Daryl Na
Takbo lang ng takbo ang ginagawa ko. Tangina naman ehhhh, iyong babaeng iyon talaga!! Sayang sa pamasahe...
Pumunta na ako sa bahay nila jayce, wala naman sya doon. Pumunta na rin ako sa mga pwede nyang puntahan pero mahilig talaga iyong babaeng iyon sa taguan.. pero syempre mas expert ako dyan
Taguan ng feelings..
Shet ang bakla ko..
Pumunta ako sa park na malapit sa bahay nila. Hinihingal pa nga ako..ubos na pera ko at wala na akong pamasahe...kawawa naman ako. Pero para kay princess to eh..
Lumuwag naman ang paghinga ko ng makita ko sya. Aba! Sa dami kong pinuntahan dito lang naman pala sya sa kalapit na park matatagpuan?
Nilapitan ko sya, nakapajama pa sya tapos sabog ang buhok nya at namumula nanaman ang mata nya.
Nilingon nya ako ng bigla nya akong napansin. Gulat na gulat pa nga sya. Gwapo ko raw siguro
"Nana?"
"Hoy babae! Pinag alala mo kami! Tapos nandito ka lang pala! Di mo ba alam na inubos mo ang pera ko?! Hindi kami mapakali! Lahat kami hinahanap--"
Shet! Bakit bigla na lang tong nangyayakap?
Sinubsob nya ang mukha nya sa puti kong damit, naririnig ko pa ang mga hikbi nya. Tss umiiyak nanaman.
"Shhh tahan na..." nanginginig ang kamay ko habang sinusuklay ko ang buhok nya. Nakakabakla!!
Bumitaw sya sa yakap. Pinahid ko ang mga luha nya gamit ng hinlalaki ko. Kahit sabog ang buhok nya ngayon maganda parin sya para sakin.
"Princess, pinag alala mo kami."
Hindi sya sumagot, napansin ko rin ang mga bote sa tabi nya..
Hindi iyon bote ng alak..
Kundi bote ng applejuice..
Napangiti na lang ako, sinusunod na nya ang mga walang kwenta kong pinagsasabi.
"Nana.."
Bakit parang ang inosente nya ngayon? Inaakit nya ba ako?Shit shit shit!!
Those lips..
Tuksooo layuan mo akoooo...
No..ayaw nyang lumayo sakin. Pakiusap..
Kahit isang beses lang, isa lang...promise isa lang, hindi na kita kukulitin pa.
Hindi ko na pinigilan, inilapit ko na ang mukha ko.....
Hindi sya pumalag, hinalikan ko na sya. Nalunod na ako....hindi na ako makaahon. Naligaw na ako, hindi ko na alam ang daan pabalik..
Lips with the taste of applejuice..
Sumalangit nawa ang aking kaluluwa..
BINABASA MO ANG
APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔
Fanfiction"Beer ang sabi ko. hindi apple juice." "Huh? Beer naman iyan ah." 🚨Nctzone series #1: Jaeminju🚨