Prologue
We don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason.
Krriiiinggggg!!!! Kkkrrriiinggg!!!
“Joyce!!! Gising na! Nag-alarm clock nga di naman gigising. Male-late ka na sa school.”
“5 minutes nalang po.”
“Sige ka, hindi ka na ihahatid na Manong Art sa school niyan.”
“Magko-commute nalang po ako, Ate. Pagpahingahin muna natin si Manong, 9 AM pa po ang klase ko ngayong umaga. Ang aga niyo naman po akong ginising.” Nakapikit pa ring sagot ko.
“Hoy, bata ka. Anong aga ka jan? Tingnan mo nga yang alarm clock mo, 8 AM na po mahal na reyna. At sabi mo po kagabi meron ka pang report ngayon, kaya gumising ka na jan at maligo para di ka na mahuli sa school. Nako.”
Agad kong tiningnan ang alarm clock ko, OMG! Totoo ngang 8AM na.
Dali-dali naman akong pumunta sa CR at nagshower at 5 minutes palang natapos ko na ang pagligo ko at nagbihis habang nililigpit ni Ate Trish ang kama ko.
Si Ate Trish at Manang Tiray lang ang kasama ko sa bahay at si Manong Art naman ay ang driver namin pero hindi siya stay-in kasi may pamilya na siya. Pumayag naman si Mommy na uwian lang sya basta gawin niya ng maayos ang trabaho niya.
At tinupad naman yun ni Manong Art. Si Mommy nasa Canada para magtrabaho bilang isang nurse.
“Ate at Manang, alis na po ako. Sa school nalang po ako kakain, super late na kasi ako. Salamat Ate sa paggising.” Ngumiti ako kay Ate Trish, and she smiled back.
“Sige, anak. Mag-ingat ka ha. Oh, Art mag-ingat sa daan ha.” Paalala ni Manang Tiray kay Manong Art.
“Opo! Tara na, Joyce, Kompleto na ba lahat ng dadalhin mo?” Tanong ni Manong Art.
“Opo, Manong.”
Umalis na kami papuntang school. At dahil hindi naman masyadong ma-traffic ang lugar namin, tama lang ang oras na nakarating ako sa school. I swiped my ID pagkapasok ko sa gate, at dali-dali akong naglakad papunta ng Pharmacy Department.
At dahil dadaan pa ako ng Tourism Department, kailangan kong makisabay sa dami ng mga students dun.
“Excuse me po.” Habang nagmamadali akong naglalakad. Takbo at lakad na ang ginawa ko, 8:45 na nung tingnan ko ang relo ko.
“Shit!” Narinig kong sigaw ng lalaki sa tabi ko na feeling ko na-apakan ko ang paa.
“Sorry po, nagmamadali po kasi ako.” Takbong sagot ko.
“Hoy! Babae! Hintayin mo ako! Lagot ka sakin.” Pagbabanta ng lalaking yun sakin.
Hindi ko nalang sya inintindi at nagpatuloy sa pagtakbo.
At dahil nasa fourth floor pa ang department namin nadaanan ko ang mini hospital at clinic, sumilip muna ako dun para tingnan kung nandoon na ba si Doc.
At ng masilip ko na, nakahinga ako ng maluwag kasi wala pa sya. At tumakbo naman ako paakyat sa hagdan at narinig kong may tumawag sakin.
“Hoy! Babaeng Naka-Pharmacy uniform!” Sigaw nung lalaki.
Nako po! Binilisan ko nalang ang pagtakbo, at sigurado naman akong hindi niya ako maabutan kasi di yan makalakad ng maayos.
Nakarating na ako sa room namin at mabuti nalang wala pa si Doc.
Bakit ba napakahirap ng Pharmacology na to. Sana ma-explain ko ng maayos to.
Tumingin ako sa labas ng room namin para tingnan ang lalaking naapakan ko kanina.
Nakahinga ako ng maluwag dahil wala ng may nakasunod sa akin.
Binasa ko ang hard copy ng report ko. Para i-review lang ang irereport ko mamaya.
“Joyce!” Narinig kong tawag ng classmate ko sa labas.
“Bakit?” Nagtatakang tanong k okay Carla na papalapit sa akin.
“May nagpaabot nito oh. Bigay ko daw sa babaeng naka-uniform dito sa room na to. Bakit ka ba naka-uniform? Tuesday kaya ngayon, wash day natin diba.” Binigay ni Carla ang papel sa akin.
“Mag-rereport kasi ako, Carla. Ano ba to?” Binuksan ko ang papel.
‘Hoy Miss. Ang sakit ng paa ko ha. So pathetic!’
Wow! Inabala niya pa talaga ang sarili niya sa pagsulat ha.
Parang gusto na yata ng mga red blood cells ko na umakyat sa ulo ko.
Nag-sorry na nga ako eh. Kainis! May araw ka rin Mr. Pathetic.
“Guys, male-late daw si Doc kasi merong patient sa clinic. Aasikasuhin muna daw niya. Joyce at Kyla, prepare niyo nalang daw yung report ninyo mamaya.” Pag-iinform ni Sheena sa amin.
Clinic? Tama ba ang kutob ko? Baka yung lalaking yun ang pumunta ng clinic?
Ganoon kalakas ang pag-apak ko sa kanya? Parang OA naman, mahina lang talaga yung pagka-apak ko. Sure talaga ako dun. Hindi siguro siya yun.
Hindi ako makokonsesya sa kanya, nagsorry ako. Bahala siya. Sinabihan na niya ako na pathetic? The nerve of that guy!
Hindi talaga siya ang nasa clinic kasi inabot niya pa nga ang sulat meaning, nakarating pa siya rito sa floor namin.
Talagang hindi siya yun. Bakit ko ba siya iniisip? B
abasahin ko nalang uli ang report ko at yun nalang inisip ko kaysa sa lalaking yun.
A/N: First time kong magsulat.
BINABASA MO ANG
Meet Mr. Stranger
RomanceWe don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. Dadaan ka lang kaya sa buhay ko? O meron ka talagang rason bakit kita nakita uli? What if you were part of the tragedy that I don't want to remember at all? What if yo...