Chapter 2
Joyce POV
“Hoy! Hintayin mo nga ako.” Tawag sakin ng unggoy.
Nauna akong maglakad sa kanya palabas ng clinic dahil di ko naman gustong akayin siya kung saan niya gustong pumunta.
Duh! To touch him is the very least thing I can do, over my dead sexy body.
Binalingan ko siya at tiningnan, maka-hoy naman tong unggoy na to kala mo kung sino siya.
“Ano na naman ba?” nakataas ang kilay kong nakatingin sa kanya habang umiika-ika sa paglakad at dala ang kanyang backpack.
“Di mo man lang ba ako tutulungan?” tanong niya.
“What? Anong gusto mong mangyari, mahal na hari? Nakakalakad ka naman ah. Nasobrahan ka lang yata sa ka-OA-han mo.” Sagot ko sa kanya na naiinis.
“Wow! OA? Ganyan ba makitungo ang mga pharmacy students sa pasyente nila?” tanong uli niya na nakalapit na sa akin.
“Excuse me, you’re not my patient. Pasyente ka po ni Doc Dave.”
“Oo nga no? Pero ikaw na daw ang bahala sa akin, eh di pasyente mo na rin ako.” Giit pa rin ng unggoy.
“Ewan ko sa’yo!” tinalikuran ko na siya at dali-daling pumunta sa cafeteria para kumain.
Tiningnan ko ang relo ko, it’s 11 am na pala. Gutom na ako. Uunahin ko na muna tong tyan ko kaysa sa unggoy na yan.
“Ate, isang serve po ng kanin at isa din po ng adobong manok.” Order ko sa ateng nagseserve.
“Akin din po ate! Pareha lang sa kanya.” Order din ng lalaking nasa likod ko na parang alam ko na kung sino. Nako naman talaga.
“What? Ano’ng tinitingin mo dyan?” seryosong tanong niya.
“Nananadya ka ba? Gaya-gaya puto-maya ka ah.” Naiinis kong saad sa kanya.
“Heto na po. 30 pesos lang lahat.” Sabi sakin ng ate.
“Ito po. Salamat, ate.” Inabot ko sa kanya ang pera ko.
Mabuti nalang umabot pa ng 30 pesos. Dahil naiwan ko ang wallet ko sa bag ko.
Kinuha ko na ang tray at naghanap ng mesa. Nang makakita ako ng mesa ay kumain ako agad. Lord, sana di sasakit ang tyan ko nito.
“Can I sit?” tiningnan ko ang nagsalita. At ang mokong na naman.
“Okay lang. It’s school property, everyone can use the chairs and tables.” Sabi ko sa kanya habang ngumunguya.
“Don’t talk when your mouth is full.” Sabi niya at nilantakan na rin ang pagkain niya.
“Can you help me out in my situation? You see, I can’t walk properly and I have my bike outside and it seems that I can’t use it until I recover from this.” Tiningnan niya ako.
“What do you mean? I don’t know how to drive that bicycle unless if you want me to get sprained like you.” Gusto niya bang imaneho ko ang bike niya?
Sige nga, mabangga nga yang bike niya sa pader at para tigilan na niya ako.
“Well, if that’s the case. Can you help me carry my bike papunta sa bahay?” tanong niya habang nakatingin sa pagkain.
“Busy kasi akong tao. Tingnan ko kung maisingit ko pa yan sa schedule ko.”
Kala mo ha. Help me out mo mukha mo. Baka kung ano pang gagawin mo sa akin habang naglalakad ako, o di kaya may fraternity ka at pinaplano mo lang to para isalvage ako at hihingi ng ransom.
Kawawa naman si Mommy kung ganun, kaya walang hatid na magaganap mamaya. Sabi ng utak ko.
“Kahit yun nalang ang tulong na magagawa mo, di mo pa magawa? Wala ka namang awa, Miss. Pinahamak mo na nga ang tao tapos di mo pa magawang tulungan. Pambihira naman oh. Ang bait mo, alam mo ba yun? Nag-uumapaw na kabaitan kaso nga lang may butas, ayan tumagas.” Naiinis na sabi niya sakin at dinurog ang pagkain niya.
“Hindi ka naman nakakaawa, ano po. Nakikita ko namang kaya mong maglakad ng maayos.”
“Okay. Samahan mo nalang ako sa Dean para matapos na tong pag-uusap natin.”
“Ano?”
“Samahan mo ako sa Dean.” Agad siyang tumayo, ubos na pala ang pagkain niya. At tinalikuran niya na ako. Dean?! No way!
“Teka!” Habol ko sa kanya. Buti nalang di siya mabilis maglakad.
Binalingan niya ako. “Ano? Punta na tayo sa Dean, wala akong pakialam kung sabihin rin ng Dean niyo na childish ako. Perwesyo na ang dulot mo sakin.”
“Okay. We can talk this out. Akin na nga yang bag mo.” Kinuha ko ang bag niya.
“Upo muna tayo dun. Pag-usapan muna natin, wag mo ng idamay si Dean.” Sabi ko sa kanya, para kasing seryoso siya na kausapin si Dean.
“Sabihin mo, takot kalang. Kunwari ka pa. Ikaw yata ang OA satin eh.” Sabi niya habang pabalik sa upuan.
“Sana naman po, maintindihan ninyo na di ko kayo kilala and I’m oblige for my own safety. Kaya di mo rin po ako masisisi. You’re a stranger to me, and me to you. Mahirap ng magtiwala agad-agad sa panahon ngayon.” Tiningnan ko siya na parang natatawa sa sinabi ko.
“Hahahaha. Hindi po ako interesado sa’yo, Miss. Rest assured that you’re safe with me.” Huh?
“With you? Anyways, may ballpen at papel ka ba dito sa bag mo?” inabot ko sa kanya ang bag niya para kunin niya yun.
“Yup. Why?” tanong niya habang hinahalungkat ang bag niya at kinuha ang ballpen at papel.
“Akin na.” Kinuha ko yun sa kanya at sinulat ko ang agreement dun.
‘I, ________ promise to keep Joyce’s safety and to do no harm to her as she help me in my situation. Her parents can call me if anything will happened to her and willingly to surrender myself to admit the mistake that I may done. ’
Date: November 10, 2014
Sign:
‘I, Joyce accepted the offer of Doc Dave to help his patient to recover from injury that I’ve done.’
Date: November 10, 2014
Sign:
“Yan. Pakilagay nalang ng name mo dyan sa blank at sign ka nalang dyan at tutulungan na kita sa bike mo. Hintayin mo nalang ako ‘til matapos ang klase ko, maybe around 4pm tapos na yun.” Inabot ko sa kanya ang papel at pinirmahan niya naman yun at binalik sakin.
At tinago ko nalang sa bulsa ko ang papel.
“I’ll wait in the first floor, then. Tara.” Tumayo siya at binigay sakin ang bag niya.
“Hindi mo ako slave ha. Reyna kaya ako sa bahay.” Sabi ko sa kanya.
“Tulong lang naman ang hinihingi ko sa’yo, it won’t go further beyond that. After I recover, then you can stop helping me. Thanks by the way, it will lessen my burden. Sana naman may natutunan ka rin sa nangyari.” Nakangiting saad niya sakin. Hala! Hindi pwede, bakit gumwapo siya? Hoy Joyce, mali yang iniisip mo, parang awa mo na.
“Ewan. Wag mo na akong pangaralan, di mo rin magugustuhan ang sagot ko.” Naglakad na kami patungo sa department namin. Sana naman makarecover na siya agad-agad.
A/N: update agad-agad. :D
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Stranger
RomanceWe don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. Dadaan ka lang kaya sa buhay ko? O meron ka talagang rason bakit kita nakita uli? What if you were part of the tragedy that I don't want to remember at all? What if yo...