Chapter 7

54 0 0
                                    

Chapter 7

CJ’s POV

Christine Joyce? Siya kaya si Tin? Joyce’s story was like the story of Tin.

Are they the same person? Is this the reason why I feel something strange about Joyce?

Oh, God. Napapikit ako sa maaring sagot sa tanong ko. Bakit nangyayari to? Why do I have to meet her again?

“Son? Are you okay?” tanong sakin ni Mommy na nagtungo sa inuupuan ko.

Andito ako ngayon sa terrace para magpahangin.

Matapos naming ihatid si Joyce, naligo agad ako at dumiritso agad ako dito to sort things out.

“Yes, Mom.” Sagot ko kay Mommy habang nakatingin sa kawalan.

“Alam mo, Joyce is such an amazing girl, anak. She seems to be jolly girl pero may dinidibdib rin pala. Siya na yata ang nakapasa sa standards ko para sa’yo anak.” She smiled at me while seating in the chair opposite to mine. Mommy talaga, parang kilala na niya si Joyce eh.

“Mom, I think I already did know her. But I’m not really sure about it. And I want to know her better.” I just said.

“Supportado kita anak. Gwapo ka, maganda siya. Bagay kayong dalawa. Pero tandaan mo anak, wala na siyang Daddy hindi maaring paglaruan lang ang katulad niya.”

“Mommy, I won’t do that. I have all the respect for girls. And I’m not like the other guys who tamed every girl in town just to satisfy their needs and damp afterwards.”

“Pero you need to tame Joyce to get her heart, darling. Magkaka-girlfriend ka na din.” Natatawang sabi ni Mommy.

“Mommy, one step at a time. Matutulog na po ako Mommy, kayo din.” Bumuntong hining ako at tumayo na ako para halikan siya at dumiretso na sa kwarto ko.

I need to sleep. That was too much for a day.

(the dream)

Masaya kaming naglalaro ng mga saranggola namin habang nagtatakbuhan.

Sumama ulit sakin si Tin kasi nag-surfing daw ang Daddy niya kasama ng Daddy ko at iba pa rito sa resort.

“Joyce! Joyce! Joyce!!!” may narinig kaming tumatawag ng pangalan.

“Mommy?” huminto si Tin sa pagtakbo at tinapon ang lubid at agad tumakbo sa pinanggalingan ng tinig na narinig namin. Agad ko naman siyang sinundan.

“Bakit ka umiiyak, Mommy?” tanong ni Tin sa Mommy niya na lumuhod para yakapin siya.

“Nasaan si Daddy, ‘mmy? Nag-away ba kayo? Diba di pa siya nakabalik galing mag-surfing?” lalong humagulhul sa iyak ang Mommy niya.

“Mommy, bakit ba kayo umiiyak?”

“Joyce, ang Daddy…” nakayukong humarap ito ky Tin habang hawak ang kamay niya.

“Si Daddy po? Nasan siya? Nasaktan ba siya? Halika na Mommy, dalhin natin siya sa hospital! Mommy!” pumipiglas si Tin para puntahan ang Daddy niya.

Kumalas naman ang Mommy niya at tumakbo si Tin para hanapin ang Daddy niya.

“Joyce! Wala na si Daddy!” sigaw ng Mommy niya kay Tin na nakalayo na.

Tumigil si Tin sa pagtakbo ng marinig ang sinabi ng Mommy niya.

“Ano? Nasan si Daddy, ‘my? Hindi ako naniniwala sa’yo Mommy.” Umiiyak na sabi ni Tin.

Agad naman siyang nilapitan ng Mommy niya at may binulong na hindi ko narinig at lalong nagpahagulhol kay Tin.

Inakay siya ng Mommy niya papalayo, at ang tanging nagawa ko lang ay sundan sila. Nakita kong dumiretso sila sa clinic ng resort.

Meet Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon