Chapter 9
CJ’s POV
“Hello, Joyce? Bakit ka napatawag?” tanong ko kay Joyce. Himala naman yata tong tumawag sakin.
‘Hello, CJ. Pwede bang humingi ng favor?’
“Bakit? Ano yun?” nakangiti kong saad sa kanya.
‘Ano kasi, naiwan ko ang experiment notebook ko sa bahay. Kailangan pala namin mamayang hapon. Di rin kasi ako maka-alis dito kasi nandito ako sa laboratory, nagmo-moving exam kami.’ Sabi niya.
“Sige-sige. Buti nalang katatapos lang ng klase ko ngayon.”
‘Salamat ha, hindi kasi ako makalabas eh. Tinawagan ko na rin si Ate, baka hinanap niya na yun. Nasa kwarto ko lang yun eh.’
“Sige, puntahan ko na.”
“Salamat ha, ilista mo nalang uli ha.”
“Sige, sabi mo eh. Bye.” Agad ko naman binaba ang fone ko at nagmamadaling lumabas dito sa Archeticture building.
Siguro nagmamadali kaya nakalimutan na niya. Pabor naman sakin ang paghingi niya ng tulong.
Tumakbo ako patungo sa parking lot kung saan ko naipark ang bike ko.
Agad akong nagtungo sa bahay nina Joyce. Nagdoor bell muna ako pagkarating ko.
“CJ, pasok ka muna. Hinahanap ko pa kasi ang notebook nay un ni Joyce, wala kasi sa kwarto niya eh.” Bungad sakin ni Ate Trish.
“Tulungan ko na po kayo sa paghahanap para makita natin agad.” Sabi ko kay Ate Trish.
“Mabuti pa nga. Hali ka, hanapin natin uli sa kwarto ni Joyce.” Agad naman akong sumunod sa kanya paakyat sa room ni Joyce.
“Hanapin mo diyan sa study table niya, CJ. Di ko nakita dyan eh, check mo nalang uli ha. Puntahan ko lang ang library niya baka naiwan niya dun.”
“Sige Ate.” Lumbas si Ate Trish sa kwarto at naiwan ako.
Inilibot ko muna ang paningin sa kwarto niya.
Ang linis rin naman pala ng kwarto ni Joyce. Marami nga lang nakapaskil sa wall ng room niya.
Agad namang nakuha ng attention ko ang isang bond paper na nakasulat ang 10 Major things to do before I die.
Hindi ko nagawang basahin kaya kinuha ko ang phone ko para picture-an nalang yun.
At lumapit sa study table niya at hinanap ang notebook na yun.
Habang hinahanap ko naman yun, napansin ko ang maliit na frame.
Tama ngang si Joyce ang Tin na nakilala ko noon. Kasama niya sa picture ang Daddy at Mommy niya.
“CJ, nandito na pala oh. Pakibigay nalang kay Joyce ha.” Binigay niy sakin ang notebook ni Joyce.
“Si..Sige po Ate. Bababa nap o ako para maihabol ko to sa kanya.” Sabi ko.
“Sige, CJ. Salamat.”
At agad ko naman tinakbo ang bike ko, at nagtungo na sa school.
Tumakbo agad ako papasok sa school at papunta sa Department nina Joyce.
Ngayong nalaman ko na kung sino ka Joyce, hindi na ulit kita hahayaang mawala pa sa akin. Sana, napatawad mo na ang nangyari sa nakaraan.
Sana sa pagkikita nating muli, makapagsimula tayo ng masayang ala-ala. Hindi ko na hahayaang maging malungkot ka dahil sa nangyari noon.
Sana hindi pa huli ang pagkikita nating ito.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Stranger
RomanceWe don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. Dadaan ka lang kaya sa buhay ko? O meron ka talagang rason bakit kita nakita uli? What if you were part of the tragedy that I don't want to remember at all? What if yo...