Chapter 8
Joyce’s POV
“Ate Trish, alis na po ako!” Tawag ko kay Ate na may ginagawa sa kusina.
Umalis kasi si Manang Tiray para mamalingke at kasama rin si Manong Art kaya magko-commute ako ngayon papunta sa school.
It’s been weeks na hindi nagpaparamdam si CJ simula ng gabing yun. Akala ko ba he’ll do everything to make me say yes, mga lalaki nga naman. Mabuti nalang talaga hindi ako umasa sa unggoy nay un.
Kinuha ko na ang bag at libro ko at agad ng lumabas ng bahay para mag-abang ng taxi or jeep papunta sa school.
Pagbukas ko ng gate nakita ko na merong sasakyan sa harap ng gate namin, kaya tinawag ko si Ate Trish sa loob baka bisita niya to.
“Ate! Labas po muna kayo sandali.” Tawag ko sa kanya. At agad naman siyang niluwa ng pintuan.
“Bakit Joyce?” tanong ni ate sakin paglabas niya.
“May sasakyan oh, at sa tapat pa talaga ng bahay natin nag-park. Mabuti nalang wala pa rito si Manong Art. Baka bisita mo Ate.” Sabi ko sa kanya.
Nagulat naman kami ng may lumabas sa kotse na lalaki at nakashades pa.
Ang aga yata ng manliligaw ni Ate ah.
“Ayan na Joyce, wala kaya akong inaasahang bisita ngayon. Ang gwapo naman niya para maging bisita ko. Siguro naligaw lang yan, di pa bukas ang shop eh.” Bulong ni Ate Trish na nakatingin sa lalaking lumabas sa kotse.
Nakakunot naman ang noo ko dahil papalapit samin ang lalaki. Para yatang bilib na bilib sa tindig nito ang lalaking to ah. Nang makalapit siya sa gate namin, ay agad naman niyang kinuha ang shades niya at nilagay sa dibdib ng polo niya. At ngumiti habang sinilip kami sa loob ng bukas naming gate.
Si CJ?
“Joyce, hindi yata akin ang bisita na yan. Kausapin mo na, at malilate ka na sa school. Babush!” agad namang umalis si Ate.
“CJ?” gulat kong tanong sa kanya. Hindi ko siya nakilala dun ah.
“Hi, Joyce. Mukha yatang nakakita ka ng multo? Miss me?” sabi niya. May sayad talaga to.
“Baliw!” Agad naman akong lumabas sa gate at nilagpasan siya, naglakad ako palayo sa kanya para mag-abang ng taxi.
“Hey, may pasok ka ba ngayon?” sumunod siya sakin.
“Malamang! Hindi naman linggo ngayon.” Sagot ko sa kanya na tinitingnan ang mga sasakyan sa daan.
“Sa school rin ang punta ko eh.” Sabi niya na nakapamulsa sa tabi ko.
“Bakit ka nandito? Sa school naman pala ang punta mo. Nagbago na ba ang mapa mo, CJ?” hinarap ko siya na nakakunot ang noo.
“Ito naman, ang sungit ah. Maaga pa para sa ganyan, Joyce.” Inayos niya ang nakakunot kong noo at pinihit ang labi ko para mag-smile.
“Yan, yan dapat ang mood mo tuwing umaga lalo na kung kaharap mo ang gwapong katulad ko.” Nakangiting sabi niya.
Ay ang puti na ngipin, hygienic rin pala tong unggoy na to.
“Ang kapal ha.” Inirapan ko siya at tinawag ang taxi para maka-alis na.
Huminto naman ang isang taxi sa harapan namin at binuksan ko ang pinto ng passenger seat. Nagulat ako kasi hinila ako ni CJ na hawak ang kamay ko, at pinasok ang ulo niya sa loob. Anong ginagawa niya?
“Manong, pasensya na po pero di po sasakay ang girlfriend ko sa taxi niyo. Nagtatampo lang kasi sakin, Manong.” Narinig kong sabi niya.
Ano? Girlfriend? Ang kapal!!!

BINABASA MO ANG
Meet Mr. Stranger
RomanceWe don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. Dadaan ka lang kaya sa buhay ko? O meron ka talagang rason bakit kita nakita uli? What if you were part of the tragedy that I don't want to remember at all? What if yo...