at inilagay sa kanyang bulsa.

“Alis na tayo?” tanong ko sa kanya. And he shrugged.

“Bakit? May pupuntahan ka pa ba?” tinanong ko siya uli.

“Wala naman. Wala ka bang ibang tanong sakin?” I frowned to him.

“Wala?” Nagtatakang sagot ko sa kanya. Talaga kayang member ng fraternity tong tao na to?

“Ah… Meron pala… Member ka ng fraternity?”

“Ha? Hindi ah. Wala akong hilig na sumali dun no at ano namang mapapala ko dun?” nakahinga naman ako ng malalim dun.

Natatakot lang talaga ako sa mga fraternity na yun at mga gangsters.

Buti nalang hindi to nabibilang sa ganun. Ahm, teka hindi ko pa yata kilala ang pangalan ng unggoy na to.

“Wala naman. Teka lang, ano nga uli ang pangalan mo?  Parang wala ka talagang planong magpakilala kaya ayan napagkamalan ka nalang tuloy ng kung ano-ano.” Sabi ko sa kanya.

“Di mo rin pala tiningnan ang MOA natin no.”

“Hindi na. Tinago ko na yun, ibibigay ko yun mamaya kay ate para kung may mangyari man sakin, ikaw yung hahanapin niya.”

“Wow. Mabuti naman at alam ko na ang plano mo. Pathetic talaga.” He smirked.

“Ikaw ha! Nakailang pathetic ka na sakin. Nakakinis ka ng unggoy ka.” Sumbat ko sa kanya.

“Unggoy?” Tinuro niya ang sarili niya.

“Oo. Di ko nga alam ang pangalan mo. Mas mabuti na yun kaysa sa tawagin kita sa malalaswang pangalan. Magpakilala kana dali, anong oras na oh. Ihahatid pa kita. Ano ba to.” Reklamo kong sagot sa kanya.

“Okay.” Umayos siya ng tayo.

“Hi. I’m Christian Jay Montecillo. Ikaw?” at inilahad ang kamay niya. Hmmm.

In fairness naman kay unggoy may pagka-gentleman rin naman.

“Ahemm. I’m Joyce Andrade.” At tinanggap ko naman ang kamay niya.

“Uuuuuyyyyy! Joyce, yan ba ang tinutukoy ni Doc kanina? Joyce ha.” Narinig kong kantyaw ni Kyla sakin at nakikitawa rin ang ibang classmates namin.

Agad ko naman binawi ang kamay ko. OMG, bakit ko siya hinawakan?

Joyce, tanga ka na ba? Kinuha ko ang hand sanitizer ko at sinagot si Kyla.

“Oo, siya. Tumahimik nga kayo dyan.” Inirapan ko sila Kyla.

“Joyce, kwentohan mo ako ha.” Patuloy pa rin ni Kyla.

“Tayo na nga unggoy. Pinapahamak mo ang moralidad ko dito.” Hinawakan ko ang bag niya at kinaladkad na siya para umuwi na at iniwan si Kyla na tsismosa.

“Teka lang, Joyce. Di ako makalakad ng maayos oh, ang sakit pa sa paa… Unggoy na naman ang tawag mo sakin? Kala ko ba na-introduce ko na ang name ko sayo. And I remember that you hate calling in names, ba’t ikaw ang gumagawa niyan ngayon?” sabi niya habang nakahinto sa paglakad.

“Sorry naman. Ang haba kasi ng name mo. Tayo na nga.”

“CJ nalang itawag mo sakin. Mas gwapo pa kaya ako sa unggoy.”

Meet Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon