Princess Kim
"Akin na lang to ah...." sinundan ko ng titig iyong gatas na binili ni Daryl na para sana sakin. Kinuha ba naman ni Harvey....
Oo....andito silang pito, nagmovie marathon. Tahimik lang akong nakatuon sa TV pero ang mga ungas ang lilikot..nakakadistract mga bes!! Lalo na't ang popogi nilang lahaaatttt
Except kay Harvey na kinuha ang gatas ko...
"Tingin tingin mo? Gwapo ako?" Lokong to, sampalin ko kaya to?
"Ulol ka Harv, nagtataka lang iyan kung bakit di ka maputi..." natatawang sabi ni Matthew na kumakain ng chips..
"Harv..." tawag ko sa kanya.
Di nya ako sinagot at imbis ay nilagok nya iyong gatas ko
"Gago ka Harvey Lee!!!" Biglang sigaw ni Royce.
"Peste ka Royce! Nasa tabi mo lang ako!" Balik sigaw ni Harvey...
Sumasakit ang ulo ko mga bes!!! Ganito ba talaga sila pag magkasama? Di lang normal na usapan eh, SIGAWAN PA TALAGA...buti na lang nasa china sila Luke. Susko! Isa pa iyong siraulong iyon..
"Gatas iyan ni Princess, gago!" Inagaw ni Royce ang gatas sa kay Harvey..
Luh, nagmumurahan sila para lang sa gatas?
"Pangag! Puta ka!"
"Hoy hoy hoy! Sino bang kulay puta dito? Diba ikaw?"
"Aba! Ako kulay lang, ikaw amoy puta!"
"Hoy! Mga batang to, linisin nyo mga bibig nyo, masyado nang nagmumura" saway ko.. ngongo ako ngayon bes! Sinisipon ako..
Hala nagsapakan na sila! Jusko naman tong mga fetus na to....
Inaawat na silang mga iba. Hindi naman iyon seryosong sapakan, pero kailangan mo talaga silang awatin eh..
"Doon ka Royce sa tabi ni Princess, ikaw naman dito ka."
Aba gumagana ang leadership ni Matthew Lee. Di ba sya napapagod sa mga ulol na to?
Tumabi sakin si Royce, ngumiti pa sya bg pagkalapad lapad. Habang si Harvey naman nakasimangot na nakaupo sa tabi ni Matthew..
Mga bata nga naman...
"Ehem.." tumikhim si Daryl at tumabi rin sa akin...
"Nakainom ka na ba ng gamot?" Tanong nya. Nilagay pa nya ang palad nya sa noo ko..
Dude...
Sinipon lang ako..
Wala akong lagnat..
"Di naman ako nilagnat Royce." Natatawang sabi ko..
Natawa na rin sya at kinamot nya ang ulo nya.. may kuto ba sya?
"Ehem." Galing ulit kay Daryl..
"Tayo raw ang kakanta sa foundation day, practice tayo pag gumaling ka na" nakangising sabi ni Royce..
Ang lapad lang ng ngisi nya ah..parang may binabalak na masama..
"Ehem."
Problema ni Daryl? May ubo ba sya?
"
Sige ba, sa music room?" Tumango si Royce at akmang aakbayan pa sana ako ng hinila ako ng ulol-- este ni Daryl..
"Matutulog na si Princess, manahimik kayo mga ungas."
Hala! Di pa ako inaantok!
Pagpasok namin ng kwarto wala lang man syang imik, inayos nya iyong unan sa kama. Madilim iyong mukha nya...
"Wag kang magpalandi sa ungas na iyon." Di ako nakapagsalita.
nakakatakot..Teka..
Nagseselos ba sya??
Yieeeee progress na ba to? Day 1 pa lang naman ah..
"Dito ka na matulog, baka sipunin ka pa pag sa sahig ka ulit."
Ay charot! Improving si koya..
"Paano ka naman?" Tanong ko... aba! Lab ko iyan, di ko hahayaang sipunin rin iyan sa sahig..
"Okay lang ako." Nginitian nya ako..
Tumalikod na sya at binuksan na nya ang pinto...
"Nana..."
Natigilan sya sa pagpihit at nilingon nya ako ulit..
"Goodnight."
Sana sa akin ka na ulit...
BINABASA MO ANG
APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔
Fanfiction"Beer ang sabi ko. hindi apple juice." "Huh? Beer naman iyan ah." 🚨Nctzone series #1: Jaeminju🚨