Part 3

1 0 0
                                    


Five days have passed... yes. 

Five days na ang nakalipas mula nang sabihin sa akin ni Joshua na ikakasal na pala siya! Airene have already comforted me, also my other friends, my brother, and specially my parents, salamat sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila, malamang hindi ako magiging ok ngayon. Haist.. Siyempre, limang araw na ang nakalipas... bukas na ang kasal niya. Oo, ang kasal niya talaga. Bukas na ang kasal ng taong minahal ko ng halos buong buhay ko.

Naiiyak na naman ako, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya. Wag niyo na ako tanungin kung bakit dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. Hay nako, makapag handa na nga lang. Yes, maghahanda na ako para sa kasal niya. Noong mga nakaraang araw kasi na pinaglamayan ko - este.. pagkatapos kong makapagdrama about sa pagiging heartbroken ng puso ko... oo yung puso ko talaga, kaya nga heartbroken di ba, kasi puso yung nasaktan, alangan namang yung lungs ko di ba?

Anyway, back to the topic... Ire-ready ko na nga yung susuotin ko bukas, kasi napagdesisyonan ko nga na dumalo sa kasal ng best friend ko. Gusto ko naman na andun ako sa isa sa mga pinakamahalagang araw ng buhay niya, at para kahit papaano ay hindi na niya maisip na malungkot pa ako about dun sa feelings ko na nabaliwala dahil sa kanya. Ang huling kita kasi naming ay noong iniabot niya sa akin yung invitation para sa kasal nila. Kakagaling ko lang sa iyak noon at pugto pa ang mga mata ko. Nagulat pa nga ako nang siya yung makita ko sa labas ng bahay namin, eh. Bigla ko tuloy naisara ang pinto dahil nakakahiya naman sa kanya kung ako pa yung kakausap sa kanya noon di ba? Lalo na at hindi pa ako mukhang tao nung mga oras na iyon, kaya tinawag ko na lang si mommy para siya na yung kumausap sa kanya. Haist... life...

Pagkatapos kong maghanda ng mga gagamitin at susuotin ko para bukas, natulog na ako. Need ko ng beauty rest no! Para makita niya kung ano ang sinyang niya. Hahahaha joke lang!

.

.

Kinabukasan, handa na ang lahat. Ready na ang mga friends ko, nakabihis na sila, fresh na... pero ako hindi pa. Kakaligo ko pa lang, naka - bathrobe pa lang ako. 2hrs pa naman bago ang kasal ah... mga atat talaga tong mga 'to.

" Hoy babae, magbihis - bihis ka na at nang makapunta na tayo sa hotel ni Jane, " sabi ni Airene. Si Jane nga pala yung napaka - swerteng babae na nakakuha ng puso ng best friend ko, siya yung babaeng papakasalan ni Joshua. Ang swerte niya talaga. Hmph! Forget about that, I will see my forever partner sooner or later.

" Eto na po, " sagot ko na lang at nag ayos na.

.

.

.

.

Nakarating kami sa church pagkatapos naming mabisita ang napakagandang bride ni Joshua. Kahit nangayon ko lang siya nakilala, ramdam ko na isa naman siyang maayos na babae, yung kagalang - galang at tingin ko mabait naman siya, at tingin ko rin na hindi naman niya sasaktan ang best friend ko. Magiging masaya na lang ako para sa kanila, tsaka yung pag-iyak ko noong pumunta si Joshua sa bahay para ibigay yung invitation sa amin, napagdesisyunan ko na noon na mag move on na sa kanya.

.

.

Nagsimula na ang kasal. Siyempre, dahil isa kami sa abay ni Airene, solo kaming dalawa nanaglakadng isle papunta sa dapat naming upuan. Nginitian ko pa noon si Joshua para malaman niyang okay na ako, na unti unti na akong nakaka - move on sa pagiging heartbroken ko. Bigla siyang nagsalita, wala namang boses kundi galaw lang ng bibig niya na nagbibigkas ng ' Thank You, Acel ' and he smiled back at me, and just like that, okay na kami. Maraming abay, marami kasi silang mga kaibigan, friendly si Jane, at friendly rin din si Joshua, parang ako lang hahaha. Habang unti - unting naglalakad si Jane, ang bride, papalapit sa kanyang magiging asawa, nakita ko si Joshua, naiiyak na, habang naka - ngiti. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.

" Mahal niya talaga, " mahina kong sabi.

Napatingin sa akin si Airene, " May sinasabi ka? " tanong niya sa akin.

Umiling ako at ngumiti, " Sabi ko, bagay talaga silang dalawa. "

" Ang tanong, okay ka nab a? Wala na bang sakit? " concern na tanong niya sa akin.

" Sasama ba ako kung hindi pa ako nakaka move on? " napangiti at napailing na lang si Airene at ibinalik ang tingin sa ikinakasal.

.

.

.

.

Natapos ang kasalan. Bumalik kaming lahat sa hotel, at siyempre, nauna na ang kinasal, di rin naman nagtagal, sumunod kami sa venue.

Picture dito, picture doon. Kainan. Daldalan dito, daldalan doon. Picture ulit hanggang sa magsi - alisan na ang mga tao. Finally, magkaka - usap na kami ng masinsinan ng mag - asawang Reyes.

" Joshua! " tawag ko. Parehas silang napalingon sa gawi ko. Napa - ngiti si Jane.

" Ate Acel! " sabi niya. Ngumiti ako. " How come your still here? Ang alam ko naka - uwi na si Airene, ah " sabi niya habang papalapit sa akin kasama ang asawa niya.

" Nako, lagi naman iyang nagpapahuling umuwi sa aming magbabarkada, " sabi ni Joshua. Oh... how I've missed his soft and calm voice.

Napa - ngiti na lang ulit ako sa kanila, " you really know me, Joshua. "

" Of course, I do almost 21 years na tayong magbest friend, eh " pagmamalaki pa niyag sabi. Ang saya lang kasi bumalik na kami sa dati. Yung wala nang ilangan at hiyaan sa isa't - isa. " So, bakit ka nga ba andito pa? 12 na, o.. diba dati hanggang 10 ka lang? "

" Uhm, di ba kanina hindi ako nakapag speech ng bongga doon sa harap..? Gusto ko lang sabihin sa inyo na, mahalin, ingatan at alagaan ninyo ang isa't - isa sa lahat ng oras. Kung may problema, andito lang kaming mga kaibigan ninyo para tumulong sa inyong mag - asawa, lagi sana ninyong tandaan iyon, " tumango - tango sila at medyo naiiyak na ng kaunti si Jane, at siyempre ako din. Hinawakan ko parehas ang magkabila nilang kamay, " Joshua, wag mo sanang paiyakin 'tong si Jane, ha. Wag mo rin siyang sasaktan. Ikaw din Jane, wag mo din sanang sasaktan ang best friend ko kasi mahal na mahal ko 'tong mokong na'to, " tumango naman si Jane bilang pagsang - ayon sa akin. " O, pano... aalis na ako. At baka wala na akong masakyan pa " sabi ko na lang.

" Ah! Ipapahatid na kita sa kapatid ko, ate Acel, " biglang sabi ni Jane.

" Nako, wag na Jane. Makaka - istorbo pa ako dun. Salamat na lang, "

" No, I insist. Please, let us do just this small thing for you. " sabi pa niya. Hay nako, ang bait ng napang - asawa ng best friend ko.

" Ok, fine. But it's your fault if he gets angry, " maloko kong sabi.

" No, I promise he won't. so, you guys wait here and I'm gonna call him, " at umalis na nga siya. Hay nako, ito talagang si Joshua... kulang talaga sa pagiging gentleman. Tsk tsk tsk. Hindi kami nakapag - usap ni Joshua nung umalis si Jane kasi, inasikaso niya din yung venue at kung anu - ano pang gagawin doon.

Dumating si Jane, kasama ang kapatid niya. Ipinakilala niya ako dito.Lindon ang pangalan niya, 27 years old, almost 3 years lang ang tanda niya sa akin. Gwapo, gentleman, mapungay ang mata, at sa tingin ko mabait at maginoo naman, pero higit sa lahat... single siya and ready to mingle. Hahahaha.

Hindi ako na - bored sa biyahe dahil ma - kwento siya, nakakatawa, kaya ayun, naaliw ako at nagkasundo kami agad. Naka - uwi ako sa bahay at siyempre, nagkasundo nga kami agad, hiningi niya yung number ko. Mmm..! Alam na.^^ Tapos ayun, umalis na siya. Nako, nakatagpo na ata ako ng forever ko, ah! Hahaha!

Dito po kop o muna tatapusin ang storya ng buhay ko. Saka na lang siguro yung season 2... pag pinahaba pa kasi ito, hindi na siya short story... di ba? XD

Best Friend ( short story )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin